CHAPTER NINE

11 0 0
                                    

Graduation Day!

" Congrats anak! Hay.. Ang pogi pogi ng future engineer ko." Pambobola sakin ni mama. Araw ngayon ng graduation namin. Nag aasikaso na kami papunta ng school dahil morning gaganapin ang event at meron pa kaming class picture,  ilang section din meron kami kaya talagang maaga nirequire pumasok ang lahat.

"Ma! 4 more years pa ha. Wag excited. High school graduation palang po ito." Natatawa kong sagot dito habang inaayos ang necktie ko.

"Mabilis na yon. Parang kahapon lang nga ay pinanganak kita, ngayon ay gagraduate kana sa high school. Basta pag igihan mo ang pag aaral mo. Wala kaming maibibigay sayo liban dito." Paliwanag pa nya bago umalis sa harapan ko.

"Ang mama ko talaga panay drama nanaman." Sabi ko dito habang natatawa. Pinalo lang ako nito sa braso at saka kami nagtuloy sa pag alis papuntang school.

Marami na ang estudyante ng makarating kami sa school. Makikita sa muka ng lahat nang estudyante at kanilang pamilya ang saya. Kung sabagay apat na taon din ang binuno namin sa paaralang ito. Saksi ang lugar na ito sa lahat ng hirap, pagod at tagumpay sa buhay estudyante namin. Pero hindi lang yun ang pabaong memorya sa akin ng eskwelahang ito. Isa sa pinaka masakit sa lahat ay ang nangyari ka sabrina. Marami ang nakisimpatya sa nangyari sa kanya pero, hindi lahat ay may parehong pananaw dahil ang iba ay sinasabing kapabayaan din nya kung bakit nangyari sa kanya ang bagay na iyon. May isang beses pa na napaaway si Elise sa pagtatanggol kay Sabrina sa mga chismosa ng school namin.

"Pareng Kris, congrats sa ating lahat. Biruin mo gagraduate na tayo. Ilang taon nalang at mag kakaroon na tayo ng sari-sarilinh trabaho. Makakamit na natin mga pangarap natin sa buhay." Masayang bungad sa akin ni vince.  Inakbayan ko naman ito at saka sinagot.

"Mangyayari yun kung hindi mo paiiralin pagiging babaero mo. Baka pagdating ng college e makabuntis kana agad sa kalandian mo." Natatawa kong biro. Ayaw kasi nitong sinasabihan syang malandi, kahit totoo naman.

"Alam mo ikaw kahit kailan talaga panira ka no? Pasalamat ka at graduation natin." Nakaismid na turan nito na tinawanan lang namin.

Matapos non ay nagdire-diretso na ang program. Kami ang inuna dahil pilot section kami. Nang matapos lahat ay sinimulan na din ang graduation ceremony.

"Congrats pre. Hooooo!! Kaibigan namin yan." Sigaw nila Brando at Vince ng tawagin na ako sa stage para mag bigay ng Valedictorian Speech.

"Ang sexy mo pards. Pakiss naman." Sigaw ni Vince kaya natawa ang lahat ng nakarinig.

"Mga loko talaga kayo." Sabi ko bago tuluyang lumakad sa stage.

"Good morning everyone. I'm Kristopher Saavedra Class 2016 Valedictorian. Sa totoo lang wala akong prinepare kasi gusto ko on the spot at magmumula sa puso ko ano man ang sasabihin ko sa inyo ngayon. Bago ko simulan ang madamdaming speech na ito gusto kong sabihin at isigaw .... WE DID IT. WE ARE NOW GRADUATES!!!!" masaya kong sigaw at ganun din ang lahat ng students. Kita ko pa ang mga parents na nagpunas ng luha at nagpalakpakan kaya nagpatuloy na ako. "Bilang kapwa ko mag-aaral, alam ko ang bawat hirap, pagod, at puyat na pinagdaanan ng lahat. Hindi madali pero nakaya natin. Hindi madali pero pinagpatuloy natin hanggang makarating tayo sa puntong ito ng buhay natin. Alam ko mamimiss nating lahat ang ala-ala na nabuo natin sa school na ito. Maganda man o panget na ala-ala. Ngayong lilisanin na natin ang paaralang ito, hangad ko ang tagumpay ng bawat isa. Alam ko hindi magiging pare-pareho ang pagdadaanang hirap natin pero focus lang sa goal, makakamit nyo din ang panagarap nyo. Ano mang hirap ang pagdaanan niyo, tandaan nyo ang pangakong binitawan nyo sa pamilya nyo. Kung madapa ay muling bumangon at ipakita nyo sa lahat na hindi kayo susuko na abutin ang panagarap niyo. Ano mang pagsubok ang pagdaanan nyo, lagi nyong tatandaan na may pamilya kayong handang damayan at suportahana kayo kaya naman, iniimbitahan ko ang lahat na tumayo.. Students face your parents and parents face your children. Gusto kong magpasalamat kayo students sa mga parents nyo for the unconditional love and support na binigay nila all throughout this years. Sabihin nyo kung gano nyo sila kamahal at kung gaano kayo kaproud na sila ang parents nyo. And parents, gusto kong sabihin nyo sa mga anak nyo.. Job well done." Nakita kong ginawa nila ang sinabi ko at sabay sabay na nagpasalamat ang students sa parents nila at ganun din ang parents sa kanilang mga anak. Naging emotional pa nga dahil umiiyak ang bawat magulang at teachers. This is indeed a celebration and a moment to remember. Humarap ako kay mama at saka ako nag I love you dito na maluha luha din nitong tinugon." Please be seated hindi pa ko tapos ano? " pagbibiro ko kaya natawa naman ang lahat. " Bago ko tapusin ito gusto kong pasalamatan din ang mga gurong ibinigay ang best nila sa pagtuturo matuto lang tayo. Bawat projects, reports, assignment, quizes and many more.. lahat yon ay naging tulay para madagdagan ang aming bawat kaalaman. Sa efforts na ibinibigay ng bawat guro natin. Ma'am, Sir.. Thank you very much po. Wala kami dito kung hindi dahil sa inyo. From the Owner of the school, staff, faculty, maintenance and guards. Thank you very much po for ensuring our safety and for providing everything that we need. Iiwan man namin ang paaralang ito, babaunin naman namin ang masasayang ala-ala na ipinabaon sa amin ng bawat isa. Muli ako si Kristopher Saavedra, Class 2016 Valedictorian. Maraming salamat po." Pagtatapos ko habang masayang nakatingin sa lahat ng estudyanteng grumatuate.

Moments with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon