CHAPTER 55

550 27 2
                                    

SARINA'S/ACACIA'S POV


Isang buwan na ang nakalipas magmula ng malaman namin ang tungkol sa totoo naming pagkatao ni Kuya Sander. Ngunit kahit naging malinaw na sa amin ang lahat ay walang nagbago sa amin. Lalo na sa pakikitungo namin sa isa't isa. Totoong magkapatid pa rin ang turingan naming dalawa.

Paunti-unti ay natatanggap na namin ni Kuya ang totoo naming pagkatao at buhay. Nasasanay na rin akong tinatawag sa pangalang Acacia. Nakilala na rin ni Kuya ang totoo niyang pamilya. Ako naman ay wala ng pamilyang kikilalanin pa dahil ang sabi ni Tita Denice ay namatay na daw ang Papa ko dalawang taon makalipas nong ilibing nila ang inakala nilang bangkay ako. Tungkol naman sa tunay kong Ina, wala rin silang alam kung sino nga ba siya. Ang sabi ni Kuya Dwight ay nagpa-imbestiga pa sila ngunit wala rin naman daw silang nalaman. Pero malakas ang kutob ko na yung ginang na nakausap ko noon sa Parke ang totoong kong Ina. Hindi man siya umamin ay ramdam ko na siya sa pamamagitan ng lukso ng dugo


Ngayon ay narito kami sa isang Beach resort dito sa Batangas na pagmamay-ari ng pamilya Escoffier. Sina tita Denice ang nagplano nato para maging bonding daw naming lahat


Kasama rin namin si Inay at sa amin na rin siya nakatira. Ng maging okay na kami ay sinundo siya ni Kuya sa La Union at isinama na rito. Hindi na siya nakatanggi pa dahil sinabi ni Kuya na magagalit siya sa kaniya kapag hindi siya sumama


Nakaupo pala ako sa isang upuang kahoy dito sa dalampasigan habang tahimik na nakatingin sa kanila na masiyang nag-iihaw ng mga Isda. Kompleto ang pamilya Escoffier. Narito rin si Miss Mac at pati na rin ang Manager niya na si Miss Katrina. Si  Inay naman ay masayang nakakaipag-bonding kay Tita. Nakakatuwa nga dahil balae na ang tawag nila sa isa't isa


“May kasalanan ka sa'kin” bigla nitong bulong sa akin saka yumakap sa aking likod. Ipinatong pa nito ang baba sa aking balikat Tumingin ako sa kaliwang side para matignanang kaniyang mukha


Bati na rin pala kaming dalawa. Isang linggo niya rin akong sinungitan noong minsan na binito ko siya na may iba akong minahal. Siya rin naman unang nakipagbato dahil para daw siyang mamamatay ng hindi ako kinakausap


“Ano naman 'yon?” tanong ko sa kaniya. Humarap naman siya sa akin kaya muntikan ng magtama ang aming mga labi. Saglit kaming nagtitigan bago ko naramdaman ang mabilis na pagdampi ng kaniyang labi sa akin. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang labi matapos niya akong halikan


“Anong kasalan ko ang sinasabi mo?” ulit kong tanong sa kaniya. Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap nito sa akin


“6 years ago. I almost killed someone because of jealousy” panimula nito “Alam mo bang halos mamatay ako noon sa selos dahil kay Asi tapos malalaman ko na magpinsan lang pala kayo” aniya. Natawa naman ako sa sinabi niya


“Noong isang linggo mo pang nalaman na magpinsan kami. Bakit ngayon ka lang umaatungal diyan” Natatawang singhal ko sa kaniya. Kaya pala halos isang linggong hindi maipinta ang Mukha niya


Noong isang linggo ko nga lang din nalaman na pinsan ko pala si Kuya Sander or si Asi. Nakausap kasi namin ni Kuya yung isa sa mga pinsan namin. Kasama ko si Deron noon kaya narinig niya rin ang mga pinag-uusapan namin. Tapos napansin ko na tila naging balisa na siya ng halos isang linggo. Mukhang ngayon lang nag-sink in sa utak niya na magpinsan kami ni Kuya


“I just...I just can't believe it. Imagine, hindi pa man nangyayari yung aksidente pero matagal ko na siyang pinatay sa isip ko dahil sa matinding selos ko” Saad niya


“Bakit ka ba kasi nagselos. Ikwento mo naman sa akin. Wala akong maalala Diba?” Saad ko.

“Wag na. Ayoko ng balikan ang mga nakakainis na Araw na yon. Hindi na rin naman yon mahalaga. What important now is, panatag na ang loob ko. Wala na akong kaagaw sa'yo”

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon