CHAPTER 38

431 19 5
                                    

MACARINE'S POV


Pabalik na ako sa Set. Nagsend lang naman kasi ako ng pera doon sa pinsan ko. Nanghingi na naman kasi. Hindi ko naman siya pwedeng hindi bigyan. I owe him big-time, kaya naman when he needs money from me, I had no choice but to give him.

Pagkarating ko sa set ay sermon kaagad ang nakuha ko mula kay Direk. Kanina pa daw Kasi nila ako hinihanap. Nagpaliwanag na lang ako sa kaniya. Hinanap ko naman si Sarina, dahil sabi ko sa kaniya ay sabihin niya na aalis lang ako sandali.

“Nasaan si Sarina, Kat?” Tanong ko kay Manager Katrina. Kat lang talaga tawag ko sa kaniya, kapag kami lang dalawa. She's my friend noong college

“Ewan. Di pa naman siya bumabalik mula ng umalis kayo kanina” she answered. Kumunot ang noo ko. Wait, what? Hindi pa siya bumabalik. But I told her na mauna na-oh wait.

Napatampal ako sa aking noo. You're an id*ot Mac. Maybe hindi niya alam ang way pabalik, at naligaw  siya. Sh*t!

“Pakisabi kay Direk na may hahanapin lang ako sandali. Give me 5 minutes”

Hindi ko na siya hinintay pang makapag salita at mabilis na tumakbo palabas. Luckily suot ko pa ang mask, shade at cap ko for my disguise. Kinuha ko ang phone ko to locate her GPS. Mabuti na lang I gave my other phone sa kaniya kanina kaya madali ko lang siyang malolocate.

Nang makarating ako sa place na kinaroroonan niya ay nagulat pa ako ng makita ang pamilyar na bulto ng tao sa harapan niya

“Dashwen?”

Tama ba ang nakikita ko? He's here. Nakabalik na pala siya from Paris. Sa pagkakaalam ko ay doon na sila maninirahan ni Dimitri. Why is he here?

Mabilis akong naglakad palapit sa kanila, Lalo na sa pwesto ni Sarina. I removed my disguise para makilala nila ako

“Atty. Escoffier” pantawag atensiyon ko sa kaniya. Grabe kasi ang pagkakatitig niya kay Sarina. Hindi ko naman siya masisi, Ikaw ba naman nakita ang taong kamukha ng babaeng mahal ng kapatid mo na namatay na 6 years ago, hindi ka ba matutulala

Bumaling siya sa akin na tila gulat parin “Do you see her?” Tila hindi makapaniwalang itinuro niya si Sarina. Tumango naman ako

“You knew about this? You knew she's alive?” he asked again. Baka iniisip nitong itinago ko sa kanila na buhay si Mamci Aca because of Sari

“No. Nagkakamali ka. She's not Acacia. She's Sarina, my new PA” pagtatama ko

“Tama po si Miss Mac. Sarina po ang pangalan ko. Kinagagalak ko po kayong makilala Atty. ” sabat naman ni Sari na may pag galang

“Wait. Sarina?” His forehead furrowed out of confusion

“Yes. She's Sarina Soriano. She's not Acacia” mahinahong sagot ko sa kaniya. Wala naman na itong naging imik, pero muli niyang tinitigan si Acacia

“You really look like her” he murmured

Napabuga na lamang ako ng hangin. Kung si Dashwen ganito ang naging reaksiyon Ng makita si Sari. Paano pa kaya Sina Tita, si Broccoli, at lalong lalo na si Deron.

“I'm sorry but we need to leave na. It's nice to see you again, Atty.” paalam ko dito. Tumango ito ng hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig kkay Sarina


SARINA'S POV


Sino ba kasi yung Acacia. Bakit nila ako tinatawag na siya, una si Miss Mac tapos kanina naman yung poging Atty.

Bigla tuloy akong nagka-interes na malaman kung sino ba ang Acacia na 'yon. Magka-mukha ba kaming dalawa

Pauwi na kami ngayon ni Miss Mac sa Condo niya. Inabot kami ng gabi dahil nagpa-ulit ulit ang pag-take nila sa Isang scene. Mukhang nawala sa concentration si Miss Mac kaya hindi niya mai-deliver na maayos ang mga linya niya

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon