Kristopher POV
Nandito ko sa bahay namin at kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at nag aayos ng uniform ko nang marinig ko ang boses ng napakaingay kong best friend.
"topher tara na" - Iritado ng pag aaya sakin ni Sabrina. Lagi kasi kaming sabay kung pumasok dahil along the way lang naman kasi ang bahay namin, kapag papaunta sya sa school kaya madadaan nya talaga ko.
"wait lang kasi" - sigaw ko pabalik dito habang kinukuha ko ang bag ko.
Nang makalapit ako sa kinaroroonan nya ay isang 360 degree na irap ang ibinigay nya.
"ang bagal mo topher, malelate na tayo eh" sabi nya sakin habang hinihigit yung dulo ng manggas ng polo ko. See? Sabi sa inyo i. Pagdating sakin parang bulkan na laging pasabog.
"ikaw talaga napakamainipin mo. tara na nga" sabi ko sabay gulo ng buhok nya at saka ako nagpatiuna sa paglabas ng bahay namin. Baka kasi kurutin nanaman nya ko. Ang sakit pa naman dahil ang haba ng kuko nyan.
"Tsk! Sarap mong pakain sa aswang. Hilig mong guluhin buhok ko." Maarteng turan nito sabay suklay sa buhok.
"Haha! Look at your reaction and tell me again kung bakit hindi ako maaliw na asarin ka" -sabi ko habang nakangiti ng malapad habang nakatuon sa dinadaanan ang mga mata. Yes! walking distance lang kami sa school kaya hindi ganoong kagastos at hassle.
Malapit na kami sa school ng ibahin nito ang usapan namin.
"kilala mo si Matthew Contreras diba?" Tanong nya sakin out of the blue at bigla ring seryosong boses.
"bakit mo natanong? Anong meron sa kanya?" -Tanong ko. Parang alam ko na ang susunod nyang sasabihin a.
"Kami na. Hindi kona sinabi sayo na he's courting me, kasi alam ko naman na hindi ka okay sa kanya para sakin " Turan nito. Nakatingin lang sya sa baba at hinihintay ang isasagot ko. Pero ang tanong ng bayan!! May karapatan ba ko magalit o umayaw? Waley. nga nga mga friend zone.
Matagal akong di nakareact pero I did my best na magsalita. Ayokong isipin nya na kalaban nya ko at yung ginawa nyang pag lilihim sakin ay di na maganda baka, dumating sa punto na di na talaga sya mag sabi kasi mafefeel nya na hindi ako trust worthy. Kaya kahit nagtatampo ay sumagot ako sa kanya.
"As long as mahal ka nya at totoo sya sayo. Okay na ko sabby..Alam mo naman na kapakanan mo ang priority ko. Oo nakakaramdam ako ngayon nang pagtatampo dahil ngayon mo lang sinabi sakin. Kasi best friend mo ko. You are supposed to share it to me from the very beginning. Bukod sa mag best friend tayo, hinabilin kana din sakin nila tita kaya gusto ko ay ayos ka. Kung masaya ka sa kanya, ganun din ako. " Paliwanag ko sa kanya. Ganto nalang palagi ang scenario kapag may magiging boyfriend sya. Masakit pero wala e etorp tayo e.
"Well, I promise to you that he really loves me." Sagot pa nya na nakapag patameme sakin ng husto, pero hindi ko pwedeng ipakita na nasasaktan ako.. Lavarn lang Topher. kaya mo yan.
"Kung ganon naman pala. Edi ayos." Sagot ko kaya napangiti sya.
"Yes! I'm happy with him. Sa kanya ko lang to naramdaman. Feeling ko nga kami na ikakasal in the future ii -sabi nito na kinikilig habang nakangiti. Bumalik na sa pagiging baliw.
"Hindi ka naman nagmamadali nyan?" Asar ko kunwari para di mahalata na medyo umiba timpla ko.
"Hindi naman, naeexcite na nga ako eh, hehehe" -sabi nya at saka na kami nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa makarating na kami ng school. Pagpasok pa lang namin ay sobrang dami na agad ang bumati sa kanya at karamihan dito ay mga lalaki.
"Famous a!" Biro ko pa
"Naman. Ako pa? Dyosa yata to. Hahhahaha" Mayabang na sabi nito sabay hawi ng mahabang buhok na ikinatawa ko nalang.
"Hi sabrina! " -biglang bati ng isa pang babae dito at nang tingnan ko ay si Elise na kaibigan at kaklase nya pala.
"Hi Elise-chan" -bati naman dito ni sabrina.
"Hello din! " bati din ni Elise sakin. babati din sana ko ang kaso inunahan lang ako ni sabrina na magaling.
"Ewan ko kung kilala mo na sya, but this is Kristopher or Topher. Super Bff kami nyan. -pakilala ni sabrina sakin.
"Ano kaba, kilala na namin ang isa't isa, naipakilala mo na kaya ako sa kanya dati pa. " sabi ko
"Ahhh hehehe sorry naman, nakalimutan lang." kakamot kamot sa ulong sabi nya habang nakangiti.
"Ulyanin ka kasi" Paumpisa ko asar
"Tsk! daming satsat nito e." sabi ni sabrina na medyo kunot ang noo.
"Hahahahaha oh pano, dito na ko at baka malate ako sa klase ko at mawala pa ko sa listahan ng matatalino" -biro ko sa kanila
"Yabang mo talaga. Bobo ka naman." -iirap irap na sabi sakin ni sabrina
"sino ang bobo ha,sabby?" -tanong ko sa kanya habang pisil ko pisngi nya
"Wala, shabi koooh luhmakahd kahna dahil lumalakash ang hangin dito at baka matangay pa kami. " - Nahihirapang sagot nito dahil pisil ko kaliwang pisngi nya
"ikaw talaga, sige na una na ko sa inyo. kita nalang sa lunch ha-sabi ko sabay lakad palayo.
"bye. toppy" - paalam nito at saka lumakad papunta sa direksyon ng room nila
BINABASA MO ANG
Moments with you
Cerita PendekSabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...