CHAPTER SEVEN

15 1 0
                                    

After one month hindi pa rin bumabalik ang lahat sa normal. Nahuli na sila Matt at ang dalawa pang lalaki na gumawa non kay Sab. Nagkaron ng trial at nahatulan ng pagkakabilanggo ng higit benteng taon sila matt. Bagaman guilty ang hatol ay minor pang maitituring si Matt kaya sa DSWD pa daw dadalhin ito at kapag tumuntong sa hustong gulang ay saka ililipat sa mismong kulungan,  samantalang ang dalwa pa ay makukulong na dahil nasa legal age na.

Nakamit ni Sab ang hustisya pero malaki ang pagbabago nito.

"Sab, idedepende ng rehab ang paglabas mo base sa magiging tugon o aksyon mo sa gamutan habang naron ka sa kanila. Isa pa one week lang naman ang request na binigay ng doctor nang pananatili mo dun, tapos ay visitation nalang weekly sa psychologist mo. Huwag kang mag alala dahil sasamahan kita all through out. This time hindi ako lalayo kahit ipagtabuyan mo ko. Sanggang dikit tayo, sab. Best friend mo ko okay. " Mahaba kong paliwanag sa kanya habang nakasandal sya sa balikat ko. Linggo ngayon at binisita ko sya sa kanila. Isa pa ay wala sila tita daisy kaya ako daw muna tumingin tingin sa unica hija nila.

"I'm nothing but trouble to you, topher. Sa kabila nung nangyari hindi mo ko hinusgahan o iniwasan manlang. And for that, thank you so much. " Sabi nya habang nilalaro laro ang manggas ng t shirt ko.

"Kaya nga magpagaling ka dahil aattend pa tayo ng graduation. Nagbigay naman ng consideration ang principal ng school dahil sa nangyari. They allow you to continue your study dito sa bahay nyo. Kaya laban lang sab. Tutuparin pa natin ang mga pangarap natin. Ako bilang arkitekto at ikaw bilang inhinyera." Turan ko na pikit pinapasigla ang boses.

"I don't know. Baka hindi ako makasabay sayo. Baka mahuli ako ng konte sa pagtupad ng pangarap ko " Sagot nya kaya biglang nangunot ang noo ko at tiningnan sya. This time ay nakasandal na sya sa sofa at nakatingin sa kawalan.

"What do you me mahuhuli ka? Sabay tayo sab. Sasabayan kita sa bawat hakbang mo patungo sa pangarap mo. Walang iwanan diba?" Hindi makapaniwalang turan ko.

Hindi ko ineexpect ang bigla nyang pagkukwento kaya nanahimik muna ako.

"I know about the bet." Sabi nito sabay lingon sa direksyon ko. Wala akong naging imik. Nakatingin lang ako sa kanya telling her to continue. Yumuko at humugot muna sya ng malalim na hininga bago magpatuloy. "Hindi lang isa o dalwang beses ipinamuka sakin yun ni Myra. Bago pa yung araw na sumugod ka ay alam ko na na pustahan lang ang lahat. Hiyang hiya ako nun sayo at sa iba pang malalapit sakin kaya nagpatay malisya nalang ako. God knows kung gaano karaming luha ang iniluha ko ng makaalis kayo nila Vince sa court. Ayokong magsumbong sayo kasi ayaw kong madamay ka. Bukod sa maraming kakilalang masasama si Matt, involve din sila sa droga. Sa loob ng halos pitong buwan na yon, malimit din nya akong saktan. May isang beses na sinampal nya ako sa mall. Halos lumubog ako sa kahihiyan ng gawin nya sakin yun habang sila Myra ay nakatingin lang sa nangyayari sakin. May isang beses na sinuntok nya ko sa sikmura, tinadyakan sa binti at marami pang iba. Tiniis ko lahat yun dahil ang sabi nya. Oras na magsumbong ako ay may mangyayaring hindi maganda sa mga taong malalapit sakin. Nung una masasabi kong ideal boyfriend sya. May yabang sa katawan pero malambing, mabait at mahal ako. Pero... palabas lang pala lahat ng yun." Habang patuloy na nag kukwento ay napansin kong tumutulo na ang luha nya at unti unti ay lumalakas angga hikbi nya. Isang tanda na nasasaktan sya.

"Kung di mo kaya ay wag mo na ituloy. Hindi mo kailangan mag explain o kung ano pa man." Pag alo ko sa kanya. Pero umiling lang sya at muling kumalas ng yakap at nagtuloy sa pagkukwento.

"I lost... I lost my virginity when he forced himself to me a month ago bago mangyari yung insidente. " Pag amin nya sabay yuko.  Kumuyom ang kamao ko sa galit na bigla kong naramdaman. She was abused physically and mentally. At wala akong kaalam alam sa mga yon. Pero pinakalma ko ang sarili ko. Hindi ako sumagot at hinayaan pa rin sya. Gusto kong ilabas nya lahat ng hinanakit nya at pagtapos ay ibaon sa limot at muling mag simula. "I asked Myra to help me na makipag kalas kay Matt, pero kahit sya ay walang pakialam. I know na sa kabila ng relasyon namin ni Matt ay patuloy na may nangyayari sa kanila, dahil gaya ng sinabi ko. Pustahan ang lahat. Plano nilang magkakaibigan. Then fast forward, last month mismong prom. Hindi ko alam na high pala sa droga si Matt, at kahit sinabing bawal ay nagdala sya ng outsider. Akala ko ay dadaan lang kaming court dahil may nalimutan sya pero hindi Ko alam na dun na nila isasagawa yung kababuyan nila. I scream and scream hanggang sa mapaos ako. Sinusuntok at sinasaktan ako ni Matt everytime na sisigaw ako para humingi ng tulong. Tinali nila ko sa upuan habang gumagamit sila ng pinagbabawal na gamot. Hinahagisan din nila ko ng upos ng sigarilyo nila. In a span of two hours, puro torture ang inabot ko sa kanila hanggang dumating si Myra. Pansin nya na halos hindi na makagalaw sila Matt at wala sa katinuan dahil sa pagka high kaya nung mismong gabi ding yon ay pinatakas nya ko. Kaya nakita ko nila Vince na humahangos katatakbo and the rest... alam mo na nangyari. It's a lesson for me. Lesson na wag na muling magtiwala ng husto. I was so ashamed for what happened to me. Sinasabi ko minsan sa sarili ko na hindi ko deserve ang second chance na binigay sakin pero hindi ko mapigilan maging selfish. Kasi, dun ko mas nararamdan na nasa tabi kita. Sorry kasi pinaramdam ko sayo na balewala ka. Sorry kasi iniwan kita sa ere. Sorry kasi.... " Hindi na nya natapos ang sasabihin dahil niyakap ko sya ng mahigpit to stop her from saying sorry sa bagay na kahit kailan ay di nya kasalanan. Humahagulgol lang sya habang yakap ko. May ilang minuto din bago sya tumigil kaya pinunasan ko ang mata nyang pugto na sa pag iyak.

"Never say sorry for something na hindi mo sinasadya or ginawa. Hindi ako naiwan sa ere o ano pa man. I decided na ibigay sayo yung kailangan mo nung oras na yon thinking na nasa maayos kang kalagayan pero ako yung nagkamali. Hindi pala ko dapat lumayo ng tuluyan. Sorry kung wala ako sa tabi mo nung mga oras na yon. Sorry sabby." Hingi ko ng patawad. Wala ng umiimik saming dalwa after ng kwento at confrontation naming yon. Hinayaan ko syang makatulog at saka ko hinatid sa kwarto nya. Nangangayayat sya at pansin ko ang pagod sa itsura nya. Hinalikan ko sya sa noo at muling lumabas at bumaba sa sala.

Moments with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon