[Third Person's POV]
SA malamlam na abandonadong kastilyong nakatayo sa kalagitnaan ng isla sa Esgora, may isang silid kung saan ginawa na itong tanggapan ng pinuno ng grupong Vindex. Noon, dito nabubuo ang kanilang mga plano ukol sa mga kilos na gagawin nila sa kinabukasan. Ngayong nananahimik sila mula sa publiko, hindi pa rin nagbibigay si Levi ng susunod na hakbang na gagawin ng hukbo nila—iyon ang alam ng iba. Ngunit sa binata, meron na 'tong sariling plano at tila naghihintay na lang ito ng tamang pagkakataon para doon.
Kasalukuyan namang abala si Levi habang inaaral ang bagay na makatutulong sa kaniya sa plano na iyon. Tahimik namang pinagmamasdan ni Quentin ang binata sa ginagawa nito kahit na ilang araw na niya itong nakikita.
"Kaylan mo balak magbigay ng utos sa mga tao rito, pinuno? Sa tingin ko'y nagsisimula na silang mainip sa loob ng kastilyo na 'to. Lalo na ang Alessandro," bulalas ni Quentin.
"At ano'ng utos naman ang ibibigay ko ngayon?" ika ni Levi at ibinaling ang tingin kay Quentin. Nakaupo ito sa harap ng mesa niya, habang kaharap naman nito ang dating propesor ng Crescencia na siyang laging nakabuntot sa kaniya noon palang. "Hangga't wala pa 'kong solidong plano, hindi tayo aalis sa isla na 'to. Hindi pwedeng lumabas 'yung isa na 'yon dito." Tukoy niya kay Alessandro.
"Kapag nagtanong sila sa susunod na hakbang?"
"Sasabihin ang totoo, wala pa. Gano'n lang ka-simple. Hindi na kaylangang problemahin pa iyon, sanay tayong maghintay. Wala tayong ibang ginawa kung 'di maghintay sa matagal na panahon kaya maiintindihan nila 'yon," hayag ni Levi rito.
Bago pa man makapagsalita ulit si Quentin, nakarinig na lang sila ng katok mula sa pinto. Natingin ang dalawa rito at hindi na rin naghintay ng senyas ang tao sa labas ng silid. Kusa na itong pumasok sa kwarto tulad ng lagi niyang ginagawa.
"Pinuno, Professor Quentin," bati ni Monique at bahagya pang yumuko sa mga 'to habang nakangiti.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" ani Quentin.
"It's boring out there; I just don't want to be alone there." Tukoy nito sa labas ng silid at dumiretso ng lakad tungo sa katapat na silya ni Quentin. Pagkaupo niya, nginitian nito ang dalawa.
Bumuntong hininga ang dating propesor at tumingin na lamang kay Levi. Akma itong tatayo, ngunit nagsalita muna, "Maiwan ko muna kayo. Uutusan ko lang si Serge na kumuha ng balita dahil naiinip na rin ako."
"Bye," ika ni Monique at kumaway pa rito.
Habang tumango lang si Levi at hinayaan nang lumabas ng silid ang matanda. Pagkalabas nito, muling binalik ng binata ang atensyon sa kaniyang binabasa.
"I don't know what you are up to now pinuno," bulalas ni Monique sa harap nito.
Natingin sa kaniya si Levi at pinaningkitan ito ng tingin.
"Ngayong nandito na si Alessandro, shouldn't we move to our next plan? Gather his supporters?" saad ng dalaga rito.
"Nagmamadali ka ba?"
"Hindi naman, nae-excite lang ako sa mga susunod na mangyayari," ligalig na wika nito at biglang seryosong tumingin sa binata. "You know, I want to thank you for all of this. For inviting me to join your wonderful team. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa 'ko sa mga taong tatatak sa kasaysayan kapag dumating na 'yung oras ng pag-upo ni Alessandro sa trono."
Naningkit na lang ang paningin ni Levi rito at dumantay sa mesa upang mas harapin ang dalaga. "Ano'ng plano mo kapag nangyari 'yung pinakaminimithi mong bagay? Kapag namuno na si Alessandro?"
Natahimik naman si Monique rito dahil sa totoo lang, hindi niya pa iyon naiisip. "Serve him well? Hindi ko pa ga'nong napag-iisipan 'yon, pero ngayong binigyan mo 'ko ng idea, siguro sisimulan ko nang magplano."
"Sa tingin mo ba kapag nakuha na ni Alessandro ang gusto niya, kasama ka pa rin sa kinabukasan niya?"
"What do you mean? I mean of course, kung merong higit na sumasamba sa kaniya, ako 'yon at naniniwala akong masusuklian lahat ng ginagawa kong 'to."
Bahagyang natawa si Levi at umiling. "Why would you throw your precious life over a man who'd done nothing but terrible things?"
"He might be dangerous and terrible, I know that. Pero sa mga mata ko, mas masaklap pa 'yung mga taong nasa labas ng isla na 'to. If I'm going to put my faith in someone, hindi sa mga taong pinagkait sa 'kin 'yung mga bagay na kukumpleto sa 'kin. Alam mo 'yan, pinuno," seryosong wika ng dalaga rito.
"Monique..." tawag ni Levi at masidhi siyang tiningnan sa mga mata. "Alam ko kung saan nanggagaling 'yung paniniwala mo kay Alessandro, pero gusto kong isipin mong mabuti kung ano'ng kahihinatnan ng lahat ng 'to kung sakali na matupad ang pangarap niya. Would you be in a better place? Sacrificing your youth for him, would it be worth it for you? Mahaba-haba pa 'yung tatahakin mong landas sa mundo na 'to kaya alalahanin mong mabuti 'yung para sa sarili mo at hindi para sa iba."
Hindi agad nakaimik ang dalaga at tila napaisip sa sinabi ng kaniyang pinuno. Ilang sandali pa at bahagya itong bumungisngis. "Sinasabi mo lahat ng 'yan, but look at you, parehas lang tayo ng kinatatayuan ngayon. Mas malala pa nga 'yung iyo. You're also throwing away your precious life to serve Alessandro, hindi ba? Kung merong mas higit na nagsa-sacrifice, hindi ako 'yon dahil mas maraming masasayang sa 'yo kaysa sa 'kin. Your reputation was unbelievable back at the academy. Maraming nag-aagawan sa kinabukasan mo. May future ka sa mundong ginagalawan natin, but you chose to stay here and bring back Alessandro. Why, pinuno? Why throw away your precious life for a man who'd done nothing but terrible things?" biro pa nito. "Alam kong hindi kapangyarihan o authority ang habol mo dahil kung oo, hinding hindi mo bubuhayin si Alessandro."
"Because I know that all of this would be worth it in the end," seryosong sagot ni Levi. "Alam ko kung ano'ng kalalabasan ng lahat ng 'to at ano'ng mabibigay sa 'kin ng muling pagbuhay sa kaniya. Kaylangang nasiguro mo na 'yung kahihinatnan ng goal mo at gano'n ang akin."
"Alam mo minsan, nagtataka rin ako kung bakit nga ba ayaw mong magkaro'n ng power sa authority. Mataas naman ang honor mo bilang marshal ng Warner sa academy, you have proven your worth as a leader, but what are you doing here?" pagtataka ng dalaga sa bagay na ngayon niya lang napagtanto.
"Tulad ng sabi ko sa iniyo nung una, kung mamumuno ako, gusto ko sa taong tulad ni Alessandro," tipid na katwiran ni Levi at agad nang nilihis ang tingin sa dalaga. Animo'y hindi lang talaga iyon ang dahilan niya sa lahat ng ito.
Hindi rin iyon nakatakas sa pagtingin ni Monique, ngunit bulag ito sa paniniwala niya kay Levi dahil sa mga natulong nito sa kaniya. Gusto niya pang makarinig ng sapat na dahilan, pero minabuti niya nang hindi muna ito usisain ngayon. Batid niyang dadating din ang araw na panahon na lang ang makasasagot ng tanong niya ukol sa sinusunod niyang pinuno ngayon.
"Alright, hindi ko alam kung ano bang goal 'yan, pero alam kong iisa lang ang hangad natin. Ang mamuno ulit siya para sa ikaliligaya nating mga sumasamba sa kaniya. That's enough for me. And my goal? Saka ko na iisipin kapag kaunti na lang 'yung steps natin para doon." Malawak na ngumiti si Monique.
Nagkibit-balikat lang si Levi at muli nang binalik ang kaniyang tuon sa binabasa.
"By the way, how's Valentin? Hindi pa ba siya tapos sa utos mo sa kaniya kay Vivien? I don't think we need that woman anymore," daldal pa nito.
"Yeah, I don't think we need her," tamad na sagot ng binata.
"Eh, ano pang ginagawa ni Valentin sa labas? Bakit hindi mo pa pauwiin dito?"
Natigil si Levi at bahagyang natingin kay Monique. "I don't know where he is."
"You don't know? Wala na siya sa Palomo?"
"Pagkatapos ng pagbuhay natin kay Alessandro, hindi na siya namataan doon."
"What!? Eh, pa'no 'yun? Pa'no kung nahuli siya?" kunot-noong saad ni Monique.
"Eh 'di mas maiging hindi muna siya hanapin ngayon. Kung nag-aalala ka na baka isiwalat niya kung nasaan tayo, hindi mangyayari 'yon."
"How can you be so sure?"
"Because it's Valentin," tanging sagot na lang ni Levi at hindi na pinansin pa si Monique.
Bago pa makapagdaldal ulit si Monique, bigla nalang may pumasok sa pinto at inilabas nito si Quentin, dala ang isang dyaryo. Inilahad niya agad ito sa harap ng dalawa at tila balisa ito sa kaniyang kilos.
BINABASA MO ANG
The Royal Prophecy II: Forsaken Crown
FantasyIMPORTANT: THIS IS THE SECOND BOOK OF THE ROYAL PROPHECY SERIES. THE FIRST BOOK, THE ROYAL PROPHECY: CRESCENCIA ACADEMY IS ONLY AVAILABLE IN DREAME & YUGTO. TO FOLLOW THE STORY OF THE CHARACTERS, YOU MUST FIRST READ THE FIRST BOOK ----- Matapos ang...