Dale's POV
"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you! Happy Birthday! Happy Bithday! Happy Birthday to you!"sabay nilang pagkanta ng bumaba ako. Pero may kulang sa kanila. Wala si Winter.
"Thank you! Birthday ko na nga pala! And we're complete! Lalo na at nandito na si Mama."I said and Mama smiled.
May sama ako ng loob pero naiisip ko yung sinabi ni Winter. Tama siya. Hindi dapat ako magalit pag bumalik si Mama,dapat matuwa pa ako na bumalik siya.
I smiled remembering what happened yesterday. Nakita ko na naman ang totoong siya. Yung mga ngiti niya sakin. Yung pagiging totoo niya. Walang kaartehan. Masarap kasama. Kaya lang...magagawa ko pa bang paglaruan siya kung ginagawa niya yung mga bagay na yun?
Kahapon..she's like an angel smiling infront of me. Yung mga ngiti niya,halatang may problema siya but she's trying to be happy. Totoong totoo siya.
"Dale,mamaya pa daw ang celebration mo. Maghanda ka na daw."sabi ni Gail and I smiled at her. Okay na sakin yung nakakausap ko siya. Pwede na.
"Pwede ba kitang makausap,hijo?"sabi ni Mama. Tumango at ngumiti ako sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa labas na puno ng...pagkain?
Kaming dalawa lang. Dahil pandalawa lang ang table.
"Maupo ka."I smiled and I sat.
"Bakit ma?"I asked and she sighed. What's the problem?
"Kumain ka muna. Masarap yan. Diba favorite mo yan?"muntik na akong maluha sa sinabi niya. Matagal ka ngang nawala. Hindi mo ba alam na pwede kong ikamatay ang pagkain nito dahil allergy ako dito? Hindi ko to favorite. Iba ang favorite ko.
"Ma,hindi ako pwede sa hipon. Allergy ako dyan,ma. Hindi mo ba natatandaan?"I asked at nagulat nga siya.
"I-I'm sorry. Hindi ko na matandaan."that made my tears fall. Ang tagal mong nawala! Parang sinasabi mong hindi mo ako inaalala nung panahong wala ka!
"Buti pa si Mommy Silvia! Nagagawa nyang maalala lahat tungkol sakin kahit na hindi niya ako totoong anak."I said.
"S-sorry anak."
"It's okay,Ma. Etong bacons na lang ang kakainin ko."I smiled bitterly and I started to eat.
"Anak,aalis na ako mamaya at hindi na ako magpapakita pa."
O_O
"Mama,nagbibiro kayo! Birthday ko to eh! Bakit mo naman sisirain?"tanong ko na umaasang she's just kidding me but she sighed.
"I'm sorry. Hindi na ako magpapakita pa dahil masaya na naman kayo. Aalis na ako papuntang Japan with my new husband at hindi na ako babalik."napadabog akong tumayo at iniwan siya doon.
Naupo ako sa tabi ng puno at nagtuluan ang luha ko.
Akala ko ay magiging masaya ang birthday ko. Pero parang worst pa to. Nagpakita ka tapos sasabihin mong aalis ka at hindi na magpapakita ulit dahil masaya na kami?
"Sabi ko na nga ba...iiyak ka."pagtingin ko sa katabi ko. Si Gail pala. Nayakap ko agad siya at tinapik tapik niya ang likod ko.
"A-alam mong aalis siya?"I asked.
"Kahapon niya sinabi samin. Nung magkasama kayo ni Winter. Umiyak din ang mama mo noon. Gusto nyang magstay pero may bago na daw syang pamilya. Baka daw magtampo ang anak at asawa niya."
"M-may kapatid ako?"
"Meron,Dale. Wag ka nang malungkot. Okay? Be happy. This is your birthday. Dapat masaya ka eh. Gawin mo ang bagay na makakapagpasaya sayo."she said. Kumalas ako sa yakap.
BINABASA MO ANG
Let's Play The Game Called Love
Novela Juvenil“I heard you're a player. Nice to meet you. I'm the coach.” Playing the game called love is not easy. Whoever falls in love first....,LOSES! WINNER OR GAME OVER? Thanks to @moonjihyo! Ang ganda po ng cover niyo!