Part 24

483 23 7
                                    

Part 24: Jimin

Hindi ko alam. Pero bigla nalang akong nakaramdam ng saya.

Whooo ang saya hahaha

Gusto ko nalang tumawa buong araw.

Grabe nakakatawa ka Yeri.

"Baliw ka na talaga noh"

Sabi ko sa kaniya, isipin ba namang si Jungkook ang boyfriend niya. Ano ka Yeri hibang. Hindi ka naman gusto niyang si Jungkook. Hanggang pangarap ka lang diyan, mas choosy pa yan sa akin eh.

Mas lalo naman ako.

Hindi kita gusto.

Kung pipili ako sa inyong magpipinsan. Pwede na si Seulgi. Atleast yun hot. Eh ikaw isip bata.

"Ano bang pinagsasasabi mo" kunwari pa siyang di niya alam

"Hindi naman kasi si Jungkook yung boyfriend mo." pasuspense kong sabi sa kaniya.

Atleast masaya kasi nakikiride siya sa trip ko hahaha.

"Eh sino?"

"Sino bang nakayakap sa'yo ngayon?" tanong ko habang sinusubukan ko ang aking best na wag matawa

"Ikaw"

"Kilala mo naman pala eh"

Grabe ang weird talaga nitong isip batang 'to. Pinapakilig na nga mas lalo pang umiiyak.

"Huy babe huwag ka ng umiyak. Promise ko aalagaan kita, may forever satin" kunwaring sincere kong sabi

"Pero bakit ikaw... ang alam ko..... OMYGOSH"

Bwiset nabingi ako dun ah. Ang ingay ng bwiset.

"Oh babe babe bakit. Huwag kang sumigaw huy" sabi ko sakaniya sabay takip ng bibig niya

"OMYGOSH NO WAYYYY. NOOOO WAYYYY"

Aray. Sakit sa tenga. Naman oh. Sarap sigawan ng babaeng toh. Pasalamat siya nakikiride siya sa trip ko. Kung hindi namura't nasigawan ko na toh.

"Yes way babe yes way"

"BWISET KA PANDAK IBIG SABIHIN IKAW YUNG HINALIKAN KO KAGABI. BWISET KA HINDI KITA BOYFRIEND OKAY MAKALAYAS NA NGA." awwts sabihan daw ba ako ng pandak. Sakit nun ah mas maliit naman si Suga ah.

"Huyyyuuyuy san ka pupunta. Tsaka ano kaba normal lang sa magbf gf yung naghahalikan nukaba huy" OA niya ha eh siya nga tong humalik sakin kagabi, tapos siya pa may ganang mag- inarte

Aba matuwa ka Yeri hinalikan mo lang naman ang pinakapoging lalakeng nabubuhay ngayon.

Hindi ko nalang siya hinabol, pssshh swerte niya kung susuyuin ko siya. Atleast nasa mood na ulit ako, nauto ko na kasi si Yeri eh hahahha. Uto uto talaga yun.

Pagkapasok ko sa loob kinausap ako ni Jungkook.

"Jimin" dere deretso lang ako paakyat sa kwarto, hindi ko siya pinansin

"Jimin" tawag niya pa pero tuloy tuloy parin ako

"JIMIN ANO BA TINATAWAG KA HA" napatigil ako nung biglang sumigaw si Jin

Medyo natakot ako kasi sobrang seryoso ng boses niya.

Napalabas din sa kwarto si Suga na halatang gulat.

"HOY JIN ANO BA NARIRINDI NA AKO AH, KANINA SI JHOPE NGAYON IKAW!!! UTANG NA LOOB PATAHIMIKIN NIYO NGA 'TONG BAHAY NA TO SA SIGAWAN NIYO BWISET HINDI AKO MAKATULOG"

Pagkatapos niya kami sigawan, padabog niyang sinara yung pintuan at nagmura.

Tahimik lang kami ngayon dito, halatang walang gustong magsalita.

Shete ano bang nangyayari sa'ming magpipinsan.

Rap naman nasan ka na pakiayos to please.

Mabilis akong umakyat sa taas at iniwan yung dalawa. Nagbihis nadin ako at nag-ayos ng buhok.

Saan ako pupunta???

Pupunta ako sa school, mag aavail ako ng uniform masikip na sakin yung uniform ko tumangkad kasi ako hahaha.

Isasama ko sana si Jhope at Jungkook, kaso wala si Jhope tapos si Jungkook naman ayokong kausapin.

Bakit nga ba ayokong kausapin si Jungkook? Ewan ko din eh nagsimula yun nung time na nag i love you sakin yung feelingerang Yering yun

Ay mali simula pala nung nag i love you si Yeri kay Jungkook.

Psh ewan maka-alis na nga lang, kailangan ko na makabili ng uniform may pasok na bukas eh.

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon