CHAPTER 54

517 33 3
                                    

SARINA'S POV

Ang sakit lalo na at mismong sa bibig ng kinilala naming Ina ni Kuya nanggagaling na hindi niya kami tunay na Anak

“Pwede ho ba naming malaman kung paano sila napunta sa inyo?” Rinig kong tanong ni Tita. Tumingin naman sa kaniya si Inay saka tumango. Bumuntong-hininga muna ito bago nagsimulang magsalita

“Anim na taon ang nakalipas ng dalhin sila ng Asawa ko sa Bahay na tinitirahan namin noon sa Isabela. Duguan at parehong walang malay. Ang sabi niya ay nakita niya daw sila sa daan na duguan at walang malay. Nagalit pa ako noon sa Asawa ko dahil sa Bahay kayo dinala imbes na sa Hospital. Masiyado na daw kasi siyang nataranta noong mga oras na iyon. Dahil nag-aagaw buhay silang dalawa ay nagpasya na ako ng dalhin namin sila sa Hospital para kaagad na magamot” kwento nito. Saglit itong huminto saka tumingin sa kawalan saka muling nagpatuloy

“Naging malala ang kondisyon nilang dalawa lalo na si Sari dahil ang sabi ng mga Doctor ay nagdadalang tao siya. Gusto ng mga Doctor noon na alisin ang baby sa tiyan niya pero hindi pumayag ang asawa ko. Sabi niya ay magbabayad siya ng kahit gaano pa kalaking halaga mailigtas lang sila kasama na Ang baby mo Sarina. Ginawa naman ng mga Doctor ang lahat. Kami naman ay naibenta lahat ng lupa at maging ang Bahay na naipundar namin may maipambayad lang sa Hospital” Pagpapatuloy niya “Isang buwan kayong na-confine sa Hospital noon at na-comatose. Habang hinihintay namin kayong magkamalay ay nagsimulang magkwento ang asawa ko. Ang sabi niya ay hindi daw totoong nakita niya lang kayo sa daan, sabi niya na habang nasa bukid siya ay bigla na lamang may bumagsak  na eroplano di kalayuan sa pwesto niya. Kahit delikado ay pinasok niya daw ang eroplanong yon para maghanap ng pwede niyang iligtas at ikaw daw Sarina ang nakakuha ng atensiyon niya. Sinabi niya na noong mga oras na yon ay nakita niya sayo ang namatay naming tunay na Anak na si Sarina. Kaya hindi siya nagdalawang isip na iligtas ka kahit walang kasiguraduhan kung mabubuhay ka pa. Binalikan niya rin si Sander na nasa tabi mo para iligtas kaya dalawa kayong nailigtas niya. Sinabi niya rin na sa oras na magkamalay kayo ay iuuwi namin kayo. Nagalit pa ako sa kaniya dahil iniisip ko na may pamilyang maghahanap sa inyo Lalo na kapag nalaman nilang nakaligtas kayo mula sa aksidente. Ngunit sinabi ng Asawa ko na wala ng maghahanap sa inyo dahil siguradong iisipin ng pamilya niyo na patay na kayo, at may ginawa rin daw siyang paraan para na talagang mag-isp na buhay at nakaligtas kayo. Hindi ko siya naintindihan noon. Sinabi niya na lang na magtiwala ako sa kaniya, at maging masaya na lang dahil mabubuhay ng muli ang dalawa naming anak” mahabang paliwanag  nito. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Naramdaman ko na lang na Basa na ang aking mga pisngi.

Tumingin sa akin si Inay saka muling nagpatuloy sa pagsasalita “Ng magkaroon kayo ng malay ay sakto rin dahil wala na kayong maalala tungkol sa pagkatao at nakaraan niyo. Ginamit namin ang pagkakataong yon para muling buhayin ang aming namatay na mga anak sa katauhan ninyong dalawa ni Sander. Patawad mga Anak. Patawad dahil naging selfish kami ng Tatay niyo. Patawad dahil ipinagkait namin sa inyo ang totoong pamilya at katauhan niyo. Sana mapatawad niyo ako” sunod-sunod na bumagsak ang mga luha mula sa kaniyang mga mata

Saglit na pumagitna ang katahimikan sa amin. Walang ni isa ang gustong magsalita. Tila lahat ay gulat sa mga narinig. Ako naman ay pilit na pinapakalma ang aking sarili

Maya-maya ay biglang nagsalita si Miss Mac

“Ang galing po ng Asawa niyo dahil anim na taon kaming napaniwala na Patay na talaga ang kaibigan ko at si Asi gamit ang mga bangkay na inakala naming sila. Ang galing po e, nag match sa kanilang dalawa Yung bangkay na inilibing namin noon. Iyon po kaya Yung naging Plano ng Asawa niyo para isipin naming Patay na talaga sila” puno ng sarkastiko nitong saad. Batid ko ang galit sa boses niya

“Patawad” nakayukong tugon ni Inay. Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit

Masakit para sa akin ang mga narinig mula sa kaniya, ngunit ganon pa man ay hindi ko magawang magalit sa kanila ni Tatay. Dahil sila pa rin ang nagligtas ng buhay namin at minahal kami na parang tunay din nilang mga anak

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon