Part 26

463 18 2
                                    

Part 26: Jhope

BWISET !!!  BWISET !!!! BWISET

Bakit ba hindi ako mabigyan bigyan nitong si Jin ng katahimikan.

Ilang beses ko pa bang kailangang sabihin sa kaniya na.

'Okay lang ako Jin, okay lang'

Ewan

Imbes na matuwa ako kasi concern sila sakin

Ewan

Hindi eh

Mas nainis pa ako

sigh

Bakit ba ako nagkakaganito.

Hindi ko na alam gagawin ko sa sarili ko.

Nasisiraan na ako ng bait.

Wendy!

Tama, dahil sa kaniya kung bakit ako nagkakaganito.

Siguro iniisip niyo na ang babaw ko kasi..

Kasi nagkakaganito ako dahil lang sa babaeng yun.

Wala eh ano magagawa ko badtrip.....

First time kong nakita si Wendy sa may airport. Ewan ko kung anong meron sakin at nakita ko agad siya. Wala eh kapansin pansin yung ganda niya tsaka yung kulay ng buhok na blue.

Nabiwiset ako kay Jin kaya lumabas nalang ako. Naglalakad lakad ako ngayon sa may subdivision samin.

Ang tahimik ngayon ah, nakakapanibago sa mga ganitong oras kasi maraming tao na nakatambay sa labas ng bahay nila, okaya naman mga asong pinapasiyal ng amo nila, meron ding mga batang naglalaro sa may parteng garden tsaka sa playground.

Kaya medyo nakakapanibago, nasanay lang kasi ako na maingay.

Dahil tahimik din, may oras pakong makapag-isip isip.

Bigla nalang pumasok sa utak ko yung nangyari kagabi.

Yung nangyari sa bar.

Sa totoo lang isa yun sa dahilan kung bakit badtrip ako eh. Ay, mali. Yun pala yung dahilan kung bakit ako badtrip. Alam ko naman na masungit si Wendy kasi nga nakilatis ko siya dun sa pangyayari sa sinehan, pero yung pag-asta niya ng ganon, medyo nakakabastos naman kasi masyado siyang nagfofocus sa itsura. Kahit sino sigurong lalaki sa oras na yun matuturn off sa ugali niya.

Pero kung iisipin, may saltik din naman ako. Agad agad ko nalang siya niyakap eh, nashock siguro.

Nakakasira ng ulo.

Ayy naalala ko!! May pasok na pala bukas, hindi naman ako pressured kasi nga diba talent school yung papasukan namin hindi naman academic.

Pero naaalala ko na may nasabi sakin si Jim na pwede din daw mag academics. ASA di ako kukuha ng academics, pero yung mga kumukuha lang daw nun is halos taga arts chuchu na yan ewan diko alam, new student ako sa Starfeave eh kaya wala akong al--aray!!

Syete natisod ako, nasobrahan ata ako sa kadramahan.

Tingin tingin

Whoosh buti naman walang nakakita, nakakahiya. Ang seryoso ko tapos bigla akong natisod.

Wait.

Parang

Si Wendy ba yun

Sobrang iksi ng short ah. Nahiya pa di nalang nagpanty.

Masundan nga....
.
.
.
.
.
.
.

Watdaep$&!/)/$:)/

Bakit siya tinali ng mga tambay na yun.

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon