CHAPTER 16

2.5K 76 22
                                    

THIRD PERSON'S POV

Dwight pakisamahan na itong mga kaibigan ni Acacia sa mga silid nila, at yung iba magpahinga na rin maliban sa'yo Deron anak. Mag-uusap tayo” Ani Waze saka nito tinignan ng seryoso ang Anak na si Drace

“Let's go” Aya ni Dwight sa dalawang babae agad ding tumayo at sumunod sa kaniya. Tumayo na rin ang ibang kapatid nito at pumanhik na sa itaas. Naiwan na lang silang tatlo, si Deron, ang kaniyang Ama at ang kaniyang Ina.

“Sit down” itinuro ng Ama nito ang Sofa na inuupuan niya senyales na pinapaupo siya sa tabi nito. Mabilis namang sumunod si Deron at umupo sa tabi niya.

“Pupuntahan ko lang sina Dariel sa itaas” Paalam naman ng Ina nito saka pumanhik sa ikalawang palapag ng glass house. Kapwa naging tahimik ang mag-ama, parehong walang nagsasalita sa kanilang dalawa.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumuntong-hininga si Waze

“May gusto ka ba kay Acacia, Anak?” seryoso nitong tanong bago nilingon ang Anak.

“W-wala” sagot naman ni Deron saka nag-iwas ng tingin

“Kung wala, bakit gano'n ang inasal mo kanina. You acted like a possessive boyfriend, Anak” tugon ng Ama. Natahimik naman si Deron

“I...I dunno, Dad. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. All I know is...I don't want her to sleep with that guy” mahinang sagot ni Deron

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Waze.

“Do you know what, Acacia was like my first love, si Tita Myrtelle mo, ang best friend ng Mommy mo” Saad ni Waze na agad nakuha ang atensiyon ng anak. Kumunot ang noo ni Deron

“Myrtelle was my fan back then. Member ako ng isang band group noon. I was the vocalist, kaya hindi maiwasang marami ang nagkakagusto sa akin, at isa na doon si Myrtelle. She was clingy and too loud. Lagi siyang naka-buntot sa akin kahit saan ako magpunta. She was  very vocal about her feelings. Palagi niyang ipinag-lalandakan na Mahal niya ako, but just like what you did to Acacia, I pushed her away too” Mapait na napangiti si Waze habang binabalikan ang mga nakaraan

“I don't like her at first, dahil ayoko sa mga babaeng kagaya niya. She was desperate to get my attention kaya kahit ano ginagawa niya. I embarrassed her infront of everyone many times, pero hindi pa rin niya ako tinigilan,” saglit itong tumigil sa pagsasalita at tumayo. Lumapit ito sa nakabukas na bintana at tinanaw ang napaka-gandang tanawing nasa labas, ang kulay asul na karagatan.

“Three years Anak. She chased me for three years, at sa tatlong taon na iyon ay wala akong ibang ginawa kun'di ang ipagtabuyan siya, ” muli itong tumigil sa pagsasalita at hinarap ang Anak

“Hanggang sa dumating yung Araw na napagod siya. Itinuon niya ang atensiyon niya sa iba. Akala ko matutuwa ako dahil wala ng Myrtelle na mangungulit at bubuntot sa akin. Akala ko matatahimik na ako, pero nagka-mali. ako. Because the time I saw her with another guy, parang may kung anong tumarak sa dibdib ko. And I didn't realize that time na may nararamdaman na rin pala ako for her. I was a j*rk, huli na bago ko napagtanto sa sarili ko na Mahal ko siya. I tried to get her back, but I was too late. She already love someone else. Someone that is worth for her love. After a year, they got married, habang ako nilamon ng pagsisisi” muli itong napangiti ng mapait. Tahimik naman si Deron pero marami ng kung anu-anong bagay ang pumapasok sa kaniyang isip. What if mangyari sa kaniya ang nangyari sa kaniyang Ama

“Kaya Anak, ang maipapayo ko lang sa'yo, listen to what your heart says, not on your mind. Huwag mong hintayin na bago mo lang mare-realize ang isang bagay kapag huli na. Huwag mong pairalin ang pride mo Anak, dahil sa huli...ikaw lang rin ang matatalo at masasaktan” Dagdag pa ni Waze. Tinapik nito ang balikat ng Anak

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon