Chapter 8 - Saying I Love You-
Winter's POV
"Pwede ba kitang ligawan?! Pwede ba kitang ligawan?! Uwaaaa! Pwede ko na siyang patayin! Tangina! Nahalikan ako ng taong hindi ako mahal!"paikot ikot akong bumubulong sa kwarto ni Dale. Nasa kusina si Dale kasama family niya. Kumakain.
Matapos yung sinabi nyang yun kahapon ay hindi kami nagiimikan.
Hindi kasi ako nagpapahalik sa taong hindi ko mahal! Pero naghahamon ka ng laro huh? Mas magaling ako makipaglaro.
I took a deep breath. Inayos ko ang sarili ko at umupo sa tabi ni Dale na kumakain.
I smiled at Tito Daniel and Tita Grace. They smiled back. I smiled at Ate Elle and she smiled too.
"So,Hija,kailan ka pa nililigawan nitong si Dale?"nakangiting tanong ni Tita. Fyi lang po pero hindi niya po ako nililigawan. Kakatanong niya lang po.
"We're an official couple already,Mommy."nabulunan si Dale sa sinabi ko. Si Tita at Tito ngiting ngiti. Si Ate masama ang tingin kay Dale. Pch.
"Kyaaah! Welcome to the family!"Tita shouted. I just laughed.
"We're having a vacation for Dale's birthday. Wanna join?"tito asked.
"Sure,Daddy."sobra na lang ang gulat ni Dale. Pch.
"It's so nice hearing that. Nga pala,Dale,kasama natin ang mga friends mo. Nainvite ko na sila. Sige. Pack your things."Tito said.
"Kailan?"Dale asked.
"Ngayon tayo aalis."Sabi ni Tita at tumango na lang kami.
Hinawakan ni Dale ang kamay ko at pumasok na kami sa room niya.
"Official na tayo?"-_-
"As I said a while ago---"*tsup* hinalikan ako! Ang galing talagang makipaglaro! Tsk!
"Nakakailan ka na!"I shouted.
"Bakit? Tayo na diba? Ayos ka din. Walang ligaw ligaw. Haha. Cool."-_- bahala ka sa buhay mo!
"Advance happy birthday!"bukas pa naman ang bday diba? Nakita ko sa fb!
"Inaasahan ko ang surprise mo,babe *tsup*"hinalikan na naman ako! Nakakailan na talaga!
"Adik sa kiss!"
"Basta sayo galing."you know how to play the game! Ang galing!
"Anong dadalhin mo? Baka naman sobrang dami ng dala mo? Katulad ni Gail na parang isang taon kami aalis kahit isang linggo lang?"he asked.
Lumapit ako sa kanya. Binitawan ko ang hawak kong dress kanina.
I kissed him on his lips.
"Wag mong babanggitin si Gail sa harap ko. Kung ayaw mong mawala ako."nakangiting sabi ko.
"S-sorry."nauutal?
"Don't worry. Hindi ako katulad ni Gail. Isang linggo tayo diba? Alangang magdala ako ng maleta?"sarcastic na sabi ko.
"Dale,may dalawa ka pang bag dyan? Pahiram naman."I said. Halatang naiirita siya pero binigyan niya ako ng dalawang bag.
"Sabi na. Isang linggo lang tayo. Ang arte. Ang daming dala. Hindi ba pwedeng isang bag lang?"
"Hindi eh."
"Ang arte. Puro ka arte sa katawan. Nakakainis talaga kayong mga babae. Mga kaartehan at kabaduyan Lang laman niyan. Sarap itapon."hindi ko siya tiningnan. Ang ginawa ko,kumuha ako ng mga damit niya at nilagay sa bag na hiniram ko.
"Wag kang magalala. Hindi naman saken to. Oh. Inayos ko na ang gamit ko. Pasensya ka na. Nasanay lang ako kay Yves. Siya kasi natutuwa. Pero ikaw hindi. Hindi ko na uulitin. Don't worry. Una na ako sa van huh."Sabi ko at padabog na isinara ang pinto.
Nakakatawa ang itsura niya. Halatang di makapaniwala. Halatang natouch. Halatang nagustuhan ang sinabi ko. Sasabihin na naman nyan,kakaiba ako sa ibang babae. Malamang. Iba nga eh! Tss -_-
Pagbukas ko ng van ay nandun na nga ang kaibigan ko at kaibigan niya.
Sean is sitting beside Faye. Gail is beside Ate. Si mom and dad sa likod. May dalawa pang natitirang upuan.
Sa tabi ni Yves. At Yung isa ay sadyang bakante.
Naupo na lang ako sa tabi ni Yves and I smiled at him.
"Musta?"kasunod ng tanong niya ang pagdating ni Dale.
Nakita ko na lang na nasa unahan namin siya. Makatayo at na kaharap sa amin ni Yves.
"Tabi."Sabi niya. Napatingin ako kay Yves at nakatingin lang siya kay Dale.
"May space pa dyan. Dun ka na lang,pare."may bakas na inis sa tono ni Yves. Tss. Upuan lang,pagaawayan pa. Abnormal talaga -_-
"Edi dun ka. Ikaw nakaisip eh."
"Pero dito ko gusto. Nauna ako dito kaya dito ako."sige. Magaway na Lang kayo. Masarap manood.
"Pag sinabi kong tabi,tumabi ka."
"Ano bang problema mo?!"Yves shouted. Napatingin na ang lahat sa kanila.
"Masama bang umupo sa tabi ng girlfriend ko?"nagulat si Yves at iniiwas ko na lang ang tingin ko.
"G-girlfriend?"Yves asked.
"Mga peste! Ako na lang dun sa bakanteng upuan! Ayaw kitang katabi,Dale. Umayos ka."Sabi ko at lumipat sa bakanteng upuan.
Inaantok pa naman ako!
Dahil umandar na,no choice na si Dake kundi tumabi kay Yves. Bromance na lang kayo dyan.
Napapikit ako. Inaantok ako eh.
"Ayaw mo akong katabi? I understand. Dun ka na lang sa tabi ni Yves para may katabi ka at maayos ang tulog mo. Ako na dyan."nagulat ako sa sinabi ni Dale. Tumango na lang ako at lumipat sa tabi ni Yves.
I smiled. Walang halong kaplastikan yung sinabi ni Dale. Mabait din naman pala.
"Yves,pwede ko bang makatabi yung boyfriend ko?"nakangiting tanong ko. Sapat ang lakad nun para marinig ni Dale. Halatang nagulat si Yves pero tumango siya.
Nginitian ko si Dale at pinalipat siya sa tabi ko. Ngumiti siya at lumipat na.
Ramdam kong nakatingin si Yves kaya napangiti ako.
"Tulog ka sakin."ngumiti ako at ilalagay na sana ang ulo ko sa balikat niya mang biglang...
*tsup*
"Wag mong babanggitin si Yves sa harap ko. Kung ayaw mong mawala ako."nakangiting Sabi niya matapos akong halikan. Inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya at pumikit ako.
Ginaya ang linya ko.
Walang originality. De joke.Ang sarap maglaro. Ang isa namang ito talagang nakikipaglaro.
"Thank you and sorry kanina. I love you."he whispered. I just smiled.
Ang galing makipaglaro *clap clap clap* tsk tsk tsk!
"I love you more."
Kung magaling ka,mas magaling ako. Tingnan na lang natin kung sinong unang matatalo. Dahil sisiguraduhin kong,ako ang mananalo.
BINABASA MO ANG
Let's Play The Game Called Love
Jugendliteratur“I heard you're a player. Nice to meet you. I'm the coach.” Playing the game called love is not easy. Whoever falls in love first....,LOSES! WINNER OR GAME OVER? Thanks to @moonjihyo! Ang ganda po ng cover niyo!