Part 15

586 27 2
                                    

Part 15: Joy

Patay!!!

Yun lang ang tanging salitang naisip ko nung nakita ko si Seul.

Agad-agad namang tumayo si Yeri at binitawan ang mga dala niyang damit.

"Uh Seul sige labas na kami ni Joy" sabi ni Yeri

"WALANG LALABAS" Seul

"Sorry na Seul. Pleassseee" sabi ni Yeri habang nagpapacute at nagbubeutiful eyes

Napansin ko naman na medyo huminahon si Seul, kaya napanatag ako. Bwiset naman kasi 'tong si Yeri dinamay pa ako. Kahit naman ako for sure magagalit kapag naabutan ko yung kwarto ko na sobrang gulo. Nakakalat yung mga damit sa sahig tapos yung mga sapatos naman nasa kama, yung mga bag nakabukas ang zipper at kumpol kumpol sa isang sulok.

"sigh! ano ba kasing nangyari dito?" mahinahon na tanong ni Seul

"Eh kasi nag-aya si Jungkook yung pinsan ni Jimin na magbar kami mamaya, wala daw maisip na suotin si Yeri. Kaya eto dito kami napunta sa kwarto mo" paliwanag ko sa kaniya

"Hayyy sige na nga kumuha na kayo ng susuotin" i knew it papayag siya hihihi

"Thank you thank you thank you. Mwah mwah" sabay naming sabi kay Seul at hug with kiss sa cheeks

"Eww lubayan niyo na ako. Linisin niyo nalang 'yan"

"Okay :)" tahimik nalang naming inayos ni Yeri yung mga damit

"Btw magbabar kayo diba?" Seul

"Yesh" excited kong sagot

"Magbabar din kasi ako mamayang 9 eh sa R&B"

"WHAT???" sabay naming sigaw ni Yeri at tingin sa isa't- isa

"Oh! Bakit gulat na gulat kayo?"

"Eh kasi doon din kami inayang magbar ni Jungkook at same time din"

"Talaga. Sa pagkaka-alam ko kasi sabi ni Rap sakin isasama niya yung mga pinsan niya."

"Rap? Who's that?" nagtataka kong tanong

"Basta. Makikilala niyo rin mamaya"

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon