CHAPTER 32

2.3K 54 23
                                    

AUTHOR: If limot niyo na po yung flow ng story dahil months akong natigil. Pwedeniyo pong basahin na lang ulit from the beginning hehe. Thank you sa paghihintay. ILY😘

--------

Acacia's POV


After ng confession ni Dimitri kahapon ay parang bigla akong nagkaroon ng kaunting doubt sa sarili ko at pati na rin sa puso ko.

Kung totoo man kasi ang mga pinagsasabi niya kahapon, bakit wala akong naramdaman na kahit ano sa kaniya noon. Bakit noong si Deron ang makita ko ay sa kaniya tumibok 'yung puso ko. Did my own heart deceive me? Argh ewan! Naguguluhan na ako


"Ganyan ba talaga dapat ang facial expression kapag ga-graduate na? Hindi ba dapat happy ka?"


Mabilis akong napatingin sa bakla na nag-aayos sa akin mula sa salamin. Tipid na lang akong ngumiti sa kaniya


Siya nga pala si Amir, hindi naman siya totally na bakla talaga kasi lalaki pa rin siyang manamit at magsalita. Isa siyang make-up artist. Ipinadala siya dito ni Tita Denice para daw ayusan ako. Kung tutuusin ay hindi ko naman na kailangan mag-ayos dahil sa graduation lang naman ako a-attend.


Oo nga pala, today is our graduation day. Dapat nga ay masaya ako dahil sa wakas ay ga-graduate na ako ng High School. Pero dahil hanggang ngayon ay walang paramdam si Asi hindi ko tuloy magawang sumaya, idagdag pa yung naging confession ni Dimitri na talaga namang naka-apekto ng matindi sa akin, sa isip ko, lalo na sa nararamdaman ko.

"Done! You look perfect talaga girl" Saad ni Amir na bahagya pang pumalakpak.

"Salamat" nakangiti kong tugon sa kaniya


Pagkatapos nitong ayusin ang aking buhok ay nagbihis na rin ako. Medyo maaga pa kaya nagpaalam na muna ako kay Amir na kakain lang ako sandali. Pumayag naman siya, ire-retouch niya na lang daw ako mamaya. Habang tumatagal ay palakas ako ng palakas kumain. Every minute ay parang lagi akong gutom.

Nagpaalam si Amir na aalis daw muna siya sandali at babalik na lang maya-maya. After Lunch pa ang simula ng grad ceremony namin, 11 am pa lang kaya may ilang oras na paghihintay pa.


"You didn't wait for me" Saad ni Deron na bigla na lang sumulpot sa harapan ko. Saglit pa itong napatitig at natulala sa Mukha ko.

"Alam kong sobrang ganda ko ngayon, kaya quit that kind of reaction on your face" puna ko sa kaniya na sinamahan ko pa ng matinding pag-irap.


"Is it bad to be mesmerized by your beauty?" tugon nito ng makabawi sa pagkakatulala niya. Natahimik ako. Mabilis ko ring iniwas sa kaniya ang tingin ko ng maramdaman ko ang biglang pag-apoy ng aking mga pisngi. Ito na naman siya lintek!


But honestly, Everytime he's here with me, nakakalimutan ko yung mga iniisip ko. Walang nagiging ibang laman yung isip ko kun'di siya.


"I brought your favorite foods. You were craving for these right?" Saad nito bago ibinaba ang ilang plastic bag sa mesa. Mabilis na nakuha ng masarap na Amoy na nagmumula sa plastic bag ang atensiyon ko. Walang hiya hiya kong kinuha yung isang plastic bag at kakalkalin na sana ang laman ng pigilan niya ako


"Ako na. Just sit back there, ano pang silbi ko rito kung hindi ko kayo pagsisilbihan ng baby natin" anito. He took all the foods out from the plastic bag at isa isa iyong inihain sa lamesa. Tahamik lang naman ako na nanunuod sa kaniya.

Biglang pumasok sa isip ko si Dimitri. What if nag-confess siya noon pa. Noong hindi ko pa kilala si Deron. Aabot kaya kami sa ganito ni Deron? Pero siguro nga tama siya, talaga nga sigurong sinadya ni Tadhana na maging torpe siya noon dahil hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Hindi talaga siya ang lalaki para sa akin.

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon