CHAPTER 19

2K 70 1
                                    

Acacia's POV

Nakahilata lang ako habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko yung dahilan kung bakit ako ikinulong ni Deron dito. His actions, his words. Lahat ng iyon ay kakaiba sa akin ngayon. Siguro dahil sa sinabi ko sa kaniya kahapon. About sa pagbubuntis ko.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas 'yon. Iniluwa nito si j*rk bitbit ang isang napakalaking food tray. Dahil sa excitement ay mabilis akong napabangon at napaupo. Dumiretso siya sa kinaroroonan ko at ibinaba sa kama ang tray niya. Bigla akong natakam ng makita ko ang isang buong cake na nasa tray, may kasama ring 'yong lemon juice na nasa can, strawberry jam at tatlong piraso ng bawang. Lihim akong napangiti

“Bakit ang tagal mo?” tanong ko. Saglit naman siyang bumaling sa akin para bigyan ako ng masamang tingin
“Nag-bake pa ako ng cake mo”

Mabilis na napa-arko paitaas ang kaliwang kilay ko. Nag-bake siya? Weh? Kailan pa siya natutong mag-bake? Ang alam ko ay bukod sa paglamo-este pagkain ay wala siyang ibang alam na gawin sa kusina

“Chocolate cake ba yan?” I asked. Madilim ang Mukha nitong bumaling sa akin “It's caramel cake. Yan yung pinakuha mo 'di ba” malumanay nitong sagot. Napatitig ako sa cake na kulay dark chocolate

“Bakit kulay chocolate?” tanong ko ulit. Bumuntong hininga siya. It seems like, nagpipigil siya ng inis. Nakakainis ba ako?

“Stop asking. Kainin mo na lang. Tsk!” Singhal niya saka siya nagsimulang mag-slice ng cake. Inilagay niya yun sa platito na dala niya saka niya iniabot sa akin. I shook my head twice

“Eat” Kumuha siya ng tinidor at nag-slice ng maliit sa cake saka itinapat sa bibig ko. Saglit akong napatitig sa kaniya. Si Deron ba talaga 'tong nasa harapan ko?

“Ayoko. Ibang kulay e! Dapat light brown yan e, bakit dark brown? Chocolate yan e!” pag-aalburuto ko. Sabi ko caramel cake. Ayoko pa naman ng chocolate cake.

Bigla akong napatitig sa kamay niya ng humigpit ang pagkaka-kapit niya sa tinidor

“That's Caramel f*c—just try it” Bakas sa boses nito ang pagpipigil niya ng inis. Bigla akong napatawa ng mahina.

“Why are you chuckling?” Nagsalubong ang mga kilay niyang makakapal. Umiling na lang ako saka isinubo yung isinusubo niya

“Ako na. Kaya kong pakainin ang sarili ko” Inagaw ko sa kaniya yung tinidor ng akmang susubuan niya ulit ako. Wala naman siyang naging imik at pinabayaan lang ako.

Kinuha ko yung tatlong piraso ng bawang. Dinurog ko iyon sa isang platito gamit ang tinidor. Mabuti na lang at dalawang platito ang dala niya. Pagkatapos ay kinuha ko yung strawberry jam at nilagay yung bawang saka ko in-mix. Habang naghahalo ay napapangiti at natatakam ako. Ang weird ng itsura pero ang sarap ng amoy

“Kakainin mo 'yan?”

Hinarap ko siya ng magtanong siya. “Hindi. Kaya ko nga pinakuha sa iyo kasi hindi ko siya kakainin” puno ng sarkastiko kong sagot sa kaniya na sinamahan ko pa ng pag-irap

“Matino akong nagtatanong, Acacia. Huwag mo akong pinipilosopo”

“Sino bang nagsabi na pinipilosopo kita? Sumasagot lang din ako ng matino” giit ko. Inalis ko na ang tingin ko sa kaniya at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. Ramdam kong humiga siya sa kama kaya muli akong napatingin sa kaniya. Nakapikit na ang mga mata niya

“Huwag mong sabihin na diyan ka hihiga?” Taas kilay kong tanong. Nagmulat siya ng mga mata saka tumingin sa akin

“It's my bed” sagot nito saka siya tumagilid sa akin

“Doon ka sa sofa matulog. Ayoko ng may katabi dito sa kama” saad ko. Walang imik naman itong bumangon saka bumaba sa kama at dumiretso sa sofa saka bumaluktot ng higa. Napataas ang kilay ko.

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon