Part 34

323 15 2
                                    

Part 34: Seulgi

Notes and HIP lang sinalihan ko, si Rap kaya ano sinalihan nun? Dito din kasi siya sa Starfeave nag-aaral eh, mamaya ko na nga tatanungin.

Kakatapos lang ng evaluation di ako ganon kasaya sa pinakita kong performance naintimade ako kasi maraming magagaling kanina katulad nung mga bagong estudiyante, Minzy, Bora, Hyoyeon, BoA, Yuri, Hyoyeon at marami pang iba pa, pero okay lang ang mahalaga nasa top class ako with the gold medal. Hindi na ako masyadong mahihirapan, i'm already on top.

Papunta ako ngayon sa ladies room, nang bigla akong makaramdam ng malamig na kamay na nakahawak sa braso ko.

Shiz nandito nanaman siya.

"Bitawan mo nga ako" naging mabait ako sayo nung una pero tama na inaabuso mo na kabutihan ko, might as well show you the other side of me

"Seul buti nalang nakita na kita, kanina pa kita hinahanap akala ko lumipat na kayo magpipinsan ng school, I miss you" pagkasabi niya ng mga salitang yun ay niyakap niya ako ng sobrang higpit, malakas siya kaya mahirap makakalas

"Hanbin bitawan mo ko" may pagkairita sa boses ko, hindi ako galit sa kaniya mas nangingibabaw ang takot ko sa mga pwede niyang gawin sa akin

"Matagal ko ng sinabi sayo na tigilan mo na ako, wala kang magagawa, hindi kita gusto, hindi ako interisado sayo, ayaw kita, ano pa bang kailangan kong linawin" sinabi ko yun ng nakayap parin sa kaniya

"Hindi, wag kang umasa na titigilan kita" matigas niyang pagbigkas

Nagkaroon ako ng chance na makatakas sa yakap niya, thank God. Kinuha ko yung chance na yun at mabilis na tumakbo papunta kung saan ako dalhin ng paa ko.

Gawd, screw him! Hindi niya ba nakikita, natatakot na ako, natatakot na ako sa kaniya, lalo na nung kinwento sa akin ni Irene and Wendy yung doorbell thing na nangyari sa bahay, kaya nga nagpalagay kami ng CCTV incase na gawin niya ulit yun, pwede namin siyang ireport. Pagkatapos ng mahabang takbo tumigil na ako, malayo na siguro tong narating ko at siya ng matindi kapag nasundan niya pa ako.

"HOLY SHZ!!!" nakatingin ako sa likod kaya di ko napansin na natamaan ko siya

"Huy! Okay ka lang, anong nangyari, sinong nanakit sayo? Tara samahan mo ako resbakan natin, tawag tayo ng pulis" resbakan natin pero tatawag ng pulis, okay ka lang koya

"Sira ka Taehyung, wag OA, okay lang ako walang nanakit sakin" napa 'Ahhh' naman siya sabay kamot sa kili kili

"Ewww, V kailangan talaga amuyin, wala ng mas bababoy pa sayo"

"Sus, mabango naman eh, amuyin mo" tinutok niya sakin yung daliri niya habang patawa tawa, patuloy lang ako sa pag-iwas, hanggang sa mauwi sa kilitian ang dapat na amuyan lang ng kili kili, shiz, ang baboy na ng pinag-uusapan.

"Ginto ka ba?" tanong niya pagkatapos ng kilitian

"Pick up line ba yan?" nagtataka kong tanong kasi kung oo sasagot ako ng hindi

"Hahahaha, grabe ka talaga Seul, tara nga McDo"

Hinila niya na ako at nagorder na kami ng maraming fries tsaka oreo mcflurry. Pinag-usapan din namin yung mga memories ng childhood, dahil nga magkababata kami.

"Babae!" babae talaga

"Oh ano lalaki?" ngumiti lang siya habang nag-iisip ng magandang sasabihin

"Ilan na naging exs mo?" ngumiti din ako at sumagot ng

"NBSB" napanganga siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko, pero sabagay daw sa itsura kong to na kamuka ni pickachu wala daw magkakagusto sakin sabay tawa ng mapang-asar

Hinatid niya na ako sa bahay at sumalubong samin ang maasim na mukha ni Irene.

Unregrettable LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon