CHAPTER 37

466 24 8
                                    

SARINA'S POV


Dala ang isang maliit na bag na may lamang ilang piraso ng aking mga damit ay nilisan ko na ang aming tahanan at bumyahe patungong Maynila. Ilang oras din ang magiging byahe ko dahil medyo malayo din ang Maynila dito sa San Fernando, La Union


Mabuti na lamang at napilit ko ang aking Kuya kagabi na tumuloy sa pagtatrabaho. Kahit nahirapan akong ipa-intindi sa kaniya ay di ko siya tinigilan. Wala na rin siyang nagawa dahil talagang mapilit ako. At tungkol naman sa mga anak ko. Hindi ko alam kung sadyang matatalino lang talaga silang mga Bata kaya madali nilang naintindihan ng ipaliwanag ko sa kanila ang pag alis ko kahit na limang taong gulang pa lang sila. Lalo na si Dara, sa kanilang kambal ay sa kaniya ako minsan nahihirapan dahil napaka pasaway at kulit niya. Kay Darill naman ay ang sakit lang niya ang pinoproblema ko. Minsan kahit nahihirapan na siya ay nagagawa niya pang ngumiti at sinasabi sa akin na okay lang siya para lang hindi ako maging malungkot


Agad kong pinunasan ang tumulong luha sa pisngi ko. Hindi pa man ako nakakalayo ay parang gusto ko ng bumalik sa mga Anak ko. Parang ayaw ko na silang iwan. Ngunit hindi naman pwedeng umatras pa ako. Kailangan ko na munang mag tiis para makaipon ng Pera para sa kanila

Makalipas ang ilang oras na byahe sakay ng Bus ay narating ko na ang Maynila. Wala akong sinayang na oras. Pagkababa ko ng Bus ay sumakay naman ako ng Jeep para dumiretso sa Lugar na pagkikitaan namin ni Miss Macarine. Sa katunayan ay late na ako. Ang usapan namin ay Alas kuwatro ng hapon, ngunit alas singko na. Hindi ko naman kasi akalain na mattyempuhan kami kanina ng traffic


Pagkarating ko sa Lugar na pagkikitaan namin ay tila gusto ko ng umatras. Jusko! Para akong papasok sa Isang napakamahal na Lugar. Nasa labas pa lang ako ay sumisingaw na ang karangyaan ng mga taong nasa loob nitong Restaurant


Napatingin ako sa aking suot. Isang simpleng puting t-shirt at maong na pantalon na kinuha ko lamang sa dati kong ibenibentang Ukay. May butas din ang suot kong sapatos. Paborito ko kasi itong sapatos kaya ito ang isinuot ko kahit na may butas na sa itaas na bahagi.


Huminga ako ng Malalim. Wala ng atrasan ito. Para sa mga anak ko


Dumiretso na ako ng pasok sa loob. Medyo nakaramdam ako ng hiya ng magtinginan sa akin ang mga tao na kumakain. Halatang puro sila matataas na tao. Nagkikintaban Kasi ang mga suot nilang alahas at palamuti.



Hindi ko na lang sila pinagtuonan ng pansini at hinanap ang pwesto ni Miss Macarine. Hindi ko na kasi nagawang makapag text sa kaniya dahil naiwan ko ang cellphone ko sa Bahay.


Mabilis akong naglakad sa kinaroroonan niya. Medyo kinakabahan ako na may halong saya. Ito ang unang beses na makikita ko ang Idol ko sa personal, tapos magiging personal Alalay pa niya ako. Oh 'diba? San ka pa



"Mamci Aca" biglang sabi nito at nagulat na lang ako ng bigla itong tumayo at yumakap sa akin. Nanlaki pa ng bahagya ang mga mata ko. Tama ba ang nangyayari? Niyayakap ako ng isang Macarine Silvestre?



"You're alive" Saad pa nito habang nakayakap pa rin sa akin.


Bigla tuloy akong nahiya. Baka bigla niyang maamoy ang buhok ko na walang ka-shampoo shampoo. Hindi rin ako nakapag-lagay ng pabango


Nakahinga ako ng maluwag ng humiwalay na ito ng yakap sa akin. Sumunod naman nitong ginawa ay hinawakan ang mag kabila kong pisngi at tinitigan ang aking Mukha. Medyo nakakailang, pero okay lang. Marami sa amin ang gustong makaranas na makaharap ng ganito itong si Miss Macarine


"Ikaw ba si Acacia. Tell me" aniya. Napaawang ang aking mga labi. Ano daw?



"Hindi ho ako puno Miss Macarine. Pasensya na po" alanganin kong sagot sa kaniya. Mukha ba akong Acacia? Mahirap lang ako pero hindi naman siguro ako mukhang puno, 'diba? Marami ngang nagagandahan sa akin e




Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon