Part 31

549 23 8
                                    

Part 31: Jimin

Hahahahah, ang bobo naman ni Yeri, hindi kasi tinitignan yung daan eh ayan nasubsob hahahaha bagay sa kaniya.

"Haha"

Napatingin ako kay Jungkook na nagchuckle dahil nadapa si Yeri. Kapal mo rin eh noh Jeon Jungkook, nireject mo na nga pinagtawanan mo pa. Tsaka ako lang may karapatang tawanan si Yeri.

"Yeri, tara hatid na kita" tinulungan ko siyang tumayo naawa ako nung nakita kong malungkot eh.

PERO....

HINDI IBIG SABIHIN NA TINULUNGAN KO SIYA CONCERN NA AKO

"Wahahahaa-- ay sorry di ko sinasadya" 'evil smile'

Pagkahawak niya kasi kanina sa kamay ko agad kong binitawan para mas lalo siya masubsob sa kalye hahaha. Bobo talaga ni Yeri kaya ang sarap ibully eh.

Napatigil naman sa paglalakad si Seulgi at tumingin ng masama sa akin.

"Hoy pandak obvious na sinadiya mo, kapag sinaktan mo ulit to mananagot ka na sa akin" psh nahurt ako dun si Seulgi na ideal type ko beastmode sa akin

"Ye hatid na kita sa room mo" tinulungan niya na tumayo si Yeri at inalalayan siya sa paglalakad

"Seul, pwede padala sa clinic masakit tuhod ko"

Napatingin naman ako sa tuhod niya na dumudugo. Shoot kasalanan ko ba yan. Ayy hindi hindi si Suga may kasalanan niyan.

"HOY PANDAK!!!" Syete kanina pako tinatawag nito na pandak ha kapag talaga ako tumangkad who you kayo sa akin

"Ano? Arr--ay jskdbhjakbdjwka ANG SHAKETTTT"

Syete tinira ba naman yung ano ko yung alam mo na 'where the sun don't shine' . Ang sakit ng sobra.

"Tara na Ye sa clinic" napatigil naman ako ng alukin ni Jungkook si Yeri sa clinic

"Ako na" pagprisinta ko hindi dahil nagseselos ako NA AH AH ASA KAYO AKO MAGSESELOS PATAWA KAYO NOH

Ayaw ko lang maenjoy ni Yeri araw niya nya hahha porsyur kasi kinikilig na yan dahil ihahatid siya ni Jungkook

"Jim ako na bahala dito" kulit sarap upakan ng bwiset sabing ako na eh

Hinawakan na niya yung braso ni Yeri para alalayan siya.

"Aray" napaaray nalang si Yeri dahil hinila ko siya ng malakas palayo kay Jungkook

"MAGSILAYAS NGA KAYONG MGA BWISET AT SYETENG LALAKI KAYO MGA WALANG MAGAWA SA BUHAY KITANG NASASAKTAN YUNG TAO MGA SIRA ULO LAYAS" sabay kaming nagkatinginan ni Jungkook at parehas na pasimpleng naglakad palayo.

Katakot naman kasi si ideal type ko eh bakit ba ang dragon niya. Para pang tomboy, shemay kapag yang si Seulgi nagtomboy magbabakla na ako.

"Huyuyuy san lupalot ka nanggaling" tanong sa akin ni Valien

"Ah wala diyan lang nagtingin tingin ng chix"

"Ano sasalihan mong category" ah nga pala ano kaya masalihan ngayon. Last year kasi HIP lang sinalihan ko eh

"HIP tsaka Notes nalang siguro para mabago. Sayang naman tong ginto kong boses kung ako lang makakarinig" pangiti ngiti kong sagot sabay taas baba ng kilay

"Sana kung gano kataas yang confidence mo ganon din kataas height mo. Babay hahahhaha" aba aba naghahanap ata ng gulo to eh palibhasa siya may katangkaran

---

Balak ko sana na mamaya nalang magparegister sa category na napili ko pero geh wala rin naman akong magawa kaya go.

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon