CHAPTER 49

533 41 10
                                    

SARINA'S POV

Ilang Araw lang na-confine si Darill sa Hospital. Ngayon ay malakas na ito at pwede na daw kaming umuwi ayon kay Doc Dim

Nauna ng bumalik ng Maynila ang Mag-asawa kaninang umaga. May aasikasuhin pa daw kasi sila Tita. Si Miss Mac naman ay kahapon pang bumalik ng Maynila dahil may trabaho pa ito. Nagsimula na kasi ulit ang kaniyang shoot

“Ang saya ko Nay, sa kotse ni Tatay tayo sasakay, tapos kasama pa natin siya” masayang sabi ni Dara at mukhang excited pa.

Inalalayan ko naman si Darill bumaba sa Hospital bed nito. Tapos ko na siyang bihisan ng damit. Naayos ko na rin yung mga gamit namin. Hinihintay na lang namin si Sir Deron dahil sa kaniya daw kami sasabay pabalik ng Maynila.

“Sa Bahay niya na ba tayo titira, Nay?” Tanong ni Darill. Tipid naman akong ngumiti sa kaniya

Sa ilang Araw na pananatili namin rito sa Hospital at magmula rin noong pumunta rito si Sir Deron, ni minsan ay hindi ito umalis sa aming tabi lalo na sa dalawang bata. Siya ang nagbabantay at nag-aalaga kay Darill at Dara. Nagpapaka-ama talaga siya sa dalawa. Tuwang-tuwa rin naman ang kambal sa kaniya. Bukod kasi kay Kuya Sander ay si Sir Deron pa lang ang lalaking nagpaka-Ama sa kanila

Kinausap na ako ni Tita. Sabi nila na sakyan ko na lang daw muna si Deron dahil may naiisip na daw silang paraan para maging maayos ang lahat. Kapag hindi naman daw naging okay yung gagawin nila, sila daw ni Sir Waze ang tutulong sa amin para makalayo kay Sir Deron. Naniniwala at umaasa naman ako sa kanila

“Wala pa ba si Deron?”

Kaagad kong nilingon si Doc Dim ng pumasok ito. Mabilis siyang lumapit kay Darill at nakipag fist bomb dito. Medyo close na rin kasi sila. Si Dara na lang talaga ang medyo ilag sa kaniya pero sobrang dikit naman pagdating kay Sir Deron

“Wala pa Doc. Ang sabi niya ay may aayusin lang siya sandali. Babalik din daw siya kaagad” sagot ko sa kaniya

“I'm happy to see my brother alive again, Sari. In past years since Acacia died, ngayon ko na lang ulit nakita ang dating siya. The old him. Dati buhay nga siya but he seemed dead. And now, he looks happy and alive again and that is because of you Sari. Thank you for bringing him back” Saad niya ng nakangiti

“Si Acacia po ang dahilan Doc. Nakikita niya sa akin si Acacia dahil sa pagkakapareho ng aming Mukha kaya po siguro siya bumabalik sa dating siya” sagot ko naman. Iyon naman ang totoo. Baka nga kung hindi ko kamukha si Acacia, Wala lang ako para sa kaniya

“Can I ask you a favor, Sari?” anito. Tumango na lang ako. Wala akong karapatan para tumanggi. Utang ko sa kaniya ang buhay ng aking anak

“Can you stay with him.... forever?” aniya.

“Po?” pag-uulit ko dahil baka namali lamang ako ng dinig

Magsasalita na sana ulit siya ng biglang bumakas ang pinto. Sabay na bumaling ang aming tingin sa taong pumasok. Agad na dumapo ang masama nitong tingin kay Doc Dim

“ITAY!” Mabilis namang tumakbo ang dalawang bata at yumakap kay Sir Deron kaya nawala ang masama nitong pagkakatingin sa kapatid. Umupo siya at ginantihan ng yakap ang dalawa

“How's my princess and my prince doing?” Tanong nito. Napalabi naman si Dara

“Tatay naman e. No English. Tagalog o kaya Ilokano lang po” nakangusong turan ni Dara. Napatawa naman ng mahina si Sir Deron at saglitang dinampian ng halik ang nakangusong labi ni Dara

“Patawad Mahal kong prinsesa. Nakalimutan ni Tatay. Okay. No English na” nakangiti nitong sagot saka pinisil ng mahina ang ilong ni Dara. Hindi na ako nagulat ng wala itong naging reklamo. Kapag ibang tao ang gumawa niyan sa kaniya, siguradong gagana ang pagmamaldita niya, pero kapag si Sir Deron parang natutuwa pa siya

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon