CHAPTER 51

508 30 6
                                    

SANDER'S POV

“Ayaw mo ba talagang tikman muna ang babaeng yon bago man lang natin ibigay Kay Boss”

Mabilis kong hinawakan ang kwelyo ng damit ni Jason saka siya itinaas. Nagngi-ngitngit ang aking mga ngipin sa galit

“Sinabi ko ng wag mo siyang gagalawin” buong pagbabanta ko sa kaniya. Baguhan man ako sa grupo nila, pero wag nila akong kakantiin.

“Okay, easy lang. Alam ko namang wala akong laban sayo dahil mas malaki ka sa akin. Nagbibiro lang naman ako. Masiyado kang seryoso” sumusukong saad nito. Buong lakas ko naman siyang binagsak dahilan para siya ay mapaupo

Gulong-gulo na nga ang isip ko dahil sa pinag-gagagawa ko tapos hihirit pa siya ng ganyan. Hindi ako masamang tao gaya nila. kaya huwag nila akong itutulad sa kanila na mga halang ang kaluluwa

“Alis” pagtataboy ko na kaagad niya namang sinunod.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga saka sumandal sa dingding. Kinuha ko ang sigarilyong nasa aking bulsa saka sinindihan ng aking lighter bago nagsimulang humithit

Iniisip ko kung anong mangyayari kay Macarine sa oras na makuha na siya ni Boss Lin. Pakiramdam ko ay paunti-unti akong nilalamon ng konsensya lalo na ng makita ko kung paano siyang magmakaawa kanina sa akin. Muli akong humithit sa sigarilyo saka yon itinapon sa gilid

Tinungo ko ang kusina nitong bahay na pinagtataguan namin para kumuha ng pagkain. Paniguradong gutom na siya

Pagkakuha ay dumiretso na ako sa silid kung nasaan siya. Nadatnan ko siyang natutulog habang nakasandal sa ibaba ng  kama kung saan siya itinali ni Jason. Ibinaba ko ang Plato ng may lamang kanin at ulam sa lamesa na nasa gilid saka dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya. Pinagmasdan ko ang napakaganda at napaka-amo niyang Mukha. Hindi ko na napigilan ng kusang umangat ang aking kamay at hinaplos ang kaniyang Mukha.

“Ang ganda mo talaga”

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti lalo na't nakikita at nahahawakan ko na siya ng malapitan. Dati ay isa lamang pangarap ito para sa akin at kuntento na akong napapanuod lamang siya sa telebisyon. Pero ngayon, heto na siya sa aking harapan

“Patawad”

Mula sa kaniyang noo ay dahan-dahan kong inilandas ang aking mga daliri pababa sa kaniyang mga matang tila bituing ngumikislap sa tuwing siya ay nguminguti, pababa sa maliit ngunit matangos nitong ilong hanggang sa bumaba ang aking hintuturo sa kaniyang malambot na mga labi. Napakaganda.

Talagang wala ng pag-asa na mapasa-akin siya. Dahil alam kong pagkatapos nito. Kamumuhian niya ako

Tinapik ko ng marahan ang kaniyang Mukha para gisingin. Dahan dahan naman siyang nagulat saka tumingin sa akin.

“Kumain ka na muna” Saad ko saka tumayo para kunin ang pagkaing inilapag ko sa lamesa kanina. Pagkakuha ay bumalik ako sa pwesto niya at inilapag iyon sa harapan niya. Tinanggal ko din sa pagkakatali ang kaniyang mga kamay para makakain siya

Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita dahilan ng aking paghinto

“Masaya ka ba?”

Nilingon ko siya ng may pagtataka. Nakayuko lamang siya

“Masaya ba kapag gumawa ng masama. Masaya ba kayo kapag nakakasira kayo ng buhay ng ibang tao” Saad nito saka tumingin sa akin. Puno ng hinanakit ang mga mata nitong dati ay puno ng saya at kislap. Natigilan ako. Hindi makahanap ng salitang isasagot sa kaniya

“Ng dahil sa pera 'diba? Kahit na makasakit kayo wala kayong pakialam. Dahil halang ang inyong mga kaluluwa. Hindi ko alam kung bakit hinahayan ng diyos na mabuhay kayong masasama” muli nitong saad. Gumuhit ang kirot sa aking dibdib dahil sa mga binitawan nitong salita

Chasing Series #1: OUR YESTERDAY'S SHADOWS ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon