CHAPTER 40

562 34 16
                                    

SARINA'S POV




“Deron?”


Si Tita Denice nga.


Deron?


Deron ba ang pangalan ng lalaking nakabunggo ko?


“Oh my god! What happened, Sari?”


Dahil hindi ko pa rin inaaangat ang ulo ko ay hindi ko nakikita ang nangyayari. Basta naramdaman ko na lang ang paglapit ni Tita Denice sa akin para tulungan akong tumayo


“Are you okay?” bakas ang pag-aalala nito sa kaniyang tono. Kahit hindi niya naman ako kaanu-ano ay ganito na siya mag alala sa akin


“Okay lang po ako” sagot ko sa kaniya. Kahit nakatayo na ako ay nanatili pa rin akong nakayuko. Ayoko kasing Makita 'yung Mukha ng nakabangga ko. Para kasing nakakatakot na Ewan. Basta hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon


“Nga pala Anak, I thought you're not coming” si Tita. Ibig sabihin ay anak niya rin itong lalaki


“Tsk”



Tila nakahinga ako ng marinig ko ang mga yapak nitong papalayo sa amin


“Hey, where are you going? Nasa garden ang Daddy at mga kapatid mo. You didn't even great me” Saad pa ni Tita na may pagtatampo. Wala namang naging tugon ang lalaki. Napaka-suplado naman. Hindi niya man lang binati ang Mama niya


Dahan dahan kong inangat ang aking tingin para makita siya. Paakyat na siya sa itaas at tanging likod niya na lang ang aking nakita. Nagsisi tuloy ako na hindi man lang tinignan ang mukha niya kanina


“Anong nangyari, Hija? Bakit nasa lapag ka?”

Nalipat ang tingin ko kay Tita ng magtanong siya. Nakaka alangan pa rin na tawagin siyang Tita. Hindi naman kasi kami magka-anu-ano at lalong hindi magka level. Mas maganda nga sqnag Madame na lang e. Pero siya kasi itong mapilit

“Ano po kasi...nagmamadali po kasi akong naglakad tapos hindi ko po napansin na parating po yung anak niyo, kaya nabangga ko po siya” paliwanag ko sa nangyari. Nagulat ako ng bigla itong sumeryoso


“Did he see your face?” Tanong niya. Bakit tila yata napakaseryoso niya. Ano bang mangyayari kung nakita ng lalaking 'yon ang aking mukha


“Uhm. Hindi ko po alam kung nakita niya po. Bakit po?” sagot ko. Hindi naman kasi ako sigurado kung nakita niya ba ang mukha ko. Pero sa oalagay ko naman ay hindi dahil nakayuko lang ako 'diba?


“Nothing. Maybe he didn't. Kasi kung oo. He will not leave you here” Aniya. Hindi ko masiyadong naintindihan Yung huli niyang sinabi dahil halos pabulong niya na lang 'yon na binanggit


“Balik na tayo sa kanila” pag Aya nito. Tumango na lamang ako


Bago kami nagsimulang maglakad ay tumingin pa ito sa itaas. Halata sa kaniyang mga mata ang lungkot. Siguro ay hindi sila magkaayos nung anak niyang 'yon.



PASADO alas Dose na ng gabi ng matapos ang aming pagku-kwentuhan. Ngayon ay narito na ako sa loob ng kwarto na aking tutuluyan ngayong gabi.


Sobrang manghang mangha nga ako e. Halos kasing laki lang kasi nitong kwartong ito ang Bahay namin sa La Union

“Okay ka lang ba Dito, Sari?”


Napatingin ako Kay Miss Mac ng sumilip siya sa pintuan. Nakalimutan ko pala yon na isara. Tuluyan siyang pumasok at umupo sa aking tabi


Tumango ako sa kaniya“ Ayos lang po. Nakakahiya nga po e. Napakaganda nitong Silid. Nakakatakot baka madumihan ko” Saad ko. Mahina naman itong natawa


Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon