Part 16

576 30 10
                                    

Part 16: Jimin

"So, ready na ba lahat?" tanong ko sa kanilang anim

"Yeah" Suga

"Kung ganon. Let's go go go!"

BAR

Pagkapasok palang namin ay sumalubong na ang maingay at mausok na bar.

Humanap kami agad ng table malapit sa dance floor. Haha syempre dapat malapit para makahatak ng mga babae.

Si Jin at Rap ay nagpunta sa counter para mag-order ng mga alcoholic drinks. Syempre maglalasing na kami two days after nito ay pasukan nanaman.

"Hey" may sexing babae na lumapit sa akin

"Oh hey sweetie" sagot ko, nandito kami sa bar kaya bawal maging snob

"Call me Angel"

"Sabi ko na eh Angel name mo. Halata sa itsura mong mukang anghel." hahaha kapag ganitong time kailangan may baon kang pick-up lines

"Wanna dance"

"Sure. Hindi ko kayang tumanggi sa isang anghel"

Nandito kami ngayon sa dancefloor. Kasama ko si Angel, nakakaenjoy siyang kasama ang daming niyang kinekwento na kung ano ano. Kwento siya ng kwento di naman ako nakikinig.

Mga ilang oras din kaming nagsayaw nalasing na siya kaya inupo ko siya sa table namin.

"Hoy Jimin, sino yan?  tanong ni V

"Si Angel kasayaw ko kanina. Nalasing eh kaya dito muna"

"Geh akong bahala diyan"  V

"Hoy Jim, akala ko ba may inimbitahan ka" Jhope

"Maya maya dadating din yun"

Lumabas muna ako sa bar para tawagan sana si Yeri pero bigla ko siyang nakitang may kasamang dalawang babae.

"Yeri" tawag ko sa kaniya. Halatang nakita niya ako pero di ako pinansin. Anong problema nun? Tsk nagtanong pa ako eh matagal ng may problema sa utak yun

"Hoy Yeri" nakita ako ng mga kasama niya, tinuro pa nga ako pero wala snob ulit

Dumiretso sila sa loob habang nilagpasan ako. Ouch ah di naman masakit. Ako nag-imbita eh.

Sinundan ko lang sila, nasa likod nila ako. Narinig ko silang nag-uusap

"Hoy Yeri nasan na yung Jungkook mo?" Joy

"Wait lang, hinahanap ko nga eh" Yeri

"Diyan lang kayo ah. Hahanapin ko si Rap" Seulgi

Huh! what? Rap daw?

"Seulgi" tawag ko sa kaniya

"Oh Jimin nandito ka pala?"

"Oo eh hehe. Hinahanap mo ba si Rap?"

"Oo. Kilala mo siya?" nagtataka niyang tanong

"Actually, oo pinsan ko siya eh. Magkakatable kami"

"Yun naman pala eh. Oh siya tara"

Nagtataka ba kayo kung bakit ko kilala si Seulgi. Syempre pinsan siya ni Yeri at sa Starfeave din siya nag-aaral.

Pagdating namin sa table nandun nadin si Yeri at Joy. Si Yeri nakalean kay Jungkook. Tsk halata namang ayaw ni Jungkook yung paglean niya. Si Joy naman nakaupo katabi si Jhope at V habang kanina pa tawa ng tawa.

"Oh kilala niyo na pala sila eh. Yan mga bisita ko" sabi ko sa kanila

"Di mo naman sinabi na mga chix pala." Jhope

"Oh may isa pa pala eh" sabi ni Jin sabay turo kay Seulgi

"Seul" sabay banggit ni V at Rap

"V anong ginagawa mo dito?" Seul

"Nukaba pinsan ko 'tong mga to" sagot ni V sabay turo sa'min

"Seul, sayaw tayo?" aya ni Rap

"Sure sure" Seul

Habang sumasayaw si Rap and Seulgi, sumunod sa kanila si V para sumayaw din. Si Jin naman kanina pa nasa counter nakikipaglandian sa mga babae. Si Suga naman eto napakaboring ng buhay natutulog. Kami namang tatlong J (Jhope, Jungkook, Jimin) nandito sa table. Si Yeri mukang badtrip kasi si Jungkook at Joy ang magkausap. Si Jhope naman nagpunta sa cr.

"Tsk. Makaalis na nga." narinig kong bulong ni Yeri

"Ye" tawag ko sa kaniya

"Tsk" sagot niya sabay talikod. Pero bago siya tumalikod nakareceive muna ako ng snob mula sa kaniya

"Huy" di niya ko pinansin kaya hinila ko yung kamay niya

"What?" bored niyang sagot

"Ako nag-invite sayo. Hindi si Jungkook?"

"So?" Yeri

Hindi ko na sinagot yung tanong niya at hinila ko nalang siya sa dancefloor.

"Ano ba?"

"Anong ano ba? Nandito tayo para mag-enjoy hindi para magmukmok."

Hindi na siya sumagot. May malapit na waiter samin na may dalang drinks, kumuha siya dun at uminom ng uminom habang sumasayaw.

Dahil parang wala na siya sa sarili at mukhang lasing na. Lumapit ako sa kaniya para bumulong.

"Babe" tawag ko sa kaniya

"Yes babe?" woah tama ba yung narinig ko. She called me babe...

Masaya to hahaha

Bwahaha chance ko na ito. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa at vinediohan ko siya.

"Babe, nag-eenjoy ka ba?"

"Yes naman babe. Basta ikaw kasama enjoy na ako" ito ba epekto ng alak sa kaniya hahaha

"Sweet mo talaga babe" sagot ko sa kaniya

"I can be sweeter if you want to"

"Prove me then" hamon ko sa kaniya

"How?" tanong niya

"Kiss me and be my girlfriend" chance ko na 'to hahaha

"That's easy. I'll kiss you and i'll be your girlfriend" nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa'kin at hinalikan ako

"I want you Kim Yerim" niyakap ko siya at mahinang bumulong sa tenga niya at sabay binigyan siya ng peck of kiss sa lips

"I want you too Jeon Jungkook"

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon