Sabrina's POV
"So, sabrina!!... Nasabi samin nitong si matt na kayo na? Totoo ba?" Maarteng tanong sakin ni Myra habang nakasandal sa bago nitong boyfriend. Sya ang queen bee sa school. Hindi naman kami mag kaaway at di rin magkaibigan. Pero aloof ako sa kanya kasi alam kong bolakbulera sya. Cutting is life kumbaga.
"Uhmm! Yeah. Two months na." Sagot ko sabay lingon kay matt. Tiningnan at kininditan lang naman ako nito dahil sa sagot ko.
"Are you sure na ba kay matt? Alam mo naman na may history yan ng pagiging playboy." Tanong naman ni Lianne.
" What's with the question Lianne? Of course tatagal kami ng baby ko.. Love ko yata to. Isa pa, nagbago na ko, right baby?" Biglang sagot ni Matt sabay akbay sakin.
Gusto ko sanang humiwalay pero ayoko namang gumawa ng eksena kaya hinayaan ko nalang. At pasimpleng tumango ng alanganin.
Natawa naman ang mga barkada nito sa sagot ko at nag apir pa na kala mo nanalo na sa lotto.
"Iba talaga kamandag mo pareng matt. Sabrina ba naman? Our school's role model. Maganda, mabait at wag ka ... matalinooooo. Hahahha. Wala ka nang hahanapin pa." Malakas na turan ni Marvin kasama sa school varsity namin.
"Syempre.. And dyosang gaya nya lang ang bagay sa gwapong ako. Meant to be ba. " Sagot pa ni matt.
Natapos ang lunch na halos hindi ako nagsasalita. Nakikinig lang ako sa mga usapan nila at sasagot lang kapag tinanong ako.
"Babe! May practice kami ng basketball mamayang hapon after class. Hindi kita mahahatid ah. Pero babawi ako bukas." Paalam nito. Varsity/Team Captain din kasi sya ng school namin sa basketball at ang alam ko. Huling laro na nila yung sa susunod na buwan dahil graduating na kami.
"Ok lang.. Sasabay nalang ako kay topher. " Sagot ko
"Kila myra ka sumabay ng uwi. Baka ano sabihin ng iba kapag sa best friend mo ikaw sumabay. Ayoko ng iniissue ka. " Pahayag nito. Gusto ko sanang tumutol kaso naisip ko na.. Mas tama lang na umiwas ako kay topher dahil nga may manliligawa na ko. panget tingnan kung makikita ng iba na kung sino sino kasama kong lalaki. Dahil sa isipin yon ay tumango ako at sumang ayon na sasabay nalang kila myra after school. Bukas nalang ako mag eexplain kay topher
"That's my girl. O pano. Una na ko ha. Lab you!" Turan nito sabay lakad palayo. Nakita ko pa ng mag apir ito at mga kaibigan bago tuluyang umalis.
"Tulala yarn?" Pukaw sakin ni Elise
"Tama ba na sinagot ko si matt? I mean, mabait naman sya, maasikaso at may pagka gentleman....
"Pero???" Agap ni Elise sa sasabihin ko
"Anong pero?" Naguguluhan kong tanong dito
"Alam kong pero kasunod ng sentence mo. Bakla ka. Gentleman eme eme pero? Mayabang? Feeling yummy kahit di naman? " Sagot nito na ikinatawa ko. Ever since sabihin ko sa kanya na nanliligaw ito sakin ay sobrang against na sya kay matt. Alam daw kasi nya likaw ng bituka ng gaya ni matt. Pero dahil iba nakikita ko. Lagi ko syang sinasalungat.
"Gaga! Mabait talaga yung tao..Actually pinakilala na nga nya ko sa mga kaibigan nya kaninag lunch e." Pagyayabang ko
"Girl? Sinong di makakakilala sa isang sabrina? Ikaw kaya role model ng school. Ikaw ang 2 times defending champion ng Mr. & Ms. Saint Martin Academy. San kapa. Swerte nya sayo girl. Minalas ka lang sa kanya." Halata ang disgusto sa boses nito..Hindi na ko nagsalita dahil alam ko na kahit anong sabihin kong maganda tungkol kay matt, sasalungatin nya lang. May halong panlalait pa
"By the way, pasabi kay topher na hindi ako makakasabay sa kanya. Ayaw kasi ni matt dahil baka maissue daw." Pahayag ko kaya agad lumukot muka nito
"Ayan! Nagsisimula na syang pagbawalan ka. Iba na yan girl. Escape kana habang early pa relationship nyo." Parang sira na turan nya
"Naiinis na ko Elise ha. Tama na yan..Mabait yung tao at desisyon ko din na wag na muna sumama kay topher. Baka akalain nga ng iba ay two timer ako. Mahirap na." Paliwanag ko na inismiran nya lang
" O sya. Sabihin ko nalang kay topher ang pinapasabi mo. Tara na sa room, baka malate pa tayo." Sabi nya saka talikod sakin
BINABASA MO ANG
Moments with you
القصة القصيرةSabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...