CHAPTER 48

596 31 3
                                    

THIRD PERSON'S POV

“What? Ipapa-DNA test niyo ang mga Anak ni Sarina At si Deron? Why?” Dimitri asked his Mom. Gulat na gulat ito sa sinabi ng Ina

“Malakas kasi talaga ang kutob ko Anak. Sari is Acacia. At mapapatunayan ko lang 'yon kapag ipina-DNA ko ang kambal at si Deron” His Mom replied. Sandali itong natigilan at nag-isip

Honestly, maging siya ay kinukutoban din tungkol kay Sari at sa mga Anak nito. Pakiramdam niya ay hindi coincidence ang mga nangyayari. The moment his eyes laid on Sari's face the first time they met, he immediately felt Acacia's presence upon her. Pakiramdam niya ay si Acacia talaga ang kaharap niya. But he just ignored it, dahil ayaw na nitong gulohin pa ang nananahimik na kaluluwa ng dalaga. Pero may pagkakataon rin talaga na hindi niya maiwasan isipin at tanungin sa kaniyang sarili kung bakit magkamukhang-magkamukha si Sarina at Acacia

“How Mom? Paano kayo makakakuha ng DNA sample ni Deron?” he asked. After what happened 6 years ago naging malayo na ito sa kanila kaya paano sila makakahingi ng sample nito “And, Nakita na ba ni Deron si Sari? Did they meet?” Tanong pa nito. Umiling naman ang kaniyang Ina

“I don't know Son. Pero sigurado ako, once Deron finds out about Sarina's existence, he'll think the same way. Baka nga, kunin niya pa si Sarina. You know your twin brother” sagot ni Denice “Kaya I want to ask for your help. Hindi ba't nakakausap niyo pa rin siya ni Dashwen. Meet him para makakuha tayo ng sample niya, hair or kahit na anong pwedeng gamitin for DNA. Hindi ako mapapalagay hangga't hindi ko mapapatunayan ang aking kutob” dugtong pa nito.

“Bakit sa kaniya. Why don't you use yours?” Tanong ni Dimitri. Huminga naman Ng malalim ang kaniyang Ina “Naisip ko na 'yan. Pero mas maganda pa rin kung DNA ni Deron ang gagamitin” dagdag nito

Dimitri heaved a sigh “Okay. I will call him later and try to get a DNA sample from him. I hope it'll help Mom” sagot nito. Ngumiti naman ang kaniyang Ina

“Nasisiguro ko Anak. Positive ang magiging result. Naniniwala ako sa instinct ko” Saad pa ni Denice. Tipid na lang na ngumiti si Dimitri

“Pupunta pala ako kina Sari to check up on Darill, gusto niyong sumama? Let's just leave Dad here” Tanong nito sa Ina. Tumango naman si Denice saka nilingon ang asawang natutulog sa hospital bed ng clinic ni Dimitri “Okay” sagot nito saka tumayo.

Magkasabay na silang lumabas ng clinic at saka kaagad na tinungo ang silid ng anak ni Sarina. Pagpasok nila ay parehong silang nagulat sa senaryong kanilang nadatnan

“Deron, Anak?” gulat na sambit ni Denice. Hindi nito akalain na madadatnan ang anak sa silid ni Darill. Paano ito nalaman na narito sila

Binalingan naman siya ng tingin ni Deron. Kumunot ang noo nito kasabay ng unti-unting pagkuyom ng kaniyang mga kamao. Why his mother is here? Was she knew about Sarina and the kids?

“Even you, Mom? You knew about them?” bakas sa tono nito ang matinding disappointment sa Ina. Pakiramdam ni Deron ay muli siyang pinagkaisahan ng pamilya. Sunod niyang binalingan ng tingin ang kakambal nitong si Dimitri “Pati ikaw” aniya. Seryoso namang tumingin sa kaniyang mga mata si Dimitri

“So all this time. Niloloko niyo ako” anito. Bakas sa tono ng kaniyang boses ang pinaghalong lungkot at galita

“What are you saying?” Takang tanong naman ni Dimitri sa kaniya.

“Stop pretending Dim. Alam mo kung ano ang sinasabi ko” puno ng diing saad ni Deron. Pilit pinapakalma ang sarili dahil ayaw nitong makagawa ng bagay na magiging dahilan para matakot sa kaniya ang mga anak

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon