Part 18

489 24 2
                                    

Part 18: RapMon

Kasama ko ngayon si Seulgi kanina pa kami sumasayaw medyo nahihiya nga ako eh kasi magaling siya tapos ako eto parang taga 90's kung sumayaw.

Medyo di rin kami nagkakaintindihan kasi habang tumatagal mas lumalakas yung music.

"Woooooooo yeahhhh" tawa ako ng tawa dahil kanina pa siya sigaw ng sigaw

"Seul hinay hinay baka palabasin tayo ng bouncer" sabi ko sa kaniya habang tumatawa

Nung una hindi ko ineexpect na magiging kaclose ko si Seul kasi may pagkacold yung itsura niya pero sabi nga nila may dalawang sides sa isang tao.

Mukang di niya ko narinig kaya lumapit ako sa tenga niya at tsaka ibinulong ulit sa kaniya. Pero nagulat ako ng biglang muntik ng magtama ang mga labi namin dahil sabay kaming napatingin sa isat- isa.

Nung una akala ko magiging awkward kami pero parang wala lang sa kaniya tuloy tuloy parin siya sa pagsayaw.

Ang weird ko noh ako yung lalaki tapos ako yung mas naapektuhan nang muntik na kaming magkahalikan.

"RAP"  pasigaw niyang tawag sakin

"ANO YUN SEUL" sigaw ko din

"Ngayon ko lang napansin na ang cute mo pala, ay mali yung dimples mo yung cute" napangiti ako sa narinig ko

"Mas cute ka nga eh kamuka mo si pickachu" totoo yun ah medyo kahawig niya si pickachu

"Talaga. Picka chuu picka picka" baliw na ata ako kasi kanina pa ako tawa ng tawa

"Ulitin mo nga yung pickachu picka picka" request ko sa kaniya

"Sira ka ba" bigla siyang nagseryoso at tumigil sa pagsayaw habang nakatitig sakin ng naiirita, lumabas ata yung strict side niya

"Sige na Kang Seulgi"

"Ang cute mo ng dimples mo kaya sige. PICKACHU PICKA PICKA" pagkasabi niya nun automatic kaming sabay tumawa

Grabe ano bang problema ko at lagi nalang akong masaya kapag kasama kita ngayon ko lang naramdaman to eh. Nakakabaliw mag-isip basta isa lang ang alam ko masaya ako kasama ka. Masaya akong nakikita ka Seulgi.

"OMYGOSH" nagulat ako nang biglang sumigaw si Seul

"Seul okay ka lang?"  nag-aalalang tanong ko

"Okay lang ako"

"Eh bakit ka sumigaw"

Hindi niya ako sinagot kaya tinignan ko nalang kung saan nakatutok yung mata niya.

Pagkatingin ko nakita ko si Jhope na naliligo sa alak. Medyo pinipigilan ko nalang yung tawa ko baka kasi makita ako ni Seul.

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon