Dedicate this chapter to cathyrine_30
***
Habang inaayos ni sabby ang camera ay napansin ko ang sarili kong natutulog sa kama. Marahil ito yung araw na pumunta sya samin at nadatnan ko syang nasa kwarto ko. (ito yung nasa chapter eight guys)
SABRINA'S POV
"Okay! Okay! hahahah sorry for the delay topher..." Paghingi ko ng paumahin..Saka muling humarap sa camera. " How are you? " tanong ko. Alam kong sa mga oras na ito ay hindi nya ako masasagot kasi tulog na sya. Though andito ako sa room nya pero minemake sure ko na di sya magigising. "Pag Napanood mo ito ibig sabihin wala na ko....." Tumungo ako dahil alam kong nagsisimula na akong maiyak kaya agad akong nagpahid ng luha bago magpatuloy."Wag kang magagalit ha? Sana maintindihan mo ang naging desisyon ko.... Sorry kung pinag alala ko kayo.... Sorry kung naging selfish ako... Sorry kung iiwan ko muna kayo.. Hindi na kasi kinaya ng maliit kong utak ang constant worrying and thinking e... Alam mo yung kahit sarili ko ay niloloko ko na.. na okay ako.. na babalik ang lahat sa dati, na makakalimot ako at muling magpapatuloy ang buhay pero hindi e... Gusto kong magpakatotoo kahit sa sarili ko lang. Alam kong hindi na mabubura sa isip ko ang mga nangyari na.. Wala akong karapatang idamay kayo sa kung ano mang nangyayari sa buhay ko.. Ang sakit topher.. Ang sakit sakit.. Pakiramdaman ko ang dumi dumi ko pa rin. Pakiramdam ko sarili ko nalang niloloko na okay ako. Iniisip ko na malingat lang ako saglit ay gagawan ako ng masama. Ano mang paligo o linis ang gawin ko sa katawan ko, hindi ko maialis sa isip ko na ilang lalaki ang bumaboy sakin.
Hindi ko gustong madamay kayo. Alam ng diyos na kung bibigyan ako ng pagkakataon, pipilitin kong lumaban. Pipilitin kong maging mas matatag para sa inyo pero hindi e. Hindi ko gustong pag alalahanin pa kayo. Alam kong selfish ang gagawin ko pero sana maintindihan nyo ako. Sana mahanap nyo sa puso nyo ang patawarin ako.
Ang duwag ko ba? Hindi bale.. kung marereincarnate ako. I will do better.. I will fight pero ngayon... hayaan nyo na muna akong sumuko... Hindi ko na kasi kaya e. Hindi ko na kaya..Alam kong kapakanan ko ang iniisip nyo nila mommy. Alam kong ako lang ang inaalala nyo pero... masakit sakin na makita kayong nahihirapan din. You guys should continue your life despite of what happened to me back then pero hindi... pinili nyong ibuhos ang atensyon nyo sakin to the point na naneneglect nyo na din ang sarili nyo. Hindi ko pwedeng hayaang saakin umikot ang mundo nyo. Hindi ko pwedeng isipin ang sarili ko lang kasi hindi ako worth it na pag aksayahan ng oras nyo. I know.. hindi ka aagree pero mas nasasaktan ako sa kaalamang handa nyong talikuran ang sarili nyo masiguro lang na okay ako..." Nag pause ako at nagpunas ng luha.. Patuloy na dumadaloy ang luha sa pisngi ko at parang puputok ang puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ayokong gawin to pero don at don ako dinadala ng isip ko at mga nararamdaman ko. Itinuloy ko ang pagkuha ng video sa sarili ko kahit pa nga patuloy akong umiiyak.
"I love the attention that you are giving me pero alam kong iba kasi ang dahilan e... it's a constant reminder na may hindi magandang nangyari sakin kaya nasa tabi kita... Hindi ba pwedeng gaya nalang din nung dati? Nandun ka pero hindi limited ang mga sinasabi mo? hindi limited ang kilos na binibigay mo? Haist.. I wish na ikaw nalang topher. Ikaw nalang sana at hindi iba ang minahal ko.. Mahal kita matagal na. Mahal kita pero nasasaktan ako sa kaalamang hindi ako ang inilaan para sayo. Nasasaktan akong isipin na darating ang panahon na iiwan mo ko..I love you... I love you ever since we were kids. Sinong hindi maiinlove sa lalaking gentleman na, pogi na.. matalino pa? May pangarap pa sa buhay.. hahaha. You are my dream guy pero I don't know... hindi ko maamin yun sayo kaya pilit kong ibinaling sa iba ang atensyon ko. Inisip ko na hindi ako worth it mahalin ng gaya mo. Sobrang taas kasi ng standard na sinet mo kaya hindi ko maabot. Sometimes iniisip ko.. kung kaibigan palang iba kana mag alaga.. pano kapag naging kasintahan pa kita? Sana hindi ako naging duwag.. Sana nasabi ko sayo kung gaano kita kamahal at kung gaano ka kaimportante sakin. Sana nasabi ko manlang sayo kung ano nararamdaman ko para kahit papano hindi ko nararamdaman ang pain at regret na nararamdaman ko ngayon.. Gustong gusto kong yakapin at hagkan ka. Gusto kong ipaalam sayo lahat lahat ng laman ng puso ko. Gusto kong malaman mo na ako si sabrina na best friend mo ay matagal ng in love sayo.. Pero pano? pano ko aaminin sayo kung tingin mo sakin ay kaibigan lang? Minsan gusto ko itanong sayo... ni minsan ba hindi mo ko nagustuhan ng higit pa sa kaibigan? Ni minsan ba, naisip mo na ligawan ako? mga tanong na alam kong posibleng magtulak palayo sayo." Lumuluhang sabi ko. Pilit kong pinupunasan ang luha ko pero hindi napapatid iyon.
Tumayo ako at dumaretso sa kama kung saan natutulog ang lalaking pinaka mamahal ko.
Itinutok ko ang camera sa muka nya at saka nagsalita."Hello guys.. meet my dream. pero wag kayong maingay kasi hindi nya alam yun.. baka mamaya lumayo sakin to pag nalaman nya.. ay kayo talaga sisisihin ko."Natatawa kong turan kahit pa nga may luha sa mga mata ko.
Lumapit ako kay topher at humiga sa tabi nya. Iniyakap ko sakin ang braso nya.. at dahil marahil sa ginawa ko ay bigla itong gumalaw. Hinigit ako nito at tuluyang niyakap. Nakiramdam pako pero hindi na muli ito gumalaw. Napabuga ako ng hangin bago muling ibaling ang tingin sa camera na ngayon ay nakatutok saming dalawa.
"This will be the last time that I am going to be with him. I know that he can only see me as his best friend but, I'm still happy. I'm okay with it even though that I wanted it to be more than that. I wish that he is mine but, he's not.. I wish I have a courage to tell him na.. ayokong maging kaibigan lang nya... na mahal ko sya pero... naduduwag akong malaman ang magiging reaction nya. Natatakot ako na baka hindi pareho ang nararamdaman namin para sa isa't isa.
I wish he could tell me that he loves me!... I wish I do too... i love him more than i love myself... Jusko gusto ko na ngang sabunutan ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya at sabihin sa kanilang akin sya....Akin ang lalaking yan.." Humihikbi ng usal ko... " Please if ever na may makakita or makapanood ng video na ito bukod sa mahal ko.. Please! Please! Please! Do take care of him because he deserves it. Wag nyo hayaang sisihin nya ang sarili nya sa pagiging selfish ko. Piliin nyong manatili sa tabi nya.. Alam kong wala akong karapatang humiling kahit ano pero sana para kay topher nalang.. Wag nyo syang pababayaan... i know that someday he will find the right girl for him.. Support him and don't let him think twice...pero ibigay nyo na muna ang sandaling ito sa akin ha. Na maramdaman kahit ngayon lang ang mga yakap nya.... Kung alam ko na ganito pala kasarap makulong sa bisig na lalaking to, matagal ko na sana syang niyakap ng ganito... Kung alam ko lang.. kung alam ko lang sana....matagal ko ng inamin yun sa kanya. Ilang beses ko bang sasabihin na mahal na mahal ko ang lalaking ito.. I hope na sa pagkawala ko ay maging matatag sya. Ayoko ng magsuffer o madamay pa sya sa mga nangyayari sakin. mahal ko sya sobra. sana mahanap na nya yung magbibigay sa kanya ng pagmamahal at saya na hindi ko naibigay sa kanya. " Inalis ko ang pagkakayap ko sa kanya at muling tumayo.. Pero bago ako tuluyang umalis ay hinalikan ko sya. mula noo hanggang sa labi habang binibigkas ang salitang I love you.
"I" Kiss sa noo
"Love" Kiss sa tungki ng ilong
"You" Kiss sa labi nya..pero bago tapusin ang video ay nagiwan ako ng munting mensahe sa kanya."Mamimiss kita topher.. Mahal na mahal kita.. Ingatan mo ang sarili mo pag nawala na ako. I will stay with you and I will guide you from heaven. Please be happy for me because you deserve it my love." At dun nya tinapos ko ang video.
After kong itago ang camera ay muli akong yumakap kay topher to savor the last moment that I have with him.
Umiiyak akong bumubulong at paulit ulit na sanasabing mahal ko sya.
"I love you my topher. I love you my savior. I love you my protector. I love you with all my heart. Please be happy. Please stay happy. Please continue living the life that you deserve without me in it.
Gusto kong umalis sa mundong ito na alam kong magiging maayos ka. Magiging okay ka. Gusto kong umalis na alam kong hindi ka masyadong masasaktan sa pagkawala ko. Kasi kapag nangyari yun,.. may kabuluhan ang pagkawala ko. May pagsisi man yun ang pinili kong mawala sa tabi mo. Pagsisi na hanggang dito nalang tayo mahal ko.
Salamat sa ilang taong pagdamay at pag alaga sakin. Salamat sa panahong ikaw ang naging takbuhan ko sa oras ng pangangailangan ko. Salamat dahil hindi mo ko sinukuan.Salamat dahil lagi kang nasa tabi ko. Salamat dahil ako pa rin ang inaalala mo sa kabila ng mga ginawa ko sayo. Salamat topher.. Salamat sa pagmamahal na ipinadama mo.. Mamimiss kita sobra. Mahal na mahala kita. Hanggang sa muli nating buhay topher. Sana sa panahon na yon ay masabi ko na sayong mahal kita at sobra kang importante sa buhay ko. Hanggang sa muli nating pagkikita Mahal ko. "Pagkatapos kong masabi lahat ng nais ko ay tumayo ako at hinalikan syang muli sa noo bago ako lumabas ng kwarto. I glanced at him for the last time. before going home.
Til we meet again,topher.. "
BINABASA MO ANG
Moments with you
Short StorySabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...