Dare 16

262 26 12
                                    

Winter's POV

Galing mo talaga,Dale! Masaya ka kalaro! Yung pinakita ko sa kanya nung pinapasaya ko siya ay totoong ako. Masaya siya kasama dahil naaappreciate niya ang efforts ko. Masaya naman talaga siya kasama.

Matapos yung sinabi ni Dale kagabi nung birthday niya ay napaisip ako.

Pag kaya nalaman mo yung nalaman ko,magagawa mo pang makipaglaro sakin?

Paglabas ko,nakita ko agad si Dale kasama si Sean at Yves. May kausap si Dale sa cellphone at si Yves at Sean ay parang timang na pinapanood si Dale.

"Talaga? Ok. Sige sige."narinig kong sabi ni Dale. Mukha siyang masaya ha! Nilapitan ko sila at inakbayan ako ni Sean.

"Bro,tsansing ka ahh."rinig kong sabi ni Yves.

Pagharap ni Dale ay inalakbayan niya din ako.

"Ano? Yves,gusto mo din bang ipatong ang braso mo? Ginagawa niyo akong patungan eh! Ang bibigat naman ang braso niyo!"sabi ko at inalis naman nila. Salamat naman.

"Yah! Dadating na daw si Kuya Dylan."nakangiting sabi ni Dale. Sinong Dylan?

"Talaga? Kailan?"tanong ni Yves.

"Ngayon. Susunduin natin siya ngayon. Magbihis na kayo."tumango lang yung dalawa at lumayas na. Inalakbayan ako ni Dale.

"Wag kang lalapit sa Kuya ko. Manyak yun eh. Minanyak na nun si Gail dati."nakangiting sabi niya

"Anong tawag mo sa sarili mo? Pch."sabi ko at pumasok na sa room namin.

Kasunod ko din naman siya pumasok.

"Magbihis ka na! Wag yung masyadong maganda ha...pero..."napatigil siya ng konti at halatang naiirita siya.

"Pero ano?"

"Why do you have to be so beautiful? Aish!"sabi niya at padabog na lumabas. Napailing na lang ako at napangiti. Nakainom ba ng gamot yun para sa utak niya?

"Hoy! Dalian mo dyan!"rinig kong sigaw niya.

"Eh bakit ka ba sumisigaw dyan?"i shouted back.

"Anong gusto mo? Pumasok ako dyan? Eh nagbibihis ka dyan! May respeto naman ako sayo noh!"Sigaw niya. Ngumiti lang ako sa sarili ko. Kahit pala manyak,may respeto din paminsan pag nasa katinuan.

Nagmadali na ako sa paglabas at paglabas ko nakita ko ang titigan ni Dale at Gail.

Aish. Kailangan ko na naman ba syang ipagtanggol?

"Tara na Dale! Wag mo na syang titigan! Masasayang lang ang oras mo!"sabi ko at hinila ko na siya.

"Teka! Hindi ka pa nagbibihis pero bakit bihis ka na? At ang kisig mo?"I asked.

"Pambahay ko lang to eh."o___o pangbahay ang tawag niyo dun?

"Alam mo ang gwapo mo talaga noh! Wag ka nang magbihis! Ayos na yan!"nakangiting sabi ko at hinila niya na ako papunta sa sasakyan.

Nasa passenger seat sila Faye at Yves. Nasa backseat naman kami nila Mommy---I mean Tita Silvia,Ate Elle,si Gail,si Sean,ako at si Dale. Naiwan si Kris at si Kuya Walter. Malay ko kung bakit. Si Tito...ano nga bang pangalan nun? Tito Dave yata ay ang driver!

"Mahaba habang byahe to! Pero keri naman."dinig kong sabi ni Faye sa unahan.

"Ate,may headset ka bang dala?"tanong ni Sean.

"Pag may kailangan,ate ang tawag. Mas matanda ako sayo! Tandaan mo yan!"sabi ko at inabot ko yung headset ko. Nung sinuot niya na ay pinatong niya ang ulo sa balikat ko at natulog.

"Babe kasi kita."-____- nakahithit na naman ba ng shabu tong si Sean?

"Patulog ako sayo Winter huh."at pinatong din ni Dale ang ulo niya sa balikat ko.kanina ay patungan ng braso,ngayon naman ay ulo? Mukha ba talaga akong patungan? Nice!

"Ang sweet naman nilang tatlo. Bagay na bagay sila. Ano?"rinig kong tanong ni Tito Dave. Lumingon si Yves at Faye sa amin.

"Opo. Bagay na bagay. Si Winter po ay kamukha ni Tita Silvia. Si Dale naman po ay kamukha niyo kaya perfect."daldal talaga ni Faye.

"Gusto niyo po ba si Winter for Dale?"tanong naman ni Yves.

"Oo. Pero kung hindi...wala silang magagawa. Dahil ako ang pipili ng taong gugustuhin ko kahit ayawan pa ng ibang tao."galing talaga ni Dale! Grabe!

"Anong ibig mong sabihin?"Yves asked.

"Ako naman ang may gusto eh. Hindi sila. Kaya wala akong pakialam sa desisyon nila."Dale answered.

"Adik ba yang si Dale? Anong pinakain mo dyan?"bulong ni Sean. Kung alam mo lang na naglalaro to. Tsk.

"Wow! You're really a grown man,son!"nakangiting sabi ni Tito Dave.

"Siguradong matutuwa si Dylan sa kanya."sabi naman ni Tita.

"Babaero yung si Kuya. Lahat ng babae,nakukuha niya. Tsk."sabi ni Dale.

"Anong tawag mo sa sarili mo? Tsk."sabi ko sa kanya. Ginagawa lang nilang patungan ako. Hindi naman sila natutulog!

"Pch. Mas lamang naman ako sa kanya."aba aba! May ipinaglalaban siya!

"Bakit mo naman nasabi yun?"I asked.

"Nakuha kita. At siya hindi ka makukuha dahil babakudan kita."sabi niya at rinig ko ang pangaasar nila. Galing talaga ni Dale. Hahaha!

Mayamaya pa ay nakadating din kami at hinihintay na namin si Dylan.

"Dale,restroom lang ako."sabi ko at pumunta sa restroom.

Pumasok ako sa restroom at...

"Aray! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!"sigaw ko nung may bumangga sakin. Tumayo naman ako at tiningnan siya. Gwapo pero di hamak na mas gwapo si Dale.

"Sorry Miss. Ang ganda mo naman. What's your name?"nakangiting sabi niya. Babaero -____-

"Ewan ko sayo! Ang pangit mo!"at nilampasan ko na siya.

Nung matapos akong magrestroom ay nakita kong may lalaking dumating na may dalang maleta. Lumapit na ako sa kanila at inilakbayan ako ni Dale.

"IKAW?!"sigaw ko nung nakita ko si panget.

"Oo. Nice meeting you. Ikaw pala si Winter."sabi niya sabay kindat. I just rolled my eyes.

"Girlfriend ko kuya. Back off."pangloloko ni Dale at nagtawanan naman sila.

"Akala ko ba si Gail? Sudden change of heart?"natahimik naman si Dale.

"Aish. Tara na nga. Kain muna tayo."sabi ni Ate Elle na hinila yung maleta ni panget.

Nung magkasabay kami ni Dale maglakad ay nakisabay na si panget.

"Oh? Bakit ka sumasabay?"tanong ni Dale. Magkapatid nga. Parehong may sayad-___-

"Syempre. Sister-in-law ko siya eh."and he winked again.

"Sa pagkindat kindat mo na yan,sana hindi ka na makamulat."sabi ko at tumawa naman si Dale.

"Ang ganda mo talaga eh noh?"tanong ni panget at napatigil si Dale kaya napatigil din ako.

"Pero ang sinasabi mong maganda...ay pagmamay-ari ko na."sabi ni Dale.

----

Dedicated to YulHan30 👍
Isa sa mga Bestfriend ko sa wattpad world!

Next update : 630 reads,5 votes and 5 comments.

Thank you nga pala sa support kahit sa mga silent readers dyan 😘

Kamsa :)

Let's Play The Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon