CHAPTER 41

459 23 8
                                    

MACARINE'S POV

“What? You want to ask her to pretend as Acacia?”

Napabuga ako ng hangin at tumango na lang kay Kuya Draviz.

Nakipagkita ako sa kanila ni Kuya Dwight para ipaalam sa kanila ang Plano ko. Ang totoo niyan ay matagal ko din itong pinag isipan. The moment I saw Sarina, alam ko ng malaki ang magiging role niya. Hindi sa akin, kun'di kay Deron

“Makikita at makikita ni Deron si Sarina, Kuya. And you know him, kahit sabihin natin sa kaniya na hindi si Sarina si Acacia ay hindi 'yon makikinig. Paniniwalaan lang non ang gusto niyang paniwalaan” sagot ko sa kaniya.

“But, what if hindi pumayag si Sarina? She maybe look like her, but she will never be her. Wala siyang alam sa buhay na meron si Aca dati” Sabat naman ni Kuya Dwight. Alam ko. Kaya nga matagal-tagal ko din itong pinag-isipan

“Amnesia. She can pretend na meron siyang Amnesia kaya wala siyang matandaan from the past. Deron is longing for Aca to be with her again, sobrang awang-awa na ako sa kaniya Kuya” Saad ko. Wala na talaga akong nakikitang ibang paraan na pwedeng gawin

“Bakit kasi, ipinagpilitan mo pa sa kaniya ang isang kasinungalingan” sita sa akin ni Kuya Draviz

I know it was my fault kung bakit mas lalong lumala ang sitwasyon.

“Naawa lang kasi ako sa kaniya Kuya. Kung hindi ko ginawa 'yon. Baka pati siya, Wala na rin ngayon” sagot ko.

They both heaved a sigh

“Bahala ka. Do it kung papayag si Sarina. Pero sana lang, walang masaktan sa kanila sa huli. Lalo na't napaka-komplikado ng gusto mong mangyari” Ani Kuya Draviz

“But, naisip ko lang na coincidence lang ba na magkamukha sila ni Aca. I mean, wala tayong alam about Acacia's family bukod sa Dad niya at kay Asi. What if, she has a twin Sister pala na nahiwalay sa kanila, and Sarina 'yon, 'diba? Just like sa mga Drama” Saad ni Kuya Dwight. Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya

He's right. Kahit kaming mga kaibigan ni Acacia ay walang ibang alam sa family niya. Never siyang nagkwento. Si Asi lang ang kilala namin na pamilya niya. Pero paano nga kung ganoon nga. What if may kakambal nga si Mamci Aca na nahiwalay sa kanila, tapos si Sarina 'yon

“Stop it nga Dwight. Kakapanood mo Yan Ng mga teleseryes kaya kung anu-ano na lang naisip mo” saway ni Kuya Draviz Dito

Kuya Dwight pouted his lips “Malay mo lang naman” parang bata nitong sagot

Pero hindi naman imposible ang sinabi niya dahil parang pinag-biyak na bungad si Sarina at si Mamci Acacia

“Why don't we ask her Mom sa probinsya. Malay mo 'diba” dugtong pa ni Kuya Dwight.  Tinapunan naman siya Ng masamang tingin ni Kuya Draviz

“I was just suggesting. Tsk” aniya

Ngunit posible kaya. Posible kayang may kakambal si Mamci Aca?




THIRD PERSON'S POV


“You're finally back”

Mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito kay Sarina. Tila ayaw na nitong pakawalan ang babaeng kayakap. Hindi tuloy alam ni Sarina kung ano ang gagawin, Anong ire-react. Gusto nitong kumawala sa kaniya, ngunit hindi nito magawa. Hindi sa wala itong lakas, sadyang ayaw lang makisama ng kaniyang katawan na siyang pinagtataka nito. Ramdam niya ang pangungulila ng lalaki sa mga yakap nito

Tumagal ng ilang minuto ang naging pagyakap ni Deron sa kaniya. Talagang sinulit nito ang ilang taong nawala ang dalaga. Puno ng kagalakan ang kaniyang puso ngayong nasa harapan na nitong muli ang babaeng matagal nitong hinihintay at patuloy na minamahal

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon