Music credits to the rightful owner
2 days later
"Condolence po tita." agad na bungad nila Vince at brando kay tita daisy. Nasa tabi ako ng kabaong ni sab. Dito muna ako pinapwesto nila tita daisy dahil karamihan sa nasa loob ng bahay ay kaibigan at kaeskwela namin ni sab. Sila naman ni tito langston ang nag eentertain sa ibang bisita sa may garden.
Ngumiti si tita at saka ako itinuro kaila brando. Kasama din nila si Elyse na nasa pintuan palang ay panay na ang iyak.
Lumapit ang mga ito sa akin at sumilip sa kabaong ni sab.
"it's so sudden. Kakakita lang namin kay sabrina nung graduation. Malakas, masaya at punong puno ng sigla. Tao nga naman... Hindi mo masasabi kung ano tumatakbo sa isip nila. She's so young." Komento ng isang estudyante sa gilid namin sa may sofa. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito at nagfocus nalang kayla elyse.
"I don't know kung nananaginip lang ako pero, parang hindi pa kayang tanggapin ng utak ko na wala na ang best friend ko. Kakakausap lang namin ng gabing yun. Sabi ko pa sa kanya na may surprise ako sa kanya from france pero .. Oh my god.. ako ang nasurpresa sa ginawa nya. " Umiiyak na sabi ni Elyse
"How are you bro.?" Tanong sakin ni Vince.
"I'm fine." Maikli kong sagot.
"of course you're not. Wag ka na magsinungaling. Hindi man namin alam ang bigat na pinag dadaanan mo pero alam ko.. Alam kong Nasasaktan ka. Pre, kung kailangan mo ng makakausap andito lang kami ha. Wag kang susuko. " Sabi naman ni Brando.
Ngayong gabi ang huling lamay ni sabrina. Hindi na pinatagal nila tita dahil wala naman na daw silang kamag anak na hinihintay. Madami ang dumating sa gabing ito, maging si inay ay nandito rin. Nag palabas sila ng video, tribute nung buhay pa si sab. photo slideshow at kung anu ano pa. Umiiyak ang lahat habang pinapanood ito. Lalo naiyak ang lahat ng magsimulang magsalita si tita daisy sa harapan.
"Hindi ko alam kung saan magsisimula sa totoo lang. Masakit.. sobrang sakit. Hayst.. Unang una.. nagpapasalamat ako at ang pamilya namin sa taos pusong pakikiramay nyo. Maraming salamat sa pag punta ninyo. Alam ko si sabrina ay nagagalak sa kaalamang marami ang nagmamahal sa kanya. Hindi lang ako, ang daddy nya o mga pinsan.. pati na rin mga kamag aral at marami pang iba. Sa totoo lang, Sabrina was a miracle baby.. and she is until now. Nung ibigay sya samin ng lord, sobra sobra ang pasasalamat namin kasi sa kabila ng pinagdadaanan namin noong mag asawa.. binigyan nya kami ng isang malusog at magandang anak. Habang lumalaki, pinangako ko sa sarili kong babantayan ko sya hanggang sa huling hininga ng buhay ko.. pero... pero isang araw.. nalaman ko nalang... kusa nyang ibinalik sa lord ang buhay na binigay sa kanya. Mahirap.. masakit.. iisa namin syang anak ni langston e. Hindi ko alam pano magpapatuloy ang buhay.. dahil... sya ang buhay namin. Sya ang dahilan para patuloy kaming lumaban.. sya ang nagbibigay samin mag asawa ng lakas na ipagpatuloy ang buhay pero..ngayon? durog na durog ang puso ko..Hindi ko alam saan ako nagkulang? Naging pabaya ba ako? Hindi ko ba nasecure sa kanya na kapag kailangan nya ng makakausap.. nandito ako para makinig sa kanya? Maraming tanong ang nasa utak ko. Andyan yung pagsisisi ko bilang isang ina. guilt kasi feeling ko nag kulang ako sa kanya..Mygod.. Si sabrina ang nagbigay ng kabuluhan sa buhay naming mag asawa. Kaya nung gabing matagpuan ko syang... nakasabit at wala ng buhay... Doon alam ko.. dun palang nag fail na ako bilang ina nya. Dun palang alam ko na hindi ko nabigay ang lahat sa kanya.. Dun palang ... nung oras na yun alam ko.. Dadalhin ko hanggang hukay ko ang katotohanang, hindi ko naprotektahan ang anak ko. Hindi ko naiparamdam sa kanya na . anak okay lang maging mahina..anak okay lang kung napapagod ka.. anak okay lang kung nahihirapan kana .. Yun bagay na yun. Yung pakiramdam na may karamay ka sa hirap na pinag dadaanan mo.. yun siguro ang hindi ko nagawang iparamdam kaya.. siguro isa ako sa dahilan at nagtulak sa kanya na gawin ang bagay na ito. Sa oras na ito.. gusto ko lang sabihin sayo anak ko.. sabrina.. mahal na mahal ka ni mommy.. mahal na mahal kita.. patawarin mo ako kung nagkulang ako.. patawarin mo ako dahil nung panahong kailangan mo ako ay wala ako sa tabi mo. Naging panatag si mommy na may ibang tao sa tabi mo na handang dumamay kaya hindi kona na siguro ang kalagayan mo. Anak patawad. patawarin mo si mommy." Walang humpay ang pag hingi ni tita ng tawad at pagsasabi ng mahal nya si sab. Lumapit na si tito langston para alauin sya at patahanin dahil walang patid ang paghagulhol nito. Ang iba ay yumakap naman kay tita daisy. Inakay nila ito pabalik sa pwesto nito kanina at doon yakap yakap sya ni tito langston na tahimik na lumuluha din.
Nagpatuloy ang pagbibigay ng mensahe ng malalapit na kaibigan at kamag anak ni sab. Wala na sana akong balak pumunta sa unahan at magsalita pero pinilit ako nila tita daisy.
"Yow. sup, sabby? Lakas maka sleeping beauty natin dyan a? Maganda ba panaginip mo kaya ayaw mong gumising? O baka naman ako napapanaginipan mo? " Pinasigla kong bungad.
"Magandang gabi po sa lahat. Alam ko kilala nyo na ko.. hahah sinong hindi e araw araw yata akong nandito at kasama ang babaeng to. Hindi nya po ako boyfriend.. though I wish I was.. hahaha.. But, she's the most special girl for me. Simula pagkabata hanggang sa huling hininga ng kanyang buhay. Siguro she will remain special to me hanggang sa kunin din ako ni lord. " Pilit kong pinapagaan ang bawat salita ko dahil alam kong marami ang nasasaktan sa oras na ito. " Si sabrina.. sa lahat ng babaeng nakasalamuha at nakilala ko.. sya ang kakaiba. Alam nyo bang mas malakas ang trip nyan kesa sakin? Alam nyo ba na sa aming dalawa? ako ang pinaka kawawa pero that's okay, that's okay kasi alam kong sakin nya lang ginagawa ang mga yun. Sakin lang sya komportableng ipakita ang side nya na yun. I should be happy right? pero bakit sakit ang nararamdaman ko ngayon everytime na maalala ko ang mga ala-alang yun. Si sabby yung nagbigay ng kabuluhan sa buhay ko. Aamin ko.. I'm inlove with her since kindergarten pa nga yata.. haha and tita daisy knows that. Wag kayong ano dyan. hahaha. I tried naman na sabihin sa kanya pero ewan... hindi ko nagawa o magawang sabihin sa kanya kase... ayoko masira kung ano man ang meron kaming dalawa. I envy those guys na nasabi nilang mahal nila si sabby. At least hindi sila magkakaron ng regrets diba. At isa yun sa mga nararamdaman ko sa ngayon. I'm full of regrest. Ghad... I'm trying to make this speech lively and funny as much as possible pero my emotions leads me to something else.. I don't want to be emotional or sentimental or anything that will lead everyone to cry pero yung puso ko kasi sobrang nasasaktan e. Sobra sobra. I feel so much sadness, guilt and regret. What if... sinabi ko sa kanya noon na gusto ko sya ng higit pa sa pagiging kaibigan? What if umamin ako sa kanya na mahal ko sya? Diba? ang dami daming what if ang pumapasok sa isip ko pero lahat yun? Wala ng halaga. Kasi eto o.. Naging ganito resulta ng pagiging torpe ko.." Patuloy kong turan habang ang mga mata ko ay lumuluha na.. " I promised her that I will protect her forever. I promisee her that no matter what, I will stay with her.. Magalit na buong mundo sa kanya pero hindi ako aalis sa tabi nya. But all those promises was useless kasi isang beses nya lang ako pinagtabuyan ay lumayo din ako agad. Alam nyo yung mahal mo sya pero hindi sya pwedeng maging sayo kasi maraming pwedeng masira. May mga bagay na hindi sang ayon. I love the way she smile and laugh. I love the smell of her fart.. Hahaha kung alam nyo lang kung gano kabalahura ang babaeng to . I love how she rolls her eyes. Making disgusted and irritated look. Lahat lahat sa kanya mahal ko kaya sobrang nasasaktan ako ngayon sa nangyari. Pero isa lang hiling ko.. Sana.. This time ..masaya kana at mapayapa na . Sabby nangangako akong magtatapos. Mangangarap ako para sating dalwa. Tutuparin ko ang pangako kong magiging isang engineer. Sana ay gabayan mo ako . Gabayan mo kaming mga mahal mo. " Pagtatapos ko. Marami pa ang sumunod na nagbigay ng mensahe..May nag alay din ng kanta at tula. Ang gabing ito ay pinuno namin ng ala-ala nya nung nabubuhay pa sya. Sana ay masaya kana kung nasan ka ngayon sabby. Hintayin mo ko. Tutuparin ko lang ang pangarap natin.. sasama din ako sayo . Magkikita din tayo.
BINABASA MO ANG
Moments with you
Short StorySabrina is a beautiful and jolly teenage girl. She's popular with her peers not only because of her beauty but also because of her kind personality. Then, there is Kristopher, her best friend who secretly loves her. Who also promised to protect her...