CHAPTER 12

1.9K 30 0
                                    

Third Person



Magkakasama na naman silang lahat na nakaharap sa napakahaba nilang lamesa. Ang pinagkaiba lang ay hindi sila kompleto ngayong gabi. Wala sina Dwight dahil nasa Hong Kong ito kasama si Drace at ang asawa nitong si Fierre. Yung dalawang bata naman ay nasa mga Lolo at Lola nila every weekend.


“So, bago tayo magsimulang kumain, pag-uusapan na muna natin ang about sa kasal niyo, Hija at hijo” Panimula ni Denice at pasimple pang sumulyap sa pwesto ng anak nitong si Deron na tahimik lang na nakaupo.


“What about our wedding po?” tanong naman ni Asi saka sandaling sinulyapan ang pinsan nito na kanina pa nakakunot ang noo at panay ang pagkuskos sa ilong. May kakaibang amoy na naman kasi itong naaamoy.  Nakakainis! Bakit ba kasi ang weird ng pang-amoy niya


“Well....gusto sana namin ng Tito Waze niyo na after ng kasal niyo ay gumawa na kaagad kayo ng baby para naman magka-apo na kami” Seryosong sagot ni Denice na siyang ikina-ubo ng tatlong lalaki. Sina Asi, Dimitri at Deron.


“What's wrong? Wala naman kayong iniinom bakit kayo nasamid?” puna ni Denice sa dalawa nitong Anak na mabilis na nag-iwas ng tingin sa kaniya. Nangingiting napailing naman si Waze dahil sa Asawa nito. Pinagmasdan nito ang dalawang Anak saka lihim na napangisi.


“So, back to our topic hmmm....Deron hindi ba't may kaibigan kang nagdedesign ng mga wedding dress, why don't you introduce Acacia to her. Siya na lang ang gagawa ng Wedding gown ni Acacia, what do you think Hija and hijo?” bumaling ito kay Acacia na tila hindi nakikinig sa usapan. Para itong may sariling mundo. Iniisip kasi nito kung saan makakakuha ng hilaw na strawberry dahil parang gusto niyang kumain ulit 'non. Nanlalaway na naman kasi siya. Nahalata naman ni Asi ang pagiging tulala nito kaya lumapit siya sa tainga nito at bumulong.


“Are you not feeling well? Kinakausap ka ni Tita” tanong ni Asi. Mukhang natauhan naman si Acacia at mabilis na lumingon sa kaniya. Sa sobrang lapit ng kanilang Mukha ay kamuntik ng maglapat ang mga labi nila. Magkasunod na napalunok si Asiai bago ito mabilis na lumayo ng kaunti. Pasimple namang kumuyom ang mga kamao ni Deron na nakatago sa ilalim ng lamesa, ngunit ng mapagtanto nitong nakatingin ang kapatid niyang si Dashwen sa kaniya ay mabilis itong tumayo.

“Where are you going? Go back to your seat young man!” ma-otiridad na utos ng kaniyang Ina.


“Umiiwas ka ba sa topic namin, huh? Are you jealous?” dagdag pa nito na ikinatigil niya.


“No. I'm not. Why would I?” kalauna'y sagot nito saka padabog na bumalik sa pagkaka-upo. Iritadong sinulyapan ang lalaki sa katapat niya.

“Then stay and help us sa pagpaplano ng kasal nila. Parang anak ko na si Acacia kaya dapat tumulong tayo sa kanila, right Darling?” saad muli ni Denice saka bumaling sa kaniyang Asawa. Natatawang tumango lang naman si Waze habang nangingiti  naman ang isa nitong Anak na si Draviz. Samantalang tahimik lamang si Dimitri at Dashwen, ngunit kapansin pansin ang kakaibang emosyon na ipinapakita ng mga mata ng isa.



Acacia

Matapos ang eksena nila Tita at Deron kanina ay naging tahimik na kami. Nagsimula na rin kaming kumain. Nalilipad ang isip ko sa iba't ibang bagay gaya na lamang ng mga prutas. Para kasing gusto kong kumain ng maasim ngayon. Gusto ko yung hilaw na strawberry o kaya nama'y magpapak ako ng lemon. Gad! Naglalaway talaga ako!


“Uhm Tita?” Hindi na ako makapag-tiis. Huminto siya sa pagsubo at tumingin sa akin

“Yes, hija?”

“Uhm...may lemon po ba kayo?” nahihiyang tanong ko. I really can't take it.

“Yes Hija. Wait papakuha ko kay Manang....Manang Fe pakuha naman ng lemon sa Fridge” Baling nito kay Manang Fe na nakatayo sa side.


Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon