KRISTOPHER POV
Hawak hawak ang camera nya ay until unti akong napaluhod habang unti unti namang pumapatak ang mga luha mula sa mga mata ko.
Ngayon lang nag sisink in sakin ang lahat. Akala ko after ng libing ni Sabrina ay magiging okay ako. Akala ko matapos kong magpaalam sa kanya at mangako sa sementeryo ay makaka usad na ko. Pero lahat ng iyon ay puro akala lang pala. Hindi ko pa rin pala tanggap ang pagkawala nya.
Sinubsob ko ang sarili ko sa pag aaral at pagiging working student para hindi ko na masyadong maramdaman ang sakit ng pagkawala nya pero sarili ko lang pala ang niloloko ko.
Hindi ko kailanman maiaalis sa isip ko na minsan ay may babae akong pinag alayan ng lahat sa buhay ko.
Patuloy ako sa pag iyak. Dahil sa video ni Sabrina na napanood ko ay mas lalong tumindi ang guilt at regret na nararamdaman ko. Panghihinayang na sana nung mga panahong yon ay napadama namin sa isat isa ang halaga ng bawat isa.
Kung naglakas lang ako ng loob noon. Kung nasabi ko lang sa kanya lahat lahat noon. Hindi sana nauwi sa ganito.
Habang patuloy kong sinasambit ang pangalan ni sab naramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko. May yumakap din sa gilid ko at may nagtakip ng mga mata ko. Dahil don mas bumuhos ang luha ko.
"Sabi naman namin sayo na kung kailangan mo ng masasandalan ay nandito lang kami sa tabi mo." Rinig Kong turan ni vince.
"Matatapos din to Topher. Andito kami para tulungan ka. Tandaan mong hindi lang si Sabrina ang nagmamahal sayo. Andito pa kaming mga kaibigan mo." Usual ni Elyse na syang nakayakap sakin. Base sa Bose's nito ay umiiyak din sya.
"Tama nga lang na sundan ka namin nila pareng vince. Wag mong solohin ang bigat na nararamdaman mo. Ano pa at naging magkakaibigan tayo diba." Sabi naman ni Brando na syang tumakip sa mga mata ko.
"Pagbibigyan ka namin ngayon Top. Pero Sana ito na ang huli. Hindi lang si Sabrina ang may kailangan ng kalayaan. Maging sarili mo din. Palayain mo ang sarili mo sa konsensyang nararamdaman mo. Hindi namin sanasabing kalimutan mo sya, Pero wag mong ikulong ang sarili mo sa mga ala ala nya." Dugtong pa ni vince
"You have to move forward too, please help yourself to move on." Dagdag pa ni Elyse.
"PLEASE!! PLEASE!! Hayaan nyo ko..kahit ngayon lang.. hindi ko na kasi kaya e.. huli na to. Huli na.. hayaan nyo lang akong alalahanin ang lahat sa kanya. Mahal nya ko. Sinabi nya sa video. Mahal nya ko. hayaan nyo nalang muna akong magluksa sa kanya at habang buhay kong tatanawing utang na loob to sa inyo.. hayaan nyo lang akong makasama sya kahit ngayon lang.. hayaan nyong alalahanin ko sya. Nakikiusap ako sa Inyo. " Nagmamakaawa kong Saad sa kanila
"Pero wala na sya Topher. The moment na marealize mo na wala na sya, the better. Wag mong pahirapan pa ang sarili mo. Hindi makakabuti sayo at sa pag aaral mo. " Turan naman ni Brando
"Mr. Ruiz warned you already na kapag nahuli ka pa nyang tulala ay palalabasin kana nya sa klase nya. Move on Topher. Hindi na babalik si Sabrina. She's gone pare." Naiinis na turan pa ni vince
"Last na to.. hayaan nyo na ko. " Sabi ko pa
"Wala naman kaming magagawa e.. Pero huli na to Topher. Next time na makita ka pa naming ganito.. consider our friendship over." Pagbabanta ni Brando.
Hinayaan nila akong mahiga sa kama habang yakap ang damit ni Sabrina. Nilagyan ko din ng pabango ang buong silid para kahit papano ay mas mafeel ko na nasa tabi ko sya.
May ilang oras din akong ganon. Pansin ko din na iniwan ako nila Brando, for some privacy I guess or baka hindi lang nila makayanan na makita akong ganito.
"Help me Sabrina. Ayokong kalimutan ka kaya hinihiling ko na gabayan mo nalang ako at ang iba pa. I love you so much that it hurts. Gusto kitang sundan kung saan ka man naroroon ngayon Pero hindi pa siguro ito ang tamang panahon. Just guide me please. I promise na magiging okay ako. I love you, my Sabrina.. hanggang dito nalang muna.
Matapos non ay bumaba ako dala ang chest box. Nakita ko sa sala sila Vince. Tumayo ang mga ito ng makita ako.
"Thank you! " Tanging Sambit ko at saka sila ngumiti saking tatlo.
Sabay sabay kaming lumabas. Bago yon ay muli kong tinanaw ang hagdan kung saan malimit tumayo si Sab. At kahit imagination ay parang nakita ko syang ngumiti at tumango sakin. Isang indikasyon na simula ngayon ay magiging normal ulit ang buhay ko. Lalaban ako sa ano mang hamon ng buhay at magiging mas matatag ako. Ngumiti ako pabalik saka tuluyang lumabas ng bahay.
Simula ngayon ay sisikapin kong mabuhay ng ala ala mo lang ang meron. Alaalang kailanman ay panghahawakan ko at gagawin kong inspirasyon. Alaalang alam kong magiging sandata ko sa magiging hamon ng buhay and I promise you sabrina. mas magiging matatag ako at tutuparin ko ang pangako ko sayo.
Mahal na mahal kita, hanggang sa muli.
BINABASA MO ANG
Moments with you
Historia CortaSabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...