[KITKAT]
HINDI ko na halos maalala ang naging buhay ko bago kami mapunta sa isla na ito. Pakiramdam ko'y dito na 'ko lumaki kahit alam kong hindi naging madali bago namin natupad lahat ng 'to.
Kaylan nga ba iyon? Dalawang taon mahigit na kaming naninirahan dito at kahit kaylan, hindi ko naramdaman na hindi ko gusto ang lugar na 'to. Habang mas dumadaan ang bawat araw, lalo kong nararanasan ang ginhawa ng buhay.
Hindi man kami nakalalabas ng isla, malaya naman kaming lumibot sa lahat ng lugar na ito. Para bang pagmamay-ari namin ang buong pulo at walang problemang gumugulo sa 'ming mga nakatira rito. Mas gusto ko rin 'yon dahil ganitong ganito ang gusto kong kapayapaan.
Naging mahirap talaga ang lahat noong una. Akala ko, hindi na 'ko makaka-move on sa unang taong minahal ko ng buong puso—si Ezekiel Valeria. Ngunit akala ko lang iyon. Habang tumatagal, unti-unti na lang akong nasasanay na wala na siya sa tabi ko. At napagtanto ko na lang na isang araw, hindi ko naman talaga siya kaylangan para sa sarili kong kapakanan. I won't forget him though, dahil madami akong natutunan sa kaniya at hindi rin ako galit sa kaniya. Wala naman siyang pinakita sa 'king iba kung 'di puro kabutihan.
Magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong wala na talaga 'kong nararamdaman sa kaniya. He was my first love at kapag naaalala ko siya minsan, iniisip ko pa rin kung ano na kaya ang lagay namin ngayon kung nanatili ako sa tabi niya. Would it get better, or worst? I don't know, but one thing is certain for me—Alam kong hindi ako nagkamali na sumama ako dito.
Halos lahat ng tao rito, may malasakit sa bawat isa. Madalas ding magkaroon ng event dahil kami kami lang naman ang magkakasama para sayangin ang masasayang araw. Dahil doon, mas nagiging malapit ang mga mamamayan. Kung tutuusin, mas madalas pa kaming abala sa mga kaganapan sa Manara kaysa sa mga trabaho namin.
Tulad ngayon, naghahanda ang lahat para sa ika-pitungpu't limang kaarawan ni Ginang Alma. Magaganap ito sa liwasan ng bayan.
Hinahanda ko na sa kusina ang kakaylanganin para sa ibe-bake naming cake bilang regalo sa kaniya. Hinihintay ko lang si Vivien na siyang kumuha pa ng sangkap sa barakahan.
Simula nang dumating kami rito, hindi hamak na mas malaki na ang tahanan namin ngayon. May kani-kaniya na kaming kwarto at niluwagan pa ang pinakasala at kitchen. Hindi pa ayos ang disenyo ng lugar at unti-unti lang ang paggawa namin dito. Pero kahit papaano, kumportable na ang pamumuhay namin.
Habang inaayos ko ang mga gamit na kaylangan, nalingon na lang ako sa pintuan na nagbukas.
Bumungad naman sa harap ko si Valentin na siyang kagagaling lang sa bayan. Naaalala ko pa dati na humaba ang buhok niya hanggang baywang, ngunit pinaputol niya na ito kaya mas mukha nang maaliwalas ang itim at makintab niyang buhok.
"How was your visit today?" nakangiti kong sabi sa kaniya at lumapit dito.
Naupo naman si Valentin sa hapag-kainan at ngumiti sa 'kin. Tuwing Monday at Tuesday, pumupunta siya sa maliit na paaralan sa baba para sa mga bata. Sumasalimpusa kasi siya para matutong magsulat. Hanggang ngayon kasi, hirap pa rin siya rito, pero nakakayanan niya naman na. Lalo't tinuturuan ko ito araw-araw pagdating sa komunikasyon.
"Boring..." sagot nito.
"Hala, boring? Kaya ba umuwi ka agad?"
Tumango naman ito bilang tugon at nagpangalumbaba. Para talagang bata 'tong isa na 'to. Sa totoo lang, hindi ko inakala ito noon pero sobrang naging malapit kami sa isa't isa. In a way na para 'kong may anak dahil nakagabay kami ni Levi lagi sa kaniya. Isa pa, maganda rin ang environment ng Manara para kay Valentin. Mas natutuklasan namin kung gaano siya kabuting tao.
BINABASA MO ANG
The Royal Prophecy II: Forsaken Crown
FantasyIMPORTANT: THIS IS THE SECOND BOOK OF THE ROYAL PROPHECY SERIES. THE FIRST BOOK, THE ROYAL PROPHECY: CRESCENCIA ACADEMY IS ONLY AVAILABLE IN DREAME & YUGTO. TO FOLLOW THE STORY OF THE CHARACTERS, YOU MUST FIRST READ THE FIRST BOOK ----- Matapos ang...