Winter's POV
"I'm...breaking up with you,Dale. Happy birthday."and I kissed him on his cheeks. Adik sa kiss ko eh. Edi pagbigyan tutal birthday naman. Hindi nga lang si lips. May isang dahilan kung bakit ayaw ko nang ituloy ang laro.
"Are you kidding me?"mukha ba akong clown? Seriously?
"No. I'm sorry. Nagenjoy din naman ako sayo. Nagiging totoo ako sa harap mo. Nagawa ko sa harap mo yung hindi ko nagawa kay Yves. Pero I'm sorry. We're over. Goodbye."tinalikudan ko na siya at nagsimula ng maglakad palayo. Siguro naman ay alam mo ang daan pabalik. Wag ka sanang tanga.
Pagkabalik ko ay nakita ko si Faye at Yves sa kusina. Busy. Hinahanda na siguro ang handa ni Dale mamaya. Napansin naman nila ako kaya nginitian nila ako. Buti naman napansin niyo pa ako.
"Mukhang masaya kayo huh."I said at kumuha ako ng tubig. Nakita kong ngumiti si Faye na naiilang.
"Pwede mo ba kaming tulungan sa pagluluto ng steak?"nabulunan ako sa tanong ni Faye. Nananadya ba siya? Alam niya namang yan ang favorite ni Yves na madalas kong lutuin dati.
"Favorite ba yan ni Dale? Sige. Para kay Dale."pagkukunwari ko at kumuha na ng cooking materials.
"HAHAHAHA! Pawisan ka na Faye! Gusto mo punasan kita? Pero ayos ahh! Maganda ka padin."Napaiwas ako ng tingin sa dalawang naglalambingan.
"Wushu. Sige na nga. Pakipunas please."kita kong pinunasan ni Yves si Faye. Oh please,nasaan ka nang kailangan kita,Dale?
"Aray!"nagulat yung dalawa nung napasigaw ako dahil nahiwa ko yung kamay ko. Masakit ha! Infairness! Nagulat ako nung lumapit si Yves sakin at sinipsip ang kamay ko. Romantic na sana kaya lang...bampira ba siya? Masarap kaya yung dugo ko?
Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at nilagay sa kamay ko.
"Thank you. Pwede ka nang bumalik."I said and he smiled. Halatang pilit. Kung kailang nilalayo ko na ang sarili ko,ikaw naman ang lalapit?
"Ehem! Nasaan nga pala si Dale?"nagulat ako sa biglang pagdating ni Kris. Salamat dumating ka. Hindi ako mag umukhang third wheel.
"Ahh, pabalik na din siguro yun. Ikaw? Bakit bigla kang sumulpot? Asan si Kuya?"I asked. Si Kuya talaga,pag kaharap si Yves,nagiging weird.
"Gusto lang kitang panoodin dito. Si Walter? Ayun. Kinukulit ni Danielle.">____< Baka mamaya buntis na si Kuya! De joke lang!
"Mahal mo ba si Dale?"lahat kami ay napatigil sa tanong ni Kris. Bakit mo naman naitanong?
"Boyfriend ko nga,diba?"sagot ko naman. Ngumisi naman siya. Kilala kita,Kris. May pinapatamaan ka ba? Pinagseselos mo ba si Yves? O gusto mong malaman dahil gusto mo ako?
"Boyfriend mo,oo. Eh mahal mo ba? Madami kasing nagpapanggap---"
"Masaya ako kasama siya. Nagagawa ko ang gusto ko kasama siya. Nagiging totoo ako kasama siya. Oo. Mahal ko siya."dirediretsong sagot ko. Ang sarap patamaan ng mga katabi ko. Pero bakit ko patatamaan? Alam ko namang wala yang pakialam!
"Yun ang sagot. Boom! Inlove ka nga kay Dale!"-____- Kung alam mo lang!
"Minsan lang ako magmahal. At pag nagmahal ako ng seryoso,gusto ko sineseryoso. Magaling ako pumili. Mahirap na,baka mamaya mali na naman mapili ko."pagpaparinig ko. Ramdam ko na namana ang tensyon. Faye,ipagtanggol mo sana.
"Ibig mong sabihin mali ang pagkakapili mo kay Dale---"
"Ang ibig kong sabihin...magaling nga akong pumili. Kung dati ay nagmahal ako ng maling tao,ngayon naman perpektong tao. Na kay Dale na kasi ang lahat,gwapo,mabait,gentleman at maalaga. Sana lang Fye makahanap ka ng katulad ni Dale. Oh ayan. Tapos na ang pinapaluto niyo. Solo niyo na to."I said. Tinalikuran ko na sila at nagpunta sa may terrace.
BINABASA MO ANG
Let's Play The Game Called Love
Novela Juvenil“I heard you're a player. Nice to meet you. I'm the coach.” Playing the game called love is not easy. Whoever falls in love first....,LOSES! WINNER OR GAME OVER? Thanks to @moonjihyo! Ang ganda po ng cover niyo!