"ANO'NG you need to leave Crescencia?" bulalas ko rito at sinamaan ng tingin si Ezekiel.
"Kung ano'ng nasa isip mo, 'yun na 'yon. Pagkatapos ng graduation, lalabas na 'ko ng academy at hindi ko na 'to pagpapatuloy."
"Hindi ko na naman alam 'to," sambit ko.
"Dahil ngayon ko lang sinabi. Kanina lang din ako nakapagdesisyon dahil nagdadalawang-isip pa 'ko nung mga nakaraan," ani Ezekiel sa 'min.
Hindi naman ako nakakibo dahil hindi ko gusto 'yung narinig ko. Napasandal na lang ako sa inuupuan at humalukipkip doon.
Kapag lumabas ng school si Ezekiel, ibig sabihin, maiiwan ako dito. Hindi madaling bumyahe sa ibang lugar dito sa mundo na 'to kapag manggagaling sa Crescencia. Isa 'tong isla at nakahiwalay sa ibang bayan o siyudad. Noong pumunta kami ng Ranin City, nagsasakyang pandagat muna kami bago sumakay ng bus. I don't like this, not at all.
"Kitkat, we'll talk later after this meeting," paalala muna sa 'kin ni Ezekiel.
"Bakit hindi mo pa sabihin ngayon para marinig din namin?" hirit ni Lauraine.
Kusang tumaas ang kilay ko rito. Kasali ka ba sa relasyon namin, 'te?
"Dahil may mga bagay na para lang sa kanilang dalawa. Commonsense, Lauraine," wika ni Lyra dito. Siya na ang sumagot bago pa 'ko makapagsalita.
Ano ba 'tong si Lauraine? Akala ko kapag nakasama ko siya, mababawasan 'yung inis ko sa kaniya. Pero mukhang magiging malala lang dahil sa pagka-intrimitida niya. Hindi ba alam ng isa na 'tong boyfriend ko si Ezekiel? Kaya ba grabe na lang siyang dumikit-dikit sa kaniya?
"Tulad ng sabi ko, lalabas ako ng academy sa graduation. Kung ako ang pakay ng Vindex na 'yan sa mensahe nila, mas maigi na talaga 'yon para walang ibang madamay sa pagpuntirya sa 'kin. Hangga't nandito ako, malalagay sa panganib ang eskwelahan gano'n na rin 'yung mga estudyante. Ngayon naman, doon tayo sa purpose ng pagtawag ko sa iniyo ngayon," hayag ni Ezekiel at isa isang tiningnan ang mga nasa silid ngayon. "Come with me, help me prepare for the future."
Tila dinaanan ng anghel ang silid dahil sa narinig. Maski ako, muling nahiwalay sa sandalan at napatitig kay Ezekiel. Seryoso ang itsura niya at alam kong hindi siya nagbibiro sa sinabi niya.
"Y-You mean, lalabas din kami ng academy na 'to?" utal na tanong ni Erisse.
"Gano'n na nga. Pagkatapos ng graduation, sasama kayo sa 'kin sa labas. Kung talagang handa kayong suportahan ako, susundan n'yo ko kahit saan ako magpunta. Malaking paninindigan ito, alam ko, at iyon ang kaylangan ko."
"W-wait, pa'no 'yung studies namin? Hindi papayag 'yung magulang ko na hindi ako maka-graduate," wika naman ni Jasmine rito.
"Natanong ko na rin 'yan sa regime. Ang sabi nila, sila nang bahala sa edukasyon para magkaro'n ng diploma o certificate ang mga gustong sumama sa 'kin," sagot ni Ezekiel dito. "Makakapagpatuloy pa rin kayo sa pag-aaral, iyon nga lang, home study na."
"Pumayag ang regime sa gano'n?" sabat naman ni Sherwin sa usapan.
"Kung magiging haligi kayo ng hari sa kinabukasan, dapat lang na tumugon sila sa pangangaylangan ng mga tauhan ni Ezekiel," sabi naman ni Lauraine sa 'min.
"Pa'no naman 'yung tutuluyan namin? Sa kabila 'yung inuuwian namin ni Kitkat," saad pa ni Jasmine.
"Isa pa pala 'yon, hindi ko agad nasabi sa iniyo. Ibibigay na sa 'kin ang susi sa palasyo ng mga Valeria, pati na rin ang titulo nito dahil ako naman talaga ang eredero ng mga ari-arian nila. Masyadong malawak ang lupain para mawalan kayo ng tutuluyan," paliwanag pa ni Ezekiel.
BINABASA MO ANG
The Royal Prophecy II: Forsaken Crown
FantasyIMPORTANT: THIS IS THE SECOND BOOK OF THE ROYAL PROPHECY SERIES. THE FIRST BOOK, THE ROYAL PROPHECY: CRESCENCIA ACADEMY IS ONLY AVAILABLE IN DREAME & YUGTO. TO FOLLOW THE STORY OF THE CHARACTERS, YOU MUST FIRST READ THE FIRST BOOK ----- Matapos ang...