CHAPTER 42

439 23 8
                                    

SARINA'S POV




Gaya na araw-araw kong ginagawa, Maaga akong nagising kinabukasan o tamang sabihin na hindi ako nakatulog dahil sa mga nangyari. Buong gabi kong pinag-isipan kung tama lang ba ang naging desisyon ko. Tama ba na pumayag ako sa pakiusap ni Miss Mac.

Haist Bahala na!


Pagkatapos kong naghilamos ng aking Mukha ay lumabas na ako ng aking silid. Did  na sana ako sa kusina para maghanda ng umagahan, ngunit nagitla ako ng bigla na lamang may yumapos sa akin mula sa likuran

“Good morning, my life”

Gumuhit sa aking batok ang mainit nitong hininga. Ang lambing mula sa tinig nito ang siyang nakapagpalambot ng aking mga tuhod. Ngunit kaagad ding nanlaki ang aking mga mata ng makilala ko ang boses niya. Siya yung lalaki kahapon.


Mabilis akong pumihit paharap sa kaniya. Bumungad kaagad sa aking paningin ang guwapo nitong Mukha. Yumuko siya ng bahagya para magpantay ang aming mga Mukha. Napalunok na lamang ako

Kahit saang anggulo. Napaka- guwapo Ng lalaking 'to. Kaparehas nito ng Mukha ang Attorney at ang Doctor na si Doc Dim. Pero para sa akin, mas gusto ko si Doc Dim.

“You can't remember me now, but I will make you remember me later” aniya saka dumiretso ng tayo.

Napatingin ako sa kaniyang kamay ng abutin nito ang aking Mukha. Marahan nitong hinaplos ang aking pisngi “You became more beautiful, My Acacia, mylife” aniya kasabay ng pagsilay ng isang ngiti sa kaniyang mga labi


“Can I hug you?” Tanong nito. Hindi pa man ako nakakasagot ay hinapit na ako nito sa aking beywang saka ikinulong sa mga bisig niya.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na narito ka na. Na nakikita na kita at nahahawakan” aniya saka mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Tila may sariling isip naman ang aking mga kamay dahil kusa silang yumakap pabalik sa lalaki

“I love this feeling. I love you, mylife” sambit nito. Humiwalay ito sa akin at hinawakan ang aking kamay “Come with me” aniya saka ako hinila


“T-teka sa...san mo ako dadalhin?” kinabahan kong tanong. Saglit naman siyang huminto para lingunin ako

“I wanna show you something” sagot nito. Teka, ano daw?

Wala na akong nagawa ng tuluyan na ako nitong mahila palabas ng Condo unit ni Miss Mac. Mabilis din kaming nakasakay ng Elevator pababa sa ground floor. Pagbukas ng elevator ay muli nitong hinawakan ng mahigpit ang aking kamay, animo'y takot ito na mabitawan ako


Nagtataka ako sa sarili ko ngayon kung bakit hindi ko man lang magawang pigilan siya. Oo guwapo ang lalaking 'to, at aaminin ko na mahilig ako sa mga guwapong lalaki, pero hindi kami magkalevel. Mayaman siya at alalay lang ako.


Napaawang na lang ang bibig ko ng makita ko ang klase ng sasakyan na meron siya pagkarating  namin sa parking Lot. Hindi maipagkakaila ang yaman nitong taglay dahil sa makintab at mukhang mamahalin niyang sasakyan.

“Get inside” utos nito sa akin pagkatapos niyang buksan ang pintuan ng kotse niya. Sumunod na lang ako. Pagpasok ko ay umikot naman siya patungo sa driver seat

Mabilis akong napalayo ng bigla siyang lumapit sa akin. Pinigilan ko rin ang aking paghinga dahil baka maamoy niya ang hininga ko na wala pang toothbrush. Nakakahiya!

“I'll just put you this” aniya saka ako nilagyan ng seatbelt. Oo nga pala. Kailangan ko nga palang ikabit 'yon. Nasanay kasi ako sa Van ni Miss Mac na hindi na kailangan pang mag suot ng seatbelt.


Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon