CHAPTER TWELVE

10 0 0
                                    

" We will miss you and you will be in our hearts forever." Sabay sabay naming usal nila Brando, Vince at Elyse.

"I wish you peace and happiness, Sabrina. May we meet again in our next life, my friend." Turan ni Elyse bago ihagis ang puting rosas.

"Sana sa susunod na buhay ay maging mas close na tayo. Pinapangako ko, isa na ako sa mga handang prumotekta sayo." Segunda naman ni Brando sabay hagis din ng hawak nito rosas.

"Hindi na ko magiging torpe. Ipapaalam kona sayo kung ano nararamdaman ko, hahaha. I'm happy dahil at least nagkakilala tayo. Please rest in peace, our princess." Turan din ni Vince at gaya nila elyse ay hinagis din nito papunta sa labi ni sabrina ang puting rosas na hawak nito.

Alam kong hinihintay nila akong gawin din ang ginawa nila pero naghintay sila ng ilan pang minuto ay hindi ako gumagawalaw sa kitatayuan ko. Wala din akong sinasabi o kahit ano pa man. Kaya naman tinapik na ako ni brando.

"We'll give you space bro. Hintayin ka nalang namin sa labas." Sabi nito at saka niyaya na sila Elyse na maunang lumabas. Nang makaalis ay saka ako lumapit sa puntod ni sabby. Binasa ko ang nakalagay roon pero utak ko ay pilit pa ring dinedeny.

"In loving memory of Sabrina Nicole Mendoza.
April 12, 2000 - April 1, 2017. A good friend and a wondeful daughter. We will miss you.." Nasasaktan kong basa.. "Bakit ang sakit sabby? Bakit kinailangan mangyari ang lahat ng ito? Sana kung saan ka man naroon ngayon ay maging masaya ka. Sana hindi ka nahihirapan at walang problemang inaalala. Guide us and give us strength sabby. Sana makayanan namin ang bawat araw na wala ka. " Patuloy na saad ko habang masaganang namalisbis ang luha sa pisngi ko. Pinunasan ko agad iyon ng maramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Nang lumingon ako para alamin ay napansin ko si Tita daisy at Tito langston. Tumabi sila sakin. Si tita daisy ay iniyakap ang braso nya sa braso ko, habang nakaakbay naman sakin si tito langston.

"Napakaswerte ng anak ko dahil meron syang kristopher sa tabi nya. Salamat ha. Salamat sa lahat lahat topher. Alam naming mahirap din ito para sayo lalo na nung mga panahong walang ibang matakbuhan si sabrina kundi ikaw. Salamat sa pagtatyaga mo. Sa walang sawang pag suporta sa anak ko. Maraming maraming salamat. Ikaw ang pumuno sa mga naging kakulangan namin sa kanya. Kaya isang malaking utang na loob ko iyon sayo. Salamat dahil hindi ka umalis sa tabi ni sabrina hanggang sa huli. " Umiiyak habang nakahilig sa balikat ko si tita daisy.

"Salamat ng marami. Kung may mga magaganda mang nangyari sa buhay ng anak namin ay iyon ang makilala at makasama ka. Alam kong proud na proud sayo si sabrina. Kaya naman salamat." Sabi naman ni tito langston habang tapik tapik ang balikat ko.

"Isang karangalan ang makilala ang inyong anak tito, tita. Nagkaron ng meaning ang buhay ko dahil sa kanya. Sya lang ang dahilan bat ako pursigidong mag aral at makatapos. Lalaban po ako. Kung hindi kinaya ni sabrina, ako ang magtutuloy para sa kanya. Sa pangarap namin dalwa. Maasahan nyo po yan." Madamdamin kong pahayag sa kanila.

"Salamat hijo. " turan ni tita bago ako yakaping muli at iabot sakin ang isang bagay. Nang makita ko ay hindi isa kundin tatlong susi na magkakaiba ang size at hugis.

"Ano pong meron dito? Para saan po ito tito? Tita?." Nagtataka kong tanong sa kanila.

"That's the key to our house. Nagdecide kami ng tita daisy mo na umalis na. Walang exact date ang balik namin o kung babalik pa ba kami. Pero wag kang mag alala. Ang bahay ay sayo namin iiwan. We decided na kesa ibenta ang bahay ay ibigay nalang sayo. Alam naming hindi mo tatanggapin yan pero wala kaming kilalang magbibigay ng higit na importansya sa bahay na yun liban sayo. Ang ikalawang susi na mas maliit ay para sa kwarto ni sabrina. Doon ay makikita mo ang isang chest box kung saan nakalagay ang mga bagay na gusto nyang iabot namin sayo." Turan nito. "We found her letter last night . Nilahad nya roon ang lahat ng nais nyang sabihin at ipaabot samin. Pero kalakip ng sulat na yun ay ang habilin nya na ibigay sayo ang maliit na susing yan. " Turo nito sa heartshape na susi na kasama ng dalwang may kalakihang susi. "Hindi namin alam ang laman niyon kaya ikaw na ang bahalang umalam. Basta topher, sana pakaingatan mo ang bahay na yon. Okay lang kung hindi ka tumira..Ikaw na bahala sa nais mong mangyari doon. " Habilin pa nito. hindi pa ko nakakasagot ay lumakad na palayo sila tita daisy leaving me dumb founded.

Nilingon ko nalang sila habang paalis bago ko muling binalik ang paningin ko sa puntod ni sabrina.

"Til we meet again my Sabrina. " Sabi ko at tuluyan ng umalis ng sementeryo.

****

"It's been three months na pala no? hindi pa rin ako nakamove on na wala na si sabrina." Out of the blue na turan ni vince."Napuntahan mo na ba ulit ang bahay nila sabrina? Hindi ba at ibinigay na yun sayo ng parents nya? " Nag uusisang tanong pa ni Vince. Andito kami sa tambayan namin sa university. It's been 3 months already mula ng ilibing si sabby pero hindi ko pa nasisilip miski isang beses ang bahay nila.. lalo na ang chest box na iniwan nito para sakin. Hindi pa ko handa. Hindi ko rin alam kung kaya kona kaya naman inabala ko nalang ang sarili ko. Matapos ng libing ay pumasok ako as part-timer kung saan saang fastfood chain. Gaya ng sinabi nila tita daisy ay umalis na nga ang mga ito. Hindi nila sinabi kung saan sila lilipat pero nag iwan sila ng contact information.

"Ano bang pake mo? Usisero ka talaga no? " Irita ko kunwaring tanong dito

"Malay mo nandun pala ang sagot sa mga tanong mo. Malay mo yung mga nilalaman ng chest box na yun ang magbigay sayo ng closure sa nangyari. Wala din namang mawawala. " Sabi pa nito kaya napaisip din ako. Posible ang sinasabi nito. Bakit nga ba natatakot syang alamin ang laman ng chest box na yun? O baka dahil dun ay lalo syang maguluhan at mahirapan. Pero gaya ng sabi ni vince ay wala namang mawawala kung sisimulan na nyang alamin ang mga nilalaman nito.

"Next time nalang. Uuwi na muna ako. Bye bye na." Sabi ko kaya nagkibit lang ito ng balikat. Inilingan ko nalang ito at hindi na pinansin pa.

Nakarating ako sa subdivision namin pero imbis na umuwi ay dumaretso ako sa bahay nila sabby. It's now or never. Ano pa bang mawawala e wala na ang babaeng pinakamamahal nya.

Nanginginig man ay nabuksan din nya ang bahay. Luminga-linga pa sya. Parang kahapon lang ay puno pa ng sigla ang tahanang ito. Sino ba ang magsasabi na may malaking trahedya sa likod ng napaka gandang bahay na ito.

Dumaretso ako sa taas kung saan matatagpuan ang kwarto ni sabby.

Gaya kanina ay nangangatal din ang kamay ko sa pagbubukas ng kwarto nya.

Hinugot kong muli ang susi at akmang aalis na ng maalala ko ang sinabi ni vince. Kaya naman muli akong pumihit sa direksyon ng kwarto at doon ay tuluyang binuksan ang kwaryo nito.

Napaiyak ako ng tuluyan itong bumukas. Unti unti nag faflashback ang mga memories na meron kami ni sabby sa kwartong ito. Mga kalokohan at asaran. Bawat sulok ng kwartong ito ay memorya ng babaeng minsan ay minahal ko. Bakla na kung bakla ang dating pero wala na akong pakialam. Basta isa lang alam ko.. Nasasaktan ako.. sobra sobra.

Nakita ko sa ibabaw ng kama nya ang chest box. May konting gabok na ito kaya naman pinagpagan ko ito. Nagdadalawang isip kung bubuksan ito..

Huminga ako ng malalim at doon ay binuksan ito ng tuluyan.

Unang bumungad sa harapan ko ay ang litrato ko noong second year high school kami. Nakatingin ako sa kung saan. May napansin akong maliit na sulat.

"Kung san san natingin, ako itong nasa harapan. Hmmp, kailan mo ako papansinin o, my romeo."

Basa ko sa caption. Napangiti ako ng mapait habang natulo ang luha ko..

"My juliet. " Mahina kong tawag..Habang nag titingin sa chest box ay nakita ko ang sulat na sinasabi nila tita daisy kaya agad ko iyong kinuha at binuksan.

What I found is not just a letter.. there's a video camera attached to the letter. Kinuha ko muna yung sulat at binasa iyon.

"Hi topher.. watch the video hahahha. Kala mo kung ano na no? sabby loves you. muahhh" Basa ko sa sulat kaya napatawa ako ng mahina.

"Such a tease.." Usal ko kaya naman pumunta ako sa harap ng tv nya.. Binuksan ko iyon at doon kinonnect ang camera...

"Hi tophyyypooo." Pambungad na bati palang ni sabby ay naluluha na ako.. Makikita sa video na inaayos nya ang camera dahil natutumba ito. Kita kong unti unti na syang napipikon kaya napangisi ako.

"Bugnutin" usal kong muli

Moments with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon