EPILOGUE

8 1 3
                                    

Few years later

"Hi, my love! Ang aga mo naman yatang nagising? Hindi kana inaantok?" Malambing na tanong ko sa babaeng yakap yakap ko. Nag aayos ito ng buhok habang naka harap sa salamin habang ako ay nasa likod nito at nakayakap rito.

"I had a great sleep last night kaya maaga ako nagising. I'm excited to prepare some breakfast for you." Turan nito habang nakangiti sakin mula sa salamin.

She's so radiant. Para syang kumikinang sa ganda. I saw the happiness in her eyes. Sobrang tagal ng nung huli ko sya makitang ngumiti ng ganito. I kissed her temple and said.

"Good Morning my beautiful sabrina. " Ngumiti sya sa salamin habang nakatingin sakin at saka humarap. Hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos ito. Yung nakangiti nitong labi at kumikinang nitong mata ay biglang nagbago. Bigla itong lumungkot at may luhang tumulo sa maganda nitong muka.

"I'm fine here. I'm okay here. it's been 7 years mula ng huli kitang makita at mayakap ng ganito, topher. Tinanggap ko ang katotohanang hindi ako ang inilaan para sayo. Tinggap ko ang katotohanang matagal ang ipaghihintay ko bago ka makasama dito. Masaya ako. Sobrang saya ng puso ko pero hindi ko matanggap ang paraan ng pagkawala mo. Nasasaktan ako, mahal ko. Nasasaktan ako.

"Everything happened for a reason. Maybe this is God's way of reuniting us. Hindi man inaasahan pero nangyari. Alam kong marami ang nasasaktan pero ako? Masaya ako. Masaya ako kasi kasama ko na ang babaeng alam kong magpapasaya sakin ng husto. " Turan ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit. Habang nasa bisig ko sya ay inalala ko ang mga nangyari bago ako mapunta sa sitwasyon kong ito ngayon.

Flashback***************

Lightroom Bar

"So kamusta naman ang buhay buhay natin architect Saavedra? " Tanong sakin ni Brando ng makaupo sa upuan ng isang kilalang bar na madalas naming puntahang magkakaibigan. Nakipag Fist bump lang ako sa kanila bago sagutin ang tanong nito.

"Maayos buhay ko, ewan ko lang yung inyo?" Maloko kong sagot saka kinuha ang beer na nasa table at saka uminom doon.

"Muka nga. In love ka ba?" Tanong naman ni vince sa akin.

"Hindi porke ikinasal kana ay lahat na nang tao sa paningin mo in love. Hindi ba pwedeng napromote lang as senior architect? " Nag yayabang ko silang tingnan matapos sabihin yon kaya naman sunod sunod silang napamura habang naiiling iling pa.

"Habang tumatagal ay payabang kana nang payabang kaibigan. Nakakasama yan lalo na kapag umabot sa tyan. Baka kabagin ka." Pabiro at natatawang saad naman ni Brando

"Haha mas okay ng kabagin kesa amagin. " Sagot ko sabay tawa ng makakas kaya nailing sila sakin.

"Maiba ko, topher. Tapos na ba yung bahay na pinadesign ko sayo? Nangungulit na kasi si misis e. Excited makita yung bahay na ipapagawa namin. Panay na ang tanong. Alam mo na buntis. " Pag iiba ni Vince sa usapan kaya medyo inayos ko muna upo ko bago sumagot.

"I'll give you the design tomorrow. Hindi ko sya nabigay nung nakaraang araw dahil nagkaron kami ng conference sa Macau. It's urgent kaya nalimutan ko na." Sagot ko

"Walang problema dun.  Alam naman nya na busy ka. Ilang taon na ba nung huli kang umuwi dito sa pilipinas? Kung hindi pa nga nasabi ni tita samin ay hindi namin malalaman na bibisita ka. " Sabi naman ni Brando. I can see the hesitation in their eyes.  Alam kong gusto nilang banggitin ang bagay na iyon pero hindi magawa. Kasi simula ng maging architect ako 6 years ago ay mas ginusto kong magpakalayo. Nabisita lang ako isang buwan sa isang taon. Yun ay ang buwan kung kailan nawala si sabrina.

"Pasensya na mga pards. Alam kong nag aalala kayo pero sa maniwala kayo o sa hindi okay na ko. Okay na okay." Sagot ko pa sa mga ito.

"Parang kayong ewan na dalawa. Magpakasaya tayo, bawal senti. Let's have a late celebration of your wedding party pards vince. Talagang bakod kung bakod ginawa mo kay Elyse. " Pabiro nitong Turan kaya naman muling sumaya ang paligid at nag tuloy tuloy ang inuman namin. Halos pasado ala una na ng magpasya kaming umuwi.

"Kaya mo pa? " Tanong ko kay Vince

"Ako pa talaga tinanong mo? E sating tatlo ikaw lagi tumba e." Natatawa nitong turan.

"Pano mga pards. Kita kits tomorrow. Same place, same time. " Sabi naman ni brando na ang tinutukoy ay ang dating bahay nila sabrina na ibinigay ng magulang nito sa akin. every year kasi ay doon namin idinadaos ang death anniversary nya. At bukas ang ika pitong anibersayo ng pagkawala sya.

"Be strong pards. Nandito lang kami ha." Saad ni Vince habang tinatapik ang balikat ko.

"I know. Pano bukas ha. Kita kits tayo. " Sabi ko at sumakay na sa kotse ko.

Hindi mabagal at hindi rin mabilis ang pag mamaneho ko dahil nga nakainom na ako. Ayokong mahuli at lalong ayoko madisgrasya. Nasa lugar pa naman ako kung saan ang kabila ng kalsadang babagsakan ko ay bangin kaya todo ingat ako. Pero hindi yata sang- ayon sakin ang tadhana, dahil namalayan ko nalang ang sarili kong bumubulusok pababa. Hindi ko inaasahan ang malakas na impact na iyon na nung magising ako ay nasa tabi kona si sab. Mahimbing na natutulog habang naka dantay sa akin. Napangiti ako at saka muling ipinikit ang mga mata ko.

End of Flashback ***************

"Are you not happy that I am already here?" Tanong ko habang hinahaplos ang muka nya.

"I do! Pero hindi ganitong kaaga." Malungkot pa rin nitong turan.

"I was devastated when you were gone. Halos magpakamatay na ako noon, pero mas pinili kong mabuhay dahil yun ang pangako ko sayo, pero ngayon na si God na ang gumawa ng paraan para makasama kita..Sino ako para tumanggi? Maiintidihan ng lahat at matatanggap nila ang pagkawala ko, sabrina. At alam kong matutuwa din sila dahil after so many years, magkasama na tayo. This is our second chance. This is my second chance to have moments with you. And I will not trade this for anything. Let's continue our happily ever after here with God watching our every step, my love. Just you and me. " Mahaba kong turan habang pinupunasan ang luha nya. Nakita ko naman itong ngumiti at muling tumingala sa akin.

"You're right. This time, it's all about us. Our second chance. I will stay forever with you. Let's have this moment together. Just the two of us. Just us. " Sabi nito at saka ako hinalikan sa mga labi na sya namang tinugon ko.

**********

Elyse POV

"We are hoping na masaya na kayong dalawa. We are sad but happy at the same time. Sa muli nating pagkikita. We will forever cherish and remember you. " Umiiiyak kong turan habang nakatingin sa dalawang puntod na magkatabi. Binasa ko ang mga nakalagay doon at di napigilang maiyak.

"In loving memery of Kristopher Saavedra October 15, 1999 - March 1 2024.

"In loving Memory of Sabrina Nicole Mendoza April 12, 2000 - April 1, 2017.

Moments with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon