Habang naglalakad papunta sa room ko ay hindi nawawala sa isip ko ang tungkol sa bagong boyfriend ni sabby. Don't get me wrong. Hindi ako bitter, ok. It's just that, hindi maganda ang image ng Matthew Contreras na yon in terms of relationship.Balita ko ay cassanova at playboy yun. Isa pa, may nababalitaan ako na nananakit sya at kalimitan ay pampalipas oras lang. Ayoko namang maging kabilang ang kaibigan ko sa mga collection nya ng babae.
Pagpasok ko ng room ay sobrang ingay agad ang bumugad sakin. Kabaliktaran kasi ang pilot samin. Kung sa iba disiplinado at mababait. Mas marami ditong gag* at pasaway. Ang sinasabi kasi nila ay alam na nila kung ano ang ituturo. Masyadong superior ang mga pilot dito. Hindi lang talaga ko pwede bumaba ng section dahil sa scholarship ko. Kailangan grumaduate ako with honor para makapag college at makakuha din ng scholarship.
"Ayan na pala si topher eh" -sabi ni vince na kaibigan ko. Isa sya sa mga top notcher sa room namin at isa rin sa pinaka maloko pero kaclose ko.
"Tara! Tanungin na natin" sabi naman ni brando na isa pa sa mga kabarkada ko. Gaya namin ni vince ay top notcher din sya.
"Ano ba yung itatanong nyo, mga mukha kayong ulaga dahil nagtutulakan pa kayo" sabi ko sabay upo sa upuan ko
"Pre! Totoo ba yung balita na nililigawan ni matt si sabrina?" Usyoso ni Vince
"E ano naman sayo? Tsaka bakit mo naman natanong?Apaka chismoso nyo talagang dalwa" balik kong tanong dito na nang aasar pa. Pero seryoso lang akong sinagot ng dalwa.
"Pards. Parang kaibigan na rin namin si sab kaya concern kami. Bonak neto" Iritadong sagot sani ni vince
"Pre! Payong kaibigan lang. Wag mo aalisin ang paningin mo kay sab. Gag* ang lalaking yun. Baka lang mapahamak sya." Paalala ni Brando
"Alam ko naman mga pards. Kaya nga mas lalo kong babantayan yun ii. " Sagot ko
"Goods yan. Mabuti nang alam mo." turan naman ni Brando at muka namang napanatag sila sa sagot ko dahil bumalik na silang dalwa sa kanya kanyang upuan.
Mabilis natapos ang morning class namin at saktong lunch na. Mabilis kaming lumabas na tatlo dahil uuwi kami ng bahay at babalik din para sa afternoon class namin.
" Pards, sa may Lab 1 daw tayo mamayang 1pm sabi ni Miss Cortez. Pinapaalala ko lang bob* pa naman kayong dalwa." Mapang asar na sabi ni Vince bago kami mag hiwalay sa harap nang main gate ng school. Pinagtinginan tuloy kami dahil sinigaw nya ito habang tumatakbo palayo samin. Napakamot nalang kami ng ulo ni Brando sa ginawa nito.
Gaya ni vince ay nagpaalam din kami ni Brando sa isa't isa at saka ko pinuntahan si sab kung saan naghihintay sakin.
"WoW!!! Dumating ka din. Inip na ko kahihintay sayo." Sigaw nito paglapit ko
"Chill madam, nasa third floor room ko hindi gaya ng sayo.... nasa ground lang hahahha" Pang aasar ko dito
" Ikaw na pilot. By the way, nandito lang naman ako to tell you na hindi ako sasabay umuwi for lunch. Kakain kami sa labas nila matt kasama mga kaibigan nya. You know getting to know each other plus getting to know his friends too. " Parang kinikilig na sabi pa nya sakin kaya tahimik akong napabuntong hininga.
"Basta i text mo ko kung san kayo kakain para alam ko. Isa pa, mag ingat ka. Wag pagkatiwala ha." Sabi ko na nag aalala.
"Yes! Master. Hahah. Super serious naman nitong bff ko. " Sabi nito sabay yakap sakin at saka nag paalam na aalis na kaya tumango nalang ako at tinanaw sya palayo.
BINABASA MO ANG
Moments with you
Short StorySabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...