CHAPTER FOUR

9 1 0
                                    

Kristopher POV

Mabilis lumipas ang mga buwan, hindi na kami nagkikita ni sab. Hindi na rin kami nagsasabay o nagkakausap manlang. Madalas syang sunduin ng boyfriend nya at nang mga barkada nito.

One time ay pumunta ko sa bahay nila para kamustahin sya pero sanabi lang sakin ni Tita Daisy na umalis sya kasama ng boyfriend nya. Napapadalas din ang pag gimik nya ayon sa mommy nya.

"Pre! Bawal ang tumulala sa exam. Baka mabato ka ni Ms. Lapiz ng lapis pag nahuli ka nya." Pabulong na sabi sakin ni Vince

"Nag aalala kasi ako kay sab. Puntahan kaya natin sa court mamaya. Balita ko dun sila natambay e." Sabi ko sabay lingon kay Vince.

"Sasamahan ka namin pards. Pero tapusin muna natin ang exam. Baka mabokya tayo." Paalala pa nito kaya mabilis kong inumpisahang magsagot at wala pang isang oras ay nagpasa na pero bago ako tumayo ay sinabihan ko muna silang dalwa na hihintayin ko sila sa labas. Tumango lang naman ang mga ito.

"Pards! Sigurado ka bang tama sagot mo? Ambilis mo magsagot kanina a." Nagaalalang tanong sakin ni Brando

"Pards, wag mo ko igaya sayo na obob. Tandaan mo, ako ang top one satin." Nagyayabang kong sagot sa kanya

"Yabang! Pag ikaw bumagsak, tatawanan ka namin." Pikon na turan naman ni Vince.

Tinawanan ko lang ang mga ito at saka kami nag tuloy tuloy.

Malapit na kami sa Court ng may madaanan kaming room na abandonado. Lalampasan nalang sana namin nang sabay sabay namin marinig ang pangalan ni sab.

"Pre! Sabrina daw!" turan ni Vince

"Rinig din namin pards" sabi naman ni Brando..Binatukan lang sya ni Vince at saka muling humarap sakin

"Pakinggan natin." Sabi ni Vince at yun nga ang ginawa namin.

"Kailan mo balak gawin ang part mo sa pustahang to ha, Matthew? Ang usapan ay anim na buwan then break up bakit halos mag pipitong buwan na ay kayo pa rin ng babaeng yon? " Malakas na sigaw ng babae sa loob. Mukang nag aaway sila at si sab ang topic

"I think.... I love h...." Hindi natapos ng lalaki ang sasabihin dahil muling sumigaw ang babae sa loob

"Don't.. Don't you dare say that words. Hindi pwede! Hindi ako papayag! It's just a bet..Do your part and we'll be together again. " Desperadang turan na sagot ng babae

"What do you want me to do, Myra? " Turan ni Matt.
Sila Vince naman ay gulat na gulat sa narinig.

"Myra? As in Myra "the queen bee" Dela Cruz? " Shock na tanong ni Brando pero ako ay nakikinig lang.

"Ikaw ang nag umpisa nito. Ikaw ang may ideya nito tapos magagalit ka sa magiging resulta? She's not hard to love. You should know that before you made that bet. Mabait at maunawain sya. E ikaw? Come on. I lose, okay. Inaamin ko, hindi ko ineexpect na magugustuhan ko sya pero nangyari. Please, accept my defeat. " Mahabang paliwanag ni Matt.

"You really think na ganun nalang yon? You really think na hahayaan ko kayong dalwa? Think again, Matt. Think again. Akin ka..Akin ka lang. Hindi ko hahayaan na maging masaya ka. Kung miserable ako, dapat ganun ka din. " Galit na sigaw ni Myra

"What are you going to do?" Tanong ni Matt

"I'll tell her. I'll tell her that it's all about bet. Na kaya mo sya niligawan ay dahil sa pustahan. Tingnan natin kung ano magiging reaction nya. " Nagbabantang sabi ni Myra

"No. You will never do such thing. I won't let you." Sagot ni matt

"Watch me then!" Sabi nito at dahil alam kong lalabas na ang mga ito ay agad agad kaming nagtagong tatlo. Nakita ko pang hinabol ni Matthew si Myra.

"Whoo! What a revelation!  Di ko kinaya mga narinig ko. Bet lang lahat? " Gaya ko ay hindi makapaniwalang react ni Brando

"Pre! Sasabihin ba natin kay Sab? " Tanong ni Vince

"We have to. Ayokong tumagal pa ang panlolokong ginagawa sa kanya ng mga gag*ng yun." Sabi ko at dali daling dumaretso sa basketball court kung nasan sila sab

Moments with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon