"Topher anak, wala ka bang balak umattend ng party nyo? Aba'y baka malate ka nyan. Alas-sais pasado na. Ang sabi sakin kanina ng anak ni Aling Brenda ay may prom kayo ngayon. Bakit hindi mo sinabi nang nabilhan kita ng damit na susuotin mo." Mahabang turan ng nanay ko.
"Wala ho akong balak na pumunta, inay kaya hindi na ko nagsabi. May exam ho ako na dapat aralin para sa darating na pagkokolehiyo ko. Alam nyo naman na pangarap kong makapasok sa unibersidad na iyon, kaya kailangan kong paghandaan." Paliwanag ko. Hindi ito kumbinsido sa sagot ko kaya umupo ito sa katapat kong upuan na may bakas ng pag aalala sa muka.
"Yan ba talaga o dahil kay sabrina kaya ayaw mong pumunta? Anak, bata ka palang ay alam ko nang iniibig mo ang kaibigan mong iyon. Ang totoo nyan ay binalak namin ni Daisy na ipagkasundo kayo dahil pansin namin na bagay kayo sa isa't isa. Pero, dahil mga bata pa kayo ay hinayaan nalang muna namin kayo. Gusto naming maranasan nyo ang mga bagay bagay. Anak, hindi mo kailangan ikulong ang sarili mo sa pagmamahal kay sabrina. Hindi ako tutol kung kayo ang maging magkarelasyon. Pero tandaan mo. May iniibig na iba na ang batang iyon. Tanggapin mo ng bukal sa puso mo na hindi ikaw ang itinitibok ng puso nya. Na pagkakaibigan lang ang maibibigay nya, nang sa ganon ay hindi ka masaktan ng husto. Paalala lamang, anak ko. May babae pang darating sa buhay mo na mamahalin ka higit pa sa pagiging isang kaibigan."
"Hindi pa rin ho ako pupunta." Nakangiti kong saad. Alam kong nag aalala lamang sya sakin dahil alam kong nakarating na sa kanya na hindi na kami nagkikita o nagkakasama pa ni sab mula ng magka nobyo ito. "Marami akong irereview, inay. At isa pa, kaligayahan ni sab ang prayoridad ko. Kung mahal at ayos sya sa kasintahan nya. Sino ako para tutulan sya. Wag nyong bigyan ng maling kahulugan ang hindi ko pagsama sa pagdiriwang na iyon. Sadyang tambak lang ang gawain ko sa school. Dalawang buwan na lamang ay graduate na ko at mag sisimula na sa kolehiyo. Maiging maayos na ang lahat kesa naman maghabol ako sa mga requirements." Sagot ko pa rito. Kita ko na hindi ito kumbinsido pero dahil kilala ako nito ay hindi na nito pinalawig ang usapan pa.
"O sya. Yaman din lang na hindi ka talaga dadalo. Ako ay mauuna ng matulog sa iyo. Alam mong sa makalawa na ang kapanganakan ng ate mo..Kailangan nila ako don kaya luluwas ako mamayang madaling araw. " Paalam nito
"Mag ingat kayo sa byahe, inay. Siguraguhin ninyo na susunduin kayo ni Marcus sa pier para may magbitbit ng mga bagahe nyo." Tango lang naman anh sinagot nito at tuluyan ng umakyat ng hagdan patungonsa silid nito.
Mahimbing akong natutulog ng sunod sunod na ring ng cellphone ang narinig ko. Agad hinanap ng kamay ko ang bedside table kung saan nakapatong ang cp ko at walang tinging sinagot ito.
"Sino to? Ang aga mo mambulabog a." Irita kong sagot sa nasa kabilang linya.
"Si vince to, Topher" Sagot nito...bakas sa boses nito ang pagmamadali at parang habol ang hininga.
"Si sab pare. Si sab.!" Tangin sabi nito na agad nakapagpabuhay sa kaluluwa ko. Kinutuban agad ako ng hindi maganda.
" Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko habang nagpapalit ng damit. Agad agad akong nag ayos at bumaba ng bahay.
"Puntahan mo kami dito sa ****** hospital. Dito mo nalang alamin." Sabi nito at binaba ang telepono.
***** HOSPITAL
"Asan si sab, pre?" Tanong ko agad pagdating. Kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"Nasa kwarto na sya. Kakalipat lang nya dun sabi ng nurse." Sagot pa nito
"Ano bang nangyari? Diba dapat nasa prom kayo? Natawagan nyo na ba sila tita daisy, Elise? " Aligaga kong tanong dito. Ito naman ay hindi sumagot at nanatili lang umiiyak
"Pre! Wala kaming alam sa buong pangyayari..Ang natatandaan nalang namin ay nakita namin si sab na maraming sugat at puro dugo habang tumatakbo. Nagulat pa nga kami ng sumigaw ito ng hawakan ko dahil para itong may tinatakbuhan. Bigla syang nawalan ng malay kaya namin sya dinala dito sa ospital..Alam na rin nila mam Amy ang nangyari kaya pinaiimbestigahan nila." Mahaba nitong paliwanag

BINABASA MO ANG
Moments with you
Cerita PendekSabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...