Part 19

524 27 2
                                    

Part 19: Irene

Ugh nakakapagod tong araw na 'to. Tsk kung nagtataka kayo kung bakit ako pagod. Ano pabang dahilan. Edi yung bakery, tumulong nanaman ako dun alam niyo naman napakasipag na dalaga ko. Ahm mali mali correction.

Maganda, matalino't masipag na bata.

Nandito ako sa bahay ngayon at nakakapagtaka ah kasi ang tahimik. Sa ganitong oras kasi gising pa yung apat na babaitang mga yun.

Hayyy inaantok na ako pero kailangan ko munang kumain aba di ba naman ako pinakain sa bakery kahit cupcake lang tsk kadamutan.

Pumunta nako sa kusina, di parin naalis sa isip ko yung pagtataka kasi naman madilim na nga tahimik pa. OMG baka pinasok kami ng mag nanakaw, oh no wag naman sana. Pero di naman siguro masyado lang akong OA. May karapatan namang akong maging OA eh maganda naman kasi ako.

Binuksan ko yung reft para kumuha ng gatas at gumawa din ako ng sandwich with egg, bacon, cheese, ketsup and mayonnaise, gutom nako kaya wala ako sa mood magluto ng kung ano ano kaya dapat yung mabilisan ang kainin ko.

Habang nasa sala ako kumakain biglang may nag door bell. Tsk. Panira.

ding dong ....

ding dong ....

ding dong ....

ding dong .....

ding dong ....

ding dong .....

Aba dina nahiya may balak pa atang sirain yung doorbell. Kawawag doorbell.

Binuksan ko na yung pinto pero wala akong nakitang tao. Mabilis kong sinara yung pinto kasi natakot ako. Mygad wag naman sana kaming manakawan. Osige manakawan na kami wag lang marape.

Bigla nanamang may nagdoorbell.

ding dong .....

ding dong .....

ding dong .....

Sa sobrang gulat ko agad akong umakyat sa taas para gisingin yung apat. Lord tulungan niyo po kami. Nagdadasal ako habang patakbong umaakyat sa hagdan.

Una kong nakita yung kwarto ni Seulgi. Mabilis kong kinatok pero wala ayaw niyang buksan nakalock pa naman. Agad agad kong naisip na may susi pala ako ng kwarto nila kinuha ko agad yung mga susi at nagulat ako ng makita ko na walang tao sa kwarto si Seul. Next ko na pinuntahan yung kwarto ni Joy pero wala din siya. Pinuntahan ko lahat ng kwarto at wala akong nakita ni isa sa kanila.

Bumaba nako at sinubukang pakalmahin ang sarili ko.

Breath in....

Breath out.....

Inhale.....

Exhale......

Bumaba nako pero nagulat ako nung marinig kong may nagdodoorbell parin.

Lakas loob kong binuksan ang pintuan at.....

"Ano bayan nakakainis ang tagal mo namang buksan tong pintuan. Akala ko mabubulok na ako dito eh" what the seriously si Wendy lang pala

"Bwiset ikaw lang pala akala ko magnanakaw na" bwiset na bwiset kong sagot

Pagod na nga ako ito pa tatambad sa akin. Pero atleast di kami mananakawan or marerape.

"Sino ba kasing nagsabing magnanakaw ang nagdodoorbell. ABER" may paaber aber pang nalalaman

"Eh kasi naman ho kanina may nagdodoorbell pero nung binuksan ko walang tao" sagot ko sa kaniya habang nakataas ang kilay

"Huh"

"Ano tiklop ka na agad" tanong ko habang nakataas padin ang kilay

"What do u mean may nagdodoorbell? Eh hindi naman ako umalis sa pintuan ah. Kaya imposibleng di mo ko makita"

"Seryoso ka? Hoy Wen wag mo kong tinatakot" gosh Wen don't you dare

"Oo. Omygod. Hindi kaya yung makulit na manliligaw ni Seulgi yun. Mygod lagi nalang tayong tinatakot nun ah" malaking OMYGOSH tama si Wendy feel ko yung manliligaw ni Seul yun

Ang sama kasi ni Seul sa mga manliligaw niya eh. Joke di siya masama. Para naman may alam kayo kahit papaano. Magkekwento nako, eh kasi si Seul sikat yan sa school kaya maraming manliligaw actually lahat kami sikat sa school pero mas sikat siya. Araw araw pag nasa canteen kami may lumalapit sa kaniya para magbigay ng regalo or cakes. Tinatanggap naman ni Seul tapos one time may lumapit samin na isang lalaki transferee siya sa school. Inaya niya si Seul kung pwede daw ba silang sabay maglunch kaso tumanggi siya. Starting that day ayaw niya ng tantanan si Seul lagi siyang tinatanggihan ni Seul pero siya nangungulit parin. Natakot kami sa kaniya nung one time nalaman nami na inakyat niya yung room ni Seul buti nalang walang nangyaring masama kay Seul.

"Probably baka siya nga Wen"

"Ihh ang creepy talaga niya. Pero pogi siya aminin" may point si Wendy pogi nga siya hihihi. Landi namin noh sorry naman

"Hahaha tama ka diyan. By the way nasaan yung tatlo?"

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon