CHAPTER 30

1.6K 42 3
                                    

Dati, I don't get those pregnant women that were crying while watching their babies through ultrasound. But now, I understand them. I understand what they felt the moment they saw their unborn child through this machine. Dahil nararamdaman ko iyon ngayon


Ramdam ko ang mga luhang dumadaloy sa aking Mukha habang nakatingin sa monitor. I can see my baby's move and I can hear the heartbeat. Magdadalawang buwan pa lang yung tiyan ko pero pakiramdam ko nanay na nanay na ako. Ganito pala yung feeling kapag Nanay ka na. Mas masarap pa sa masarap. Excited na tuloy akong lumabas ang baby ko. I really want to meet him/her as soon as possible. Excited akong maging Mommy sa kaniya

“Do you want to know your baby's gender?”

Biglang tanong ni Dra. Brent sa akin. Lihim kong pinunasan ang mga luha ko bago tumingin sa kaniya at umiling

“Hindi na po Dra. Gusto ko pa kasi na surprise yung gender ng magiging baby ko paglabas niya” sagot ko saka hinaplos ang tiyan ko. Ngumiti naman ito sa akin at saka bahagya ring hinaplos ang aking tiyan

After ng ultrasound ay may ginawa pang ibang test sa akin si Dra. Brent. Sinigurado niya na malusog at healthy ang baby na nasa tiyan ko.


“I bought fruits nga pala kanina bago ako pumunta rito. Gusto ko sana 'yong ibigay sa iyo for you at sa baby mo” anito saka kinuha ang fruit basket na may lamang iba't ibang uri ng prutas sa ibaba ng table niya. Iniabot niya iyon sa akin


“Naku Doc, nag-abala pa po kayo. Pero salamat po” nakangiti kong tugon saka kinuha ang basket.

Honestly, medyo weird ang dating sa akin nitong si Doktora Brent. Ewan ko ha, pero kasi yung klase ng pag-aasikaso niya sa akin as her patient is very unusual. Hindi katulad ng dating Ob-gyne ko na very normal lang yung relationship namin as Doctor and patient, very professional. Pero itong si Dra. Brent she's acting like a mother more than a Doctor. The way she takes care of me, para akong anak niya.

“May kasama ka bang pumunta rito?” tanong nito. Mabilis naman akong umiling “Uhm, Wala po”

Wala naman kasi akong pwedeng isama dahil hanggang ngayon ay wala pa ring paramdam si Asi. Wala naman kasi akong kilala sa relatives namin bukod sa Mama niya na matagal ng nasa langit kaya wala akong ibang mapagtanungan. Hindi ko rin kilala yung Daddy niya. Honestly, marami pa akong hindi alam kay Asi. Ang bukod tanging alam ko lang talaga ay magpinsan kaming dalawa.

“How about the father?” muling tanong ni Dra. Brent kaya nabaling ulit sa kaniya ang atensiyon ko

“Wala po siya. Nasa La Union po e” sagot ko. Bukas pa ang libing ng Lolo nila Deron kaya baka next week pa sila babalik.

Tapos na rin ang exam namin at next week ay magiging abala na kami para sa pagpa-practice ng graduation namin. Excited na rin akong grumaduate.

“So, nag-commute ka lang papunta rito?” she asked again

“Opo”

“God! You shouldn't—uhm I mean, mahirap ang mag-commute lalo na't buntis ka” anito. Medyo nagulat pa ako sa naging reaksiyon niya tungkol sa pagko-commute ko.


“Wala naman po akong choice Dra. Wala rin naman po kasi akong sariling sasakyan” Saad ko

“Uuwi ka na ba pagkatapos mo rito. Pwede kitang ihatid sa bahay mo” presinta niya

“Naku hindi na po! Maaabala ko lang po kayo. Tawagan ko na lang po siguro yung isa sa mga Kuya ko para sunduin ako. Salamat na lang po Dra.” pag-tanggi ko

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon