Mabilis lumipas ang mga araw. Nakalabas na si sab ng ospital pero patuloy ang counseling. Kita kong pinipilit nya para saming nagmamahal sa kanya na lumaban at wag sumuko, pero kita ko rin ang pagod sa mga mata nya.
Nilapitan ko sya dahil gaya ng mga nagdaan nyang session, ibinato nanaman nya ang kung anong bagay na mahawakan nya dahil sa pag kainis. She's changing. Alam kong ang nangyari sa kanya ang malaking dahilan. Naging bugnutin, maikli pasensya, pala sigaw at higit sa lahat, sumasagot na din sya kaila tita Daisy bagay na never nyang ginawa noon.
"Kawawa naman yung upuan o. Nananahimik pero ibinato mo. Kung nagsasalita yan, nagreklamo na yan!" Biro ko sa kanya pero sa mismong tapat ng upuan na binato nya ako huminto at muli itong itinayo.
"What are you doing here?" Tanong nya habang pinupunasan ang luha sa mata. Tumagilid pa sya para itago iyon pero alam nyang nakita ko sya.
"Checking on you?" Patanong kong sagot sa kanya.
"Why are you doing this, topher? Why do you have to check up on me all the time? Why do you care? huh? Why?" May tono ng galit na tanong nya sakin.
"If I don't...then who? Ni ang sarili mo hindi mo ngayon maalagaan. We are here to let you know that we are fighting for you. We love you that's why we support you. Ano pa ba ang ibang dahilan bakit kami nandito? Bakit ako nandito?" Inis kong sagot sa kanya. Pansin nya ang kaseryosohan ko ngayon sa kanya pero pinili nyang wag pansinin.
"Hindi ko kailangan ang awa nyo, mo o nang kahit na sino. Hindi ko kayo kailangan sa tabi ko. Ang akala nyong lahat ay nakakatulong kayo, pero sinasabi ko sayo.. hindi. HINDI! HINDI! HINDI! Habang nakikita ko kayo bawat oras, bawat minuto. Mas pinapaalala nyo sakin na may mali. May hindi tama. Na nakakaawa ako. Bakit? Dahil sa nangyari sakin? Dahil biktima ako ng kababuyan ng iba? Hindi nyo kailangang ipamuka pa sakin yun. Dahil ako mismo, oras oras, minu-minuto at bawat segundo ay naaalala yun. Kaya kung akala nyo na mas okay na nakapaligid kayo sakin. Nag kakamali kayo!! Maling mali kayo." pahina ng pahina ang boses na saad nya. Bawat kataga at salitang lumalabas sa bibig nya ay nakakaramdam ako ng sakit. Parang sinasaksak ang puso ko at pinipiga. Bawat salitang sabihin nya ay katumbas ng libo libong kutsilyong tumatagos sa kaibuturan ng pagkatao ko. Kung gano kabigat ang mga salita nya ay ganun din ang luhang lumalabas sa mga mata nya. She's no longer the jolly and cheerful Sabrina that I know. She's miserable and she's suffering. Instead na sagutin agad sya ay lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Nagulat pa sya nung umpisa pero kalaunan ay sumubsob din sya sa dibdib ko at doon umiyak ng umiyak. Hinahaplos ko ang buhok nya at patuloy syang inaalo. Sa itsura nya ngayon ay maraming mag aakala na para syang bata na inagawan ng candy sa tindi ng iyak nya.
"I know mahirap. Alam kong gusto mong sumuko sab. Pero please lang, andito kami. Kapag hindi mo kaya lumapit ka lang samin. Kung kailangan mo ng karamay, andito ako. Isang tawag mo lang darating ako. I'm sorry kung ganun ang pakiramdam mo everytime that we check on you. We just wanted to make sure that you are okay. We are just making sure na hindi mo kinukulong ang sarili mo sa lungkot. Natatakot kami sab. Gaya mo ay nahihirapan din kami pero sa oras na makita ka namin na pinipilit ang sarili mo na bumangon araw araw at lumaban.. Mas nagkakaron kami ng lakas.. Ganun ang epekto mo samin. nakikiusap ako sayo.. Alam ko it sounded selfish but please.. don't hurt yourself. Free yourself from the past, kasi dun ka lang magkakaroon ng totoong peace. " Mahaba kong pahayag sa kanya. Hindi sya sumagot pero hindi rin sya umalis sa bisig ko. May ilang minuto pa kami sa ganung posisyon nang maramdaman kong mas magaan na ang paghinga nya. Binuhat ko sya at pinasok sa bahay nila. Nakita pa ko ni tita daisy na buhat sya kaya tumango ako rito at dumaretso sa kwarto nito. Inihiga ko sya sa kama at kinumutan sya bago lumabas ng kwarto nya.
"How is she?" Tanong ni tita daisy ng makababa ako.
"Still the same. but I know sab, tita. She's a fighter. She'll get through this." Sagot ko
"Salamat sa pag intindi sa kanya ha. Salamat kasi hindi mo iniiwan ang anak namin. Salamat kasi nasa tabi ka nya. Hindi ko na alam kung paano ka patuloy na pasasalamatan sa mga ginagawa mo para sa pamilya namin lalo na kay sab. Magiging selfish na ko iho. Wag kang aalis sa tabi nya ha. Alam kong ikaw ang pinag kukunan nya sa ngayon ng lakas. at sayo lang sya nagtitiwala. Kaya please." Lumuluhang pakiusap sakin ni tita. Kita kong hirap na hirap sya lalo na sa nakikita nya kay Sab. Lalong na at sya ang ina. Naalala ko tuloy ang sinasabi ng iba na doble ang sakit na nararamdaman ng isang magulang kapag nakikita nitong nasasaktan ang anak.
"Don't worry tita. Hindi ako aalis sa tabi nya. Hindi ako lalayo at magsawang samahan sya. Sana din po wag kaya maumay sa mukang to " Pagbibiro ko pa na syang ikinatawa nito ng bahagya.
"Haist! Sana maging maayos na ang anak ko para makita ko ulit kung pano kayo magkulitan at mag bangayang dalawa. " Nakangiti pa nitong dagdag.
Umalis ako kaila sab pasado alas singko na ng hapon. Hindi kona sya hinintay pang magising at umuwi na. Marami pa din akong gagawin lalo na ngayon malapit na ang graduation namin. Masaya sana ang kaso hindi namin kasabay si sab na gagraduate. Mahigit dalwang buwan na syang wala sa school at kahit magbigay daw ng make up class or special project ay hindi na kakayanin pa. Tita daisy understand the situation at hindi rin naman daw nila hahayaan na mag isip pa si sab. Tama na muna daw ang pinag dadaanan ni sab dahil baka lalo lang mahirapn ito.
Nakarating ako sa bahay namin at dumaretso sa kwarto ko pero pagpasok na pagpasok ko ay mag biglang nambato ng unan at sakto sa muka ko. Dahil hindi ko inaasahan ay agad akong na out balance at bumagsak sa sahig.
"What the!! " reklamo ko at tumingin sa direksyon na pinanggalingan ng unan ko. Nagulat ako sa nakita ko. Akala ko tulog to? Bat to nandito sa kwarto ko.
"Ang tagal ko na dito naghihintay. Ano pa bang ginawa mo sa bahay namin at tumagal ka ng ganito bago makauwi. " Reklamo nya bago ayusin ang pagkakahiga sa kama ko.
"Anong ginagawa mo dito? Pano ka....." Hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil tinawanan nya lang ako
"Mag iisang oras na ko dito. Sa sobrang pagkachismoso nyo ni mom, hindi nyo na ko napansin na dumaan at lumabas. " Paliwanag nya saka tumayo at kunwari naghanap ng libro sa shelf ko.
"Bakit hindi ka namin napansin na bumaba?" Tanong kong muli
"Sa likod ako dumaan bakit ba. Alam ko kasing pipigilan nyo ako ni mom na lumabas kay naman.. tumakas ako. Hahha galing ko no? " Masaya pa nyang pagyayabang
"Haist! Pano kung may nangyari sayong masama ha? Pano kung napahamak ka on your way here. Sab, Mag ingat ka naman." May pag aalala kong sabi sa kanya. Napansin ko kung pano lumaglag ang balikat nya at humarap na may malungkot na matang nakatingin sakin.
"Yan ang sinasabi ko, topher. Ever since nangyari yon, you guys prevented me to do the things I love. You refrain me to be myself again. Every damn time magtatangka akong lumabas.. It's either ikaw or si mom ang nakabantay sakin. Hindi ako imbalido. Hindi ako bata na hindi alam ang gagawin nya at kailangan pa ng kaagapay. I was r*ped. Few beatings yes, pero I can still stand on my own. I think, I'm still entitled to be happy and do what normal person do. " Mahaba nitong paliwanag. Hindi ako nakakilos. Hindi ako makapag salita. Lahat ng sinabi nya ay totoo at talaga naman para akong sinampal sa katotohanan. Ganun na ba talaga kami sa kanya? Natatakot lang naman kaming maulit ang nangyari. Natatakot lang naman kami na this time kapag napahamak sya ay di na namin sya masave. We are just aftaid to lose her. Pero ang dating pala sa kanya... Oh my god! Ngayon ko na realize lahat. At lalo akong napapahiya sa kanya dahil tama ang mga sinabi nya.
" That's not it Sab. I'm sorry if you feel that way. Hindi namin gusto na yon ang mafeel mo. Akala namin we are doing it for your sake pero hindi namin alam na nasasakal ka pala sa ginagawa namin. And yes, you are still entitled to do things that you love but please.. Let me help you. Wag mo kong itataboy. I know, over protective na kami sayo but we are just trying our best na maging safe ka. " Mahaba ko ding paliwanag sa kanya.
"I'm not stopping you guys to help me, or protect me.
I just need some freedom and peace of mind. Gusto kong kumilos ng malaya..kasi kapag ganitong lagi kayong nakabuntot, mas hindi nawawala sa isip ko ang mga nangyari. Just let me live again." Pakiusap nya and this time, umiiyak na sya. I walked towards her and hugged her. Akala namin kami makakatulong sa kanya..Hindi namin alam na kami pa pala ang sumasakal at nagiging dahilan para mas mahirapan sya. We're sorry sab. Sorry
BINABASA MO ANG
Moments with you
Historia CortaSabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...