CHAPTER 36

354 14 1
                                    

THIRD PERSON'S POV



“May nahanap na akong magiging bagong PA mo, Hindi nga lang ako sigurado kung pasok siya sa standards mo” balita ng Manager ni Macarine na si Katrina.



“It's fine with me, as long as hindi siya kagaya ng mga previous PA's ko” sagot dito ni Macarine na abala sa pagbabasa ng kaniyang script para sa teleseryeng kaniyang gagawin


“Mukha namang hindi. Galing siyang probinsya at kakilala ko ang nag-recommend sa kaniya” sagot ni Katrina. Tumango-tango lang naman si Macarine


“I hope so. I really need someone to be on my side now” anito


“Sa lunes ko na lang siya papupuntahin rito para makapag ready pa siya, at makapag paalam pa ng maayos sa mga anak niya” Saad ni Katrina. Napukaw naman nito ang atensiyon ni Macarine. Tumigil ito sa pagbabasa ng script at hinarap ang manager


“Anak?” she asked


“Yeah. My friend said na may anak 'yon na kambal. At kailangan na kailangan niya daw ng trabaho para sa isang kambal. May sakit yata yung isa” kibit-balikat na sagot ni Katrina


“Kawawa naman. Dadagdagan ko na lang sweldo niya for her child medicine” Saad ni Macarine. Napangiti naman ang Manager nito


“You're so Kind. Swerte ng magiging boyfriend or asawa mo. Swerte ni Deron sayo” Biro ni Katrina. Napairap naman siya


“Deron isn't my boyfriend, okay. Imbes na walang issue, kayo gumagawa e” sermon niya dito. Natawa na lang ang manager nito


Mabuti na nga lang at hindi nagiging issue sa mga tao ang palagi nilang pagsama ni Deron. Siguro ay marahil alam ng mga tao ang ugali ni Deron. Ang pagiging snob nito.


Kahit snob at masungit, Deron was known in business field as a young successful business Man in the world. Palagi siyang nasa mga Magazine, News, at Newspaper. Pero bukod doon, the reason why kung bakit siya nakilala ay dahil sa pagiging loyal nito sa babaeng hinihintay niya, Kaya marahil ay walang nag li-link sa kaniya kay Macarine. Kahit madalas silang magkasama. Walang nagtatangka.


“Anyway, do you have the girl's information, Yung magiging PA ko” Tanong nito sa kaniyang Manager


“Yes. Wait kukunin ko” Tumayo si Katrina at lumapit sa Isang mini Drawer. Binuksan nito ang itaas na bahagi at kinuha ang isang folder. Pagkakuha ay bumalik siya sofa katabi ni Macarine


“Here”


Mabilis naman 'yong inabot ni Macarine at agad na binuksan.


“Sarina Soria-” Natigil ito sa pagbasa ng pangalan na nakasulat ng mapatingin ito sa 2x2 Picture na nakatidikit sa itaas na bahagi. Tila umatras ang kaniyang dila at saglitang natulala


“Uy Mac, may problema ba?” untag sa kaniya ni Katrina na nakapag-balik sa kaniya sa wisyo.


“May problema ba? Bigla ka yata natulala diyan sa papel?” Muling tanong ni Katrina sa kaniya. Umiling naman ito at ibinalik ang papel sa folder


“Wala. Parang may kamukha lang kasi yung nasa picture” sagot nito. She can't explain what she is feeling right now. Parang may biglang naging kakaiba the moment she saw the picture of the girl


“Okay. But honestly, ang ganda ng magiging bagong PA mo. Sayang lang at batang Ina. Kaedad mo nga lang yata siya” Saad pa ni Katrina. Hindi naman umimik si Macarine at muling kinuha ang Resume ng magiging bago nitong PA


Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon