Chapter 25 -Grocery Store-

398 20 7
                                    

Chapter 25 -Grocery Store-


Dale's POV


Naguguluhan ako sa sarili ko. Naiinis. Nakakabwisit. F*ck

Hindi ko alam kung bakit parang ang bilis naman...I'm starting to like her. Hindi ko muna sasabihin kung sino yung 'her'. Pero hindi dapat. Hindi ko siya dapat magustuhan. Mas nakakainis pa dahil I don't think I already moved on from Gail.

Kinukutinting ko yung cellphone ko. Sa dami ng iniisip ko,hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang napindot yung contacts ko.

~Calling Joanna~

"Hello? Seriously?"

[I'm Sorry,Joanna. Napindot ko. Goodnight.]

And I ended the call. I just smiled. May naalala ako. Sa lahat talaga ng tao,bakit sa kanyang number pa napindot ko? May number ako ni Joanna kasi pinakielaman niya phone ko at nilagay niya number niya.

Sa pagiisip ko ulit,may naalala ako.


"Am I really starting to like you? Hindi ko masisisi ang sarili ko. Bakit kasi ganyan ka sa harap ko? Bakit ganyan ang kinikilos mo? Bakit ganyan ka kaalaga? Bakit ramdam ko totoo ka lang sa harap ko? Sh*t. Stop doing that things. Kasi baka...tuluyan na akong mahulog sa'yo."I whispered looking at her picture in my phone. May picture niya ako. Natutulog siya. She didn't know that I took a picture of her while she was sleeping that time.

Although she's sleeping,she's still cute.

Yung next picture....sa tinagal tagal na hindi ako nagpipicture or kumukuha ng pic gamit phone ko,yung next picture ay picture namin ni Gail. Pic namin na parang napilitan lang. I sigh. Gusto ko ng makamove on sayo! Naiinis na ako!

"You already moved on. Nasanay ka lang na siya ang laman ng puso mo. Nasanay ka lang na nasasaktan sa kanya."huh?

"Ate Elle?"

"Yes. Si Winter naman palagi mong kasama. Sa tingin mo,hindi ka pa din nakakamove on? Ha! Sa babaero mong yan?"and she smirked.

"I'm a playboy. Yes. I admit. Pero seryoso ako. Siya lang ang babaeng seneryoso ko."I sighed again.

"Sagutin mo nga ako. Ano bang nagustuhan mo sa kanya?"she asked. It's just simple.

"Simple. Minahal ko siya sa pagkamasungit niya,at palaban. Yung talagang siya."I answered. Pero may mga bagay na hinahanap ko sa babae na wala sa kanya. Yung bagay na gusto kong ienjoy na kasama siya pero hindi namin nagawa. Yung mga bagay na gusto kong gawin pero ayaw niya.

"Ikaw bahala,bro. Suko na ako. Sabi ko sayo moved on ka na! Pero pinipilit mong hindi pa. Sadyang hindi ka makakamove on. Pinipilit mong hindi pa eh."she tapped my shoulders and left.

To : Winter

How to know if you already moved on from someone?

From : Winter

If you already stop thinking of her. If she's nothing for you anymore. Ano ba yan Dale? Nagdadrama? Meron pa pala. Pag kaya mo na siyang tingnan sa mata niya na hindi ka na naiilang pa. Pero kung naiilang ka pa at hindi mo siya kayang tingnan sa mata niya,sa mata ko na lang ikaw tumingin. Promise,hindi ka na maiilang pa.

I smiled reading her message. Babaeng 'to talaga. Ang haba agad ng nasabi konti lang naman tinanong ko.

To : Winter

Let's Play The Game Called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon