CHAPTER TEN

15 0 0
                                    

Dedicated this chapter to sisasisa_

***

"Congrats." Bati sakin ni Sabrina ng makaupo ito sa sofa sa sala namin.
"Thank you sabby. " Pasasalamat ko. Pinisil ko pa ang pisngi nito sabay sabi ng. " Next year ikaw naman ang gagraduate. Pupunta ako para batiin ka din." Sabi ko ng nakangiti pa.
"Mukang hindi na ko makakagraduate. Aalis na kasi ako sa makalawa." Sabi naman nito.
"San ka naman pupunta? Lilipat ka ng school?" sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Basta. Wag ka na nga makulit. Graduation mo ngayon kaya wag ako intindihin mo. Ang dami dami mong bisita e. Akalain ng mga yan dedma ka." nakabusangot ang muka nitong turan bago tumayo at dumaretso ng kusina. Kukuha yata ng makakain kaya hinayaan ko nalang.

Gaya ng sabi nya ay inentertain ko ang mga taong bumabati sakin. Masaya naming idinaos ang celebration ng graduation ko. Halos inabot pa nga kami ng gabi dahil may mangilan ngilan pa akong pinsan na talagang pumunta pa para lang batiin ako.
Si sabrina naman ay maagang umuwi. May gagawin pa raw ito sa kanila ayon dito kaya hinayaan ko nalang.

"Ma. Bukas ay maaga nga po pala akong aalis dahil aasikasuhin ko yung sa scholarship sa kapitolyo. Sabi kasi ng teacher ko ay mas maaga mas mapapabilis ang proseso. Nandun nanaman daw po ang pangalan ko. Isasubmit ko nalang itong mga requirements para masecure na ng husto yung scholarship ko. " Paalam ko dito habang naghuhugas ng mga ginamit ng mga bisitang dumating.

"Kung ganon ay matulog kana pagkatapos mo dyan. Kami na ng ate mila mo ang bahala sa ibang ayusin dito. Maunti nalang naman. Kaya na namin yun. " Sabi ni mama habang isinasalin ang cake sa isang topper ware.

"Ma. May nabanggit ba sayo kanina si tita daisy about sa pag alis ni sabrina?" Tanong ko

"Pag alis? Wala naman. Ang alam ko ay hindi muna nila ulit pag aaralin ngayon taong ito si sabrina. Alam mo naman ang kondisyon non. Kahit ako ay hindi ko na muna hahayaang maglabas labas ang anak ko lalo na at sariwa pa ang mga naging kaganapan noon. Wag kang mag alala. Pasasaan ba ay makakarecover din si sabrina. " Pahayag pa nito kaya hindi nalang ako muling nagtanong. Tinapos ko ang hugasin ko at saka dumaretso na sa kwarto ko para matulog.

Inayos ko ang unan ko bago humiga. Napapalalim palang ang tulog ko ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman napamulat akong muli at saka kinuha ang phone sa bedside table ko. Nakita kong si tita daisy ang natawag kaya naman sinagot ko agad.

"Tita?..... Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ng humagulgol na ito ng iyak.

"Topher.. Si sabrina.......wala na ang anak ko. wala na sya." Humahagulgol na turan nito habang ako ay napatulala nalang. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o ano. Pero baka naman ang sinasabi nitong wala na ay naglayas si sabby kaya tinanong ko si tita.

"Tita.. Anong wala na po? panong wala na po? Naglayas po ba sya? " Indenial kong tanong..Hindi kayang tanggapin ng puso at isip ko kaya naman tinanong ko syang muli.

"She's gone. Iniwan na nya tayong lahat. Patay na ang anak ko." Umiiyak nitong sabi. Napatulala ako. Hindi alam ang sasabihin.

Hindi to pwede. Kanina ay okay pa sya. Nagmamadali ay lumabas ako ng bahay. Nakasalubong ko pa si mama at tinanong ako kung saan ako pupunta pero hindi ko ito sinagot. Nag dirediretso ako sa labas ng bahay at nagmamadaling tumakbo sa bahay nila tita daisy. Doon ay naabutan ko ang mga nagkalat na pulis at ambulansya. Sa labas ay makikita sila tita daisy na umiiyak habang isinasakay ng mga paramedics si sabby sa ambulansya.

"What happened po tita?" tanong ko pagkalapit ko dito. Tumingin ito saka lumapit sakin.

"We had an argument after namin magpunta sa inyo. She's refusing the treatment again. She said that she's okay and doesn't need that rehab. I told her that she needed it, to recover faster but she just walked out on me. After few hours I tried to call her for dinner pero hindi sya sumasagot so I went to her room. I knocked multiple times but she never respond so, I decided na pumasok..then...then i found her... she...she's...ha..hanging from the..." Hindi matapos ni tita daisy ang sinasabi dahil humahagulgol ito.." She's hanging from the ceiling... She ended her own life. I don't know what to do anymore.. I called the paramedics and until now, they are trying to retrieve her lifeless body.." Walang tigil ang iyak na paliwanag nito.

Moments with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon