Part 4

994 36 6
                                    

Part 4: Rap

Nandito parin ako sa school ni Jim. I don't even have any single idea kung anong klasing school ito.

Before I proceed on my problem here let me have my introduction first.

I'm Kim Namjoon. Rap for short. That's all you have to know about me.

Ito parin ako palakad lakad sa isang sobrang liwanag na corridor. Nang biglang may marinig ako na music.

Sa sobrang curious ko ay sumilip ako sa isang room pero wala akong nakita. Kaya naman binuksan ko ng dahan dahan ang pinto.

Pagkabukas ko ay nakita ko ang buong room na puno ng salamin para itong isang practice room at may isang babaeng mahaba ang buhok, matangos ang ilong, medyo singkit na mata ang nakita kong sumasayaw.

Dahil mukhang mabait naman at mukhang kaedad ko lang din ay hindi na ako nag-atubili pa na magtanong.

"Miss" napansin kong nagulat siya pero di niya parin ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagsayaw

At dahil mabuting lalaki ako inassume ko nalang na hindi niya ako narinig.

"Miss" nilakasan ko na ang boses ko pero di parin niya ako pinansin.

"MISS" tinodo ko na at isinigaw ko na ang pagtawag sa kaniya pero wala hindi parin siya namansin.

Dahil sa inis ko lumapit ako sa cellphone niya na nakalagay sa sahig at pinatay ang music na tumutugtog dito.

"Siguro naman ngayon naririnig mo na ako" inis kong banggit

"Opo naririnig na po kita señorito ano po bang kailangan niyo" sarcastic na pagkasabi niya

"Sorry if I disturbed you, gusto ko lang kasing magtanong kung saan ba banda yung enrollment para sa mga college bago kasi ako dito eh"

"Lumabas ka diyan at makikita mo yung map sa pintuan kunin mo na at hanapin mo sa map yung Leaford's Hall"

"Thanks"

Lumabas na ako ng room. Saktong isasara ko palang ang room ay biglang narinig ko siyang sumigaw.

Agad agad akong pumasok at nakita ang kaniyang kanang paa na may dugo nakita ko rin ang basag na salamin ng kaniyang cellphone.

"Anong nangyari sa iyo. Okay ka lang?"

"Natapakan ko yung phone ko tapos nadulas. Aaaghhhhh" sigaw niya

"Tara nga" binuhat ko siya. Pero bigla niya akong tinulak na naging dahilan ng pagbagsak naming dalawa.

"Ano bang inaarte mo ako na nga itong nagmamalasakit"

"Eh sa masakit eh"

"Masakit na nga tinulak mo pa ako ayan tuloy mas lalong sumakit. Bobo mo rin eh."

Hospital

"Sir no need to worry natanggal na po yung mga bubog sa paa ng kaibigan niyo. Pwede niyo na po siyang iuwi." banggit sa akin ng nurse

"Thanks"

Pumasok na ako at nakita ko siyang nakatayo gamit ang left foot niya.

Tinitigan ko lang siya at nakipagtitigan din naman siya sa akin.

"Wala ka man lang sasabihin?" tanong ko sa kaniya. Tindi kasi nito hanggang ngayon di parin nagpapasalamat

"Hoy ano napipe ka na?" wala parin kasi siyang imik

"Ohsiya kung ayaw mong magsalita edi huwag. Tara na ihahatid na kita sa inyo"

Tinulungan ko siya sa paglalakad. Sumakay narin siya sa passenger seat sa kotse ko at hanggang ngayon ay wala paring imik.

Nasa kalagitnaan na kami papunta sa kanila.

"Ano bang pangalan mo?"

"Rap nalang itawag mo sa akin. Ikaw?"

"Seulgi. Uh thank you nga pala ah Rap"

"Okay lang. Akala ko hindi ka magsasalita eh."

"Nahiya kasi ako ang bait mo eh"

"Nahiya ka pa. Okay lang yan. Makakabawi karin next time"

"Thanks. Tutal ihahatid mo ako sa bahay namin. Pagbebake nalang kita ng cookies, cake and cupcake. Para pantay na tayo" mabait din naman pala ito

"Sige pagbake mo nalang ako ng red velvet cupcake. Paborito ko yun eh"

"Oh. Really parehas tayo favorite ko din yun" nagtinginan kami sabay tawa

Pagdating namin sa bahay niya ay agad-agad niyang niready ang mga gamit kahit hirap siya sa paglalakad. Tumulong rin ako sa pagbebake medyo marunong kasi ako.

Natapos siya within two hours at i didn't expect it to taste so good. Napansin kong siya lang mag-isa sa bahay.

"Seul"

"Hmm" sagot niya habang ngumunguya pa

"Ikaw lang mag-isa?"

"Hindi, kasama ko mga couz ko lima kami dito at nag-aaral din sila sa Starfeave."

"Ahhh ganon ba"

"Oo ganon nga uhhmm Rap mag gagabi na ah wala ka pang balak umuwi"

"Oo nga noh di ko na napansin. Sige una na ako thanks sa red velvet"

"Sige ingat ka ah. Bye"

Hinatid niya ako sa gate nila at pinabaunan din niya ako ng mga cookies at cupcakes na binake niya kanina.

What a nice day....

Overall naenjoy ko naman ang buong araw kasama si Seul.

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon