ANG ending, wala nang nagawa si Ezekiel kung 'di isama ako sa plano niyang expedition nila sa Palomo.
Syempre hindi na 'ko nakatanggi dahil parang last resort niya na 'yon para hindi ako mag-overthink sa lakad na 'yon.
Hindi ko naman sinabing iyon ang gusto kong mangyari dahil nandito pa rin 'yung pangamba sa puso ko. Alam ko naman ding sumama man ako o hindi, matutuloy at matutuloy pa rin 'yon. Hindi ko naman kasi inakala na gano'n ang magiging pasya niya. Gayon pa man, mas pabor na iyon sa 'kin kaysa maiwan at maloka 'ko dito sa palasyo niya.
Dahil isang linggo ang binigay ni Ezekiel na paghahanda sa 'min, naging abala kaming mga sasama sa maiiwang gawain dito. Sa kaso ko, kinaylangan kong mag-set up ng plan sa mga pinaaayos ko dito sa palasyo. Hindi naman daw kami aabutin ng tatlo o apat na buwan sa Palomo kaya naman binigyan ko na lang ng tagubilin ang renovation team sa mga gagawin nila habang wala kami.
Ngayong araw, nasa kalagitnaan ako ng diskusyon namin ni Eula, siya ang tumatayong private educator ko patungkol sa mundo na 'to. Isa siyang Mayari noon sa Crescencia Academy at ang balita ko, ka-batch nito si Sylvester. Ni-recommend siya nito at sinabi naman ni Hannah na magiging mabuti rin kung siya nga ang mag-aalaga sa 'kin.
Ang enchantment ni Eula ay may kinalaman naman talaga sa profession niya ngayon. Passive instant learning ang tawag niya rito kung saan oras na mabasa, marinig, makita niya ang konsepto ng isang bagay, naiintindihan niya agad ito. Bago siya mapunta dito sa palasyo, sa isang primary school muna siya nagtrabaho.
Ayos naman siyang kasama dahil mabait at mahinhin lang siya. Hindi rin siya mahigpit kaya nakakahiyang hindi makinig sa mga diskusyon niya. Dahil may pagka-expert siya sa larangan na 'to, alam niya 'yung para-paraan upang hindi ako antukin.
Marami na rin akong natutunan sa kaniya tungkol sa mga basic ng mundo na 'to. Hindi ko na maalala kung ilan ang populasyon ng enchanters dito pero ang alam ko, nasa 50 million something. Kung ano ang hugis ng mapa ng Pilipinas sa normal na mundong pinanggalingan ko, gano'n din dito. Mukhang sadyang iba lang ang sistema at mga lugar.
Noong nabubuhay pa ang royal families, sila ang may pinakamataas na social status sa bansa at wala iyong exception. Kahit na half-blood ka, hangga't may isang royal blood na nabubuhay sa pamilya ninyo, nasa ilalim ka ng privilege na iyon. Ngunit oras na maubos ang maharlika sa pamilya, natural lang na bumaba rin ang katayuan mo sa lipunan.
Maihahalintulad ang sistema ng pamamahala rito bilang isang constitutional monarchy. Binabahagi ng monarch ang kapangyarihan nila bilang isang pinuno sa nabuong administrasyon dito. Kumbaga sa ngayon, hawak ng Diwata regime ang awtoridad, pero kapag tinanghal na si Ezekiel bilang hari, parehas na silang may karapatan sa pamamalakad nito.
Tinanong ko kay Eula kung bakit hindi in-abolish ng regime ang right ng mga royal blood noong na-wipe out sila. Kasi kung iisipin mo, sino ang ayaw ng power? Narinig ko rin dati na hindi gusto ng mga 'yon na bumalik sa trono ang mga maharlika.
Ang sagot pala doon, ayon sa kasaysayan, hindi pwedeng sirain ang ginawang unbreakable vow ng sinaunang maharlika ukol sa pamumuno nila habambuhay. Hindi pa man napatutunayan kung may masamang mangyayari kapag ipinagkait ito sa mga royal, natatakot ang mga tao sa pwedeng kahinatnan ng bansa. Dahil doon, walang magawa ang awtoridad kung hindi sundin ang gusto ng publiko.
Minsan kapag wala akong magawa, binabasa ko ang binigay na booklet sa 'kin ni Eula ukol sa batas dito. Hindi naman siya nakababagot dahil marami akong natututunan. Ngayon naman, inidi-discuss ni Eula ang tungkol sa mga royal blood na mismo.
"I think it would be easier for you to understand kung magsisimula tayo sa topic na gusto mo tungkol sa mundo ng mga dugong bughaw," saad ni Eula sa 'kin. "Ano na bang alam mo tungkol sa kanila?"
BINABASA MO ANG
The Royal Prophecy II: Forsaken Crown
FantasyIMPORTANT: THIS IS THE SECOND BOOK OF THE ROYAL PROPHECY SERIES. THE FIRST BOOK, THE ROYAL PROPHECY: CRESCENCIA ACADEMY IS ONLY AVAILABLE IN DREAME & YUGTO. TO FOLLOW THE STORY OF THE CHARACTERS, YOU MUST FIRST READ THE FIRST BOOK ----- Matapos ang...