I am looking at her right now. The most beautiful girl I've ever seen in my life. The girl who can make my world upside down. The girl that I cherished the most, my best friend. Her name is Sabrina Nicole Mendoza.
She's jolly and envied by many girls in our town. Who wouldn't? She has the beauty of a goddess. Every girl wants to be her friend and all the boys wants to have her. Masasabi mong nasa kanya na lahat, almost perfect ikanga. Matalino at mabait din.
While me, I'm just a very typical high schooler guy. Yung tipong papasok sa school, uuwi ng bahay and vice versa. And by the way. I am Krisopher Saavedra. 16 years old and 4th year high school sa Saint Martin Academy same with my best friend Sabrina.
While combing my hair I can't help but to stare at her. Dahil siguro tulala ko sa kanya kaya di ko napansin yung kamay nyang papalapit sakin.
"What the?? Anong problema mo sabby? "Inis kong usal sa kanya. She poked my head using her phone.
"Kanina pa kasi kitang tinatanong e. Bakit ba kasi nakatitig ka sakin ha?? May dumi ba ko sa muka o sadyang sobrang ganda ko lang talaga kaya natutulala kana?" Nakangisi nitong pang aasar. Well, may panget din pala sa ugali nya. Yun ay masyado syang over confident sa itsura nya. GGSS masyado .
"Malaking ASA!! Ang panget mo kasi kaya natulala ako. Kala ko si bakekang nasa harapan ko. " Pang aasar ko pabalik.
"Nakakainis ka talaga. Kala mo sinong gwapo." Inis nitong turan sakin. Sabby is a short-tempered girl. Mabilis mainis kaya nakakatuwang asarin e.
"Hahaha! I'm just kidding. Ito naman tampo agad. Ano bang kailangan sakin nang pinaka magandang babae sa mundo ha?" Pang aalo ko rito na alam nyang sacrcastic.
"........ Hindi ito umiimik. Nakatingin lang at naka poker face. Kaya muli akong nagsalita.
"Ok. Makapag ice cream na nga lang tutal nagiisa lang naman ako dito. Ang sarap siguro ng strawberry flavor with marshmallows." Pang iingit ko kaya wala pang isang minuto ay nasa tabi ko na ulit ito.
"Libre mo?" Tanong nya with puppy dog eyes pa kaya napatawa ko ng sobrang lakas.
"Oo naman. Ikaw pa ba. Tara na nga" sabi ko sabay hila sa kanya palabas ng bahay namin.
"Ganyan dapat lagi! Hahaha" Pahabol pa nito.
Mabilis lang kami nakalabas ng subdivision namin kaya agad kaming dumaretso sa pinaka malapit na convenience store. Agad pumili si sab ng kakainin nyang Ice cream. Ako ay kumuha lang ng chocolate flavor at ng matapos ay nagbayad na kami dahil kailangan naming umuwi agad dahil may pasok pa kami bukas.
Matapos bumili ay dumaretso na ulit kami sa paglalakad pabalik ng subdivision namin dahil gagabihin kami ng husto. Medyo strikto pa naman parents ni sab dahil only child sya.
" Salamat sa libre toppy pie" Nakangiti nyang saad matapos ko syang ihatid sa kanila. Mas malayo bahay nila sab samin kaya hinatid ko na sya. Delikado pa naman kahit sabihin na subdivision at may guards dito.
"No prob. sab sab. Basta ikaw." Sabi ko at ginulo yung buhok nya.
"Tsk! Ginulo nanaman buhok ko. Umuwi kana baka sabunutan kita at gilitan ng leeg." Inis nitong pagbabanta na ikinatawa ko lang. Kaya mas nalukot ang muka nito sa inis.
"Eto na nga at paalis na.. Bye tita daisy. Una na po ako." Sabi ko at nag paalam sa mama nya. Kumaway pa ko kay sabby pero irap lang sinukli kaya napatawa ulit ako.
She always made my day. I hope one day masabi ko ang nararamdaman ko for her. One day topher. One day.
_________________________________There you have it guys. your prologue. Sorry maikli hehehe. But, Hope you like it. Hehehe.
Love lots. :* :*

BINABASA MO ANG
Moments with you
Short StorySabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...