"What do you mean? " Tanong sakin ni sab. Kita ko sa mata nya na hindi sya naniniwala sa sinabi ko tungkol sa narinig namin nila Vince kanina sa abandon room.
"I'm telling the truth sab. Pustahan lang ang lahat. Niligawan ka ni Matt dahil sa pustahan nila ni Myra. Hindi totoong mahal ka nya" Sabi ko
"Topher, if you are saying this dahil hindi na tayo nagkakasama lately at nagseselos ka kaila myra, please stop it. Kaibigan ko din sila. Hindi pwedeng sayo lang ako laging nakadikit. Hindi na tayo bata. Hindi ko kailangan ng proteksyon mo dahil boyfriend ko ang gagawa non..Stop acting like my father. Hindi na nakakatuwa. " Iritado nitong sagot sakin.
"I'm not jealous. Nagsasabi ako ng totoo. Kahit itanong mo pa kaila Vince. Narinig talaga namin sila. Maniwala ka. " Pagpupumilit ko
" Totoo ang sinasabi niya, Sabrina. Kaming tatlo mismo ang nakarinig non." Pagsegunda naman ni Brando
"Anong pruweba nyo?" Matapang na tanong nito. Hindi ako makasagot dahil narinig lang namin yon at hindi narecord. "See? Wala kayo maipakita. Stop it, topher. Tama na ang paninira sa boyfriend ko. Best friend kita. Akala ko susuportahan mo ko. Akala ko magiging masaya ka na masaya ako. Ano to? Ano tong ginagawa mo? Ikaw ang sumisira sa relasyon namin ng boyfriend ko. " May hinanakit na turan nito. Hindi ako makatingin sa kanya dahil hindi ko kayang makita ang mapanghusga nyang mga mata na nakatingin sakin. Lumipas pa ang ilang minuto at muli sana akong magsasalita ng dumating ang mga manloloko
"What's going on here, babe? " Tanong ni Matt kasama si Myra
"Tell him. Tell him what you told me earlier!" Galit na sabi ni sab.
"Sab! " Tawag ko dito
"STOP!! I won't tolerate anything bad na sinasabi mo against him. Now, tell us again about the bet that you told me earlier. Come on! " She said mocking me.
" What bet?" Tanong ni matt. Kita ko kung pano ito pasimpleng lumingon kay Myra.
"Bet lang daw kaya mo ko niligawan. Bet lang daw kaya naging tayo." Sumbong dito ni sabrina
"WHAT? Are you high, dude? We're together for almost 7 months and sasabihin mo bet lang? Sang lupalop ba ng impyerno mo nakuha yang ideya na yan ha?" Galit nitong sigaw sakin.
"Kanina sa abandon room. Narinig namin kayong dalwa ni Myra na nagtatalo dahil sa pustahan na yan. Narinig naming lahat." Galit kong saad na tinawanan lang nila ni Myra.
"What? I don't know what you are saying. Kakababa ko palang galing library at nakasalubong ko lang si Matt ng papasok na kami ng court. " Paliwanag ni Myra.
"We heard everything. Hindi kami sinungaling." Sabi naman ni brando
"Mga pre, Hindi ko alam kung san nyo napulot ang kasinungalingan na yan pero mahal ko si sab. Hindi ko magagawa sa kanya ang sinasabi nyo." Kaila pa ni Matt. Lumapit sakin to at saka bumulong dahilan para magpanting ng husto ang tenga ko sa galit. Walang pag aalinlangan at malakas ko itong binigyan ng malakas na suntok. Agad naman akong nahawakan nila vince para pigilan ang panibagong suntok na tatama sana rito.
"Gag* ka! Gag*!!! Hindi ko hahayaan na gawin mo yon aa best friend ko." Galit kong sigaw. Kita ko naman ang mas galit na tingin sakin ni sab.
"GET OUT OF HERE!! UMALIS NA KAYONG TATLO KUNG AYAW NYONG IREPORT KO KAYO SA PRINCIPAL." Galit na sigaw ni sab at Myra samin kaya naman agad akong hinila nila brando paalis ng court.
"Bat mo ginawa yun? Gusto mong wag grumaduate? Baliw kaba?" Iritadong tanong sakin ni Vince matapos naming makabalik ng room.
"Uuwi na ko! " Tangi kong sagot.
"Hoy! may klase pa tayo." Sabi pa ni Brando
"Ano bang sinabi ng gago na yun at sinapak mo ha? Kita mo ba galit ni sab dahil sa ginawa mo? Nag iisip ka ba? Bat nagpadala ka sa kung anong sinabi ng gag*ng yun? " Tanong pa ni vince.
"Ayoko pagusapan. Pasabi kay Ms. Andres na may sakit ako kaya hindi ako papasok. Bukas ko ibibigay ang excuse letter ko. " Sabi ko at nag dire diretso paalis ng school.
Napipikon ako sa gag*ng matt na yun at maging sa sarili ko.
Hindi ko napigilan ang sarili ko kanina dahil sa mga sinabi nito. Na kesyo plinano nila ang nangyari. Na nakita na nila kaming papuntang court kaya ipinarinig nila samin ang usapan nila na totoong pustahan lang ang panlilligaw nya, na kahit anong gawin ko ay hindi maniniwala sakin si sab.
Pero ang totoo ay hindi na nya kailangan pang sabihin yun para lang masaktan ako. Dahil reaction palang ni sab ay nagunaw na agad ako.
Hindi na sya nagtitiwala sa mga sinasabi ko at alam kong galit sya sakin. Isang masakit na katotohanan na sira na pagkakaibigan namin para sa kanya.
BINABASA MO ANG
Moments with you
ContoSabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...